Chapter 2: Marcelo's POV

7 0 0
                                    

Marcelo

Habang nag iintay ng text ng manager ko para sa event na pupuntahan ko sa Malolos ay naisipan ko na magbukas ng facebook at twitter ko. Walang bagong notifications sa facebook kaya nagtwitter na lang ako, 14 yung interactions ko at halos lahat dun ay tungkol sa event pero may isang babae doon na nakakuha ng atensyon ko. Natuwa ako sa tweet niya sa akin.

“Hello kuya @akoposimarcelo see you po sa Malolos Capitol Gym. Pupunta po ako at magpapa-booksign. Kahit umulan pa o mataas yung sikat ng araw, gagawa ako ng paraan para puntahan ka”

Iba yung naging impact ng tweet niya sa akin, para bang bumilis yung tibok ng puso ko. Kase sa sobrang dami ng nagti-tweet sa akin ng ganun, siya lang yung nagkalakas ng loob na magsalita ng walang halong biro. Yung walang “Hahaha” na ginagawang template ng mga tao sa message nila. Pakiramdam ko bumagal yung oras nung mabasa ko yun. Paulit ulit sa isipan ko yung mga salita na “Kahit umulan pa o mataas yung sikat ng araw, gagawa ako ng paraan para puntahan ka.” na naging dahilan para mas lalo akong maging excited na magpunta sa Malolos para sa mga readers ko at para na rin makita ang babaeng nagpatibok ng mabilis sa puso ko kahit sa isang simpleng tweet lang. Nag desisyon ako na i-retweet yun at ifollowback siya. Ilang segundo lang ang lumipas at nag-DM siya sa akin. Sinabi niya na magsusuot daw siya ng floral headband para makilala ko siya. Mas lalo akong napangiti nung nagsabi siya ng ganun kasi mas magkakaroon na ng chance para mas makilala ko siya sa event.

January 26, 2012

Sa sobrang excited ko, 4am pa lang ay nakagayak na ako. Mga 6:30 kami nakarating sa Malolos kasama ng kapwa ko writer na sakay ng isang shuttle bus. Sa ngayon ay nandito na kami sa isang kwarto na pagpapahingahan namin habang nag aantay ng mga readers na dadalo sa event. Sa hindi kalayuan ay may na-aninag akong babae na naka floral headband na papasok sa pintuan. Kahit bawal pa na lumabas kaming mga writer ay nagpumilit ako para lang makita ko siya at malapitan. Sinuot ko ang hood ng jacket ko para hindi ako makilala ng tao, pero sa sobrang dami ng tao na nandoon sa lugar na yon ay hindi ko na nagawa pang makita siya. Bumalik na lang muli ako sa kwarto pero bago ko isarado ang pintuan ay nakita ko siyang muli, pero sa pangalawang pagkakataon ay nabigo ako dahil nakita ko siya na may kasamang lalaki na nasa harapan niya na hawak pa ang braso niya. May para bang kumurot sa puso ko, nakaramdam ako ng panghihina at pagkabigo.

Dumating na ang takdang oras na kailangan na naming mag-booksign. Marami na akong napirmahan na libro pero wala sa kanila ang gusto kong makita. Marami rin akong nakikita na naka floral headband pero kung siya nga si Allea edi sana kinausap niya ako o nagpakilala siya, kaso hindi eh. Isang pila na lang ang natitira na pipirmahan ko, nalulungkot na ako pero hindi ako nagpapahalata dahil baka makita ng mga readers ko na hindi ako masaya. 10 na libro na ang napirmahan ko sa panghuli na pila at nalulungkot na talaga ako, bigla ko tuloy naisip na baka kaya hawak siya kanina nung lalaki ay dahil sa may biglaan silang pupuntahan o pinagbawalan na siya nito na tumuloy. May biglang boses akong narinig galing sa dulo ng pila.

“Sige, kayo na mauna. Mamaya na lang ako. Gusto ko kasi mahuli ako, para makausap ko siya ng matagal.” Hindi nga ako nagkakamali at siya nga yun! Ang babae na pumukaw ng atensyon ko sa dinami dami ng nagtweet sa akin. At ngayon, siya na naman ang pumukaw ng atensyon ko dito sa event. Kaya naman pala wala siya sa dami ng nagpapirma kasi gusto niya talaga magpahuli, gusto niya na makausap ako ng matagal. Kakaiba talaga siya!

“Kuya pwede po pa-picture ulit?” pagtatanong niya sa akin kahit nakaka-dalawang picture na siya kanina pa. Isang picture na magkalapit yung mukha namin at isang picture na parehas kaming nakatayo at magkatabi.

“Blurred po kasi yung unang picture eh!” dagadag pa niya, lalo akong humanga sa itsura niya noong sabihin niya ‘yun sa akin. Simple lang siya, pero ang lakas ng dating niya para sa akin.

“Ah ganun ba, sure!” pagpapa-cute kong sagot. Gusto ko rin naman kasi siyang kasama sa picture kahit ilang beses pa niyang gusto.

Pero bago pa man kami makapagpicture ng secret crush ko, ay may biglang isang fan na bumulong.

“Ano ba yan, kanina pa yung babae na yan! Nakakailang picture na siya, baka nga alibi niya lang na blurred yung pictures niya!” sa sobrang lakas ng bulong niya ay nadinig ko siya, at naging hudyat ‘yun para bumalik ang utak ko sa totoong nangyayari.

“Wait lang po ah, saglit lang po ito.” Sabi ko sa kanila, kahit na sobrang kulit na nga nitong si Allea at ilang beses ng pabalik balik para makapagpa-picture.

Pagkatapos kong mapirmahan ang huling libro ng panghuling pila ng mga nagpapapirma sa akin, ay may dumagdag pang isang mahabang pila na naman para humabol. Pero may isang pamilyar na mukha na naman ako na nakita sa harap ko. Dahan dahan siyang papalapit sa akin ngayon, para bang naka auto focus yung paningin ko at siya lang yung nakikita ko ng malinaw. Bigla siyang kumaway at ngumiti sa akin, pero biglaan siyang natabunan ng mga tao na magpapapirma din. Nakaramdam ulit ako ng lungkot, bumalik sa isip ko yung pangyayari kanina nung makita ko siya. Pinilit kong pirmahan ang lahat ng libro na iniaabot sa akin at sa wakas ay natapos ko lahat. Pagkakataon ko na para habulin at hanapin siya, hindi ko ininda yung mga tao na nasa paligid ko kahit sobrang crowded na. Sa kasamaang palad, wala na siya. Hindi ko siya inabutan. Tahimik at matamlay akong pumasok sa kwarto na pinagpapahingahan namin.

“Sir Marcelo, may humahanap po sa inyo. Pwedi daw po ba kayong makausap?” pagtatanong ng isang staff na pamilyar ang mukha sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung kasama ni Allea kanina, pero ang akala ko girlfriend niya ‘yun? Napaisip ako na baka si Allea yung naghahanap sa akin.

“Em, pwede na kayong sumakay sa shuttle bus para makauwi na ng maaga at makapagpahinga na.”

Akala ko si Allea na, pero hindi na naman. Pagkasabi na pagkasabi ng road manager namin ay umalis na siya at nasa likuran niya ang isa pang pamilyar na mukha ng babae na nagpapatibok ng puso ko. Ang babaeng iniidolo ko na dahilan ng pag gayak ko ng maaga at isa sa dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Pero iba ang itsura niya ngayon kaysa sa kanina, sobrang hingal na hingal siya at ang haggard na ng itsura niya….

“Kuya Em! Tumakas lang ako sa mga guards. Nakipaghabulan ako sa kanila at hindi nila ako napansin na nakapasok na sa kwarto niyo. Haay, nakakapagod talaga kuya. Kung alam mo lang para akong pagkain na hina-hunting nila ngayon sa sobrang gutom. Hahaha. Akala ko umalis ka na eh, nagdadalawang isip nga ako kasi baka hindi na kita maabutan dito.”

Natuwa ako sa mga sinabi niya at nakakabilib talaga siya. Gumawa talaga siya ng paraan para lang makita at makausap akong muli. Ang dami naming napagkwentuhan at tawa lang kami ng tawa. Nalungkot man ako kanina dahil sa maling akala, masaya naman ako dahil kasama ko yung taong dahilan ng lahat ng ito. Worth it yung pag gising ko ng maaga. Salamat sa maling akala, dahil hindi ko siya makikilala kung hindi siya naging pasaway kanina. Hindi ko inakala na makikilala ko siya, hindi ko inakala na magkakasama kami, hindi ko inakala na ang isang reader na gaya niya ang magpapa-ibig sa boring na taong katulad ko at higit sa lahat, hindi ko inakala na ginabi na pala kami at naiwan na ako ng shuttle bus na sasakyan ko. Napansin ko na lang na wala na palang gamit sa kwarto kundi gamit ko, ilang beses na rin pala nagriring phone ko at sinabi nila na mag-commute na lang ako. Ano nang gagawin ko, hindi ko pa naman alam ang pag uwi sa Maynila? Lagot na!

Never ever have thought ( A Fandom Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon