“Aivan, napapansin mo ba yung kinikilos ni Em? Madalas ko kasi siyang nakikita na nakatulala at nakatingin sa malayo pero mababakas mo sa mukha niya yung pagiging masaya niya.” pagtatanong ko kay Aivan na kapwa din naming writer kagaya ni Marcelo.
“Ay oo, nagsimula lahat yun nung magtext siya sa akin.” sagot ni Aivan na kasalukuyang hinahanap sa phone niya yung pinasa ni Em.
“Talaga? Dahil sayo? Ano ka ba naman? Pati ba naman si Em nabighani mo na? Iba talaga yung karisma mo ‘te!” pabiro kong banat sa kanya.
“Hahaha. Hindi no! Hindi ako, iba. At ngayon hindi natin siya kilala. Ang alam ko nga isang fan niya yung nakapagpabago dyan kay Em, eh! Tignan mo ‘to.” pagpapakita ni Aivan sa akin ng screenshot na convo ni Em at Alleannah sa twitter.
“Anak ng! Oo nga! Ang simple nung itsura nung girl tapos kakaiba siya sa dinami-daming fans ni Em! Mukhang desidido yung babae na makita siya ah, at nagsabi pa ng isusuot na bagay para mas lalong makilala ha.”
Ilang saglit pa ay dumating na si Marcelo sa lamesa na inuupuan nila Aly at Aivan, bitbit niya ang tatlong caramel macchiato na inorder niya sa counter. Napansin niya na sobrang seryoso nung dalawa na nag-uusap at tutok sa cellphone na hawak nila.
“Dala ko na yung order, libre ko na yan. Teka, ano yung tinitignan niyo? Patingin din ako!” pagpupumilit ni Em sa amin ni Aivan.
“Oh eto, yan yung pinasa mo sa akin na screenshot ng convo niyo ni Alleannah sa twitter. Naaalala mo pa ba?” pagtatanong ni Aivan sa kanya na may taas ng kilay pa na nalalaman.
“Ah oo, yan nga yung ikukwento ko dapat kay Aly kaso hindi ko siya mahagilap nun. Gusto ko pa naman siya tanungin kung ano ang magiging pakiramdam niya kung yung iniidolo niya ay magkakagusto sa kanya.”
“Nang-iinsulto ka ba ha? Hindi ba pweding sa akin mo din itanong yan?” pagmamataray ni Aivan kay Em.
“Hindi naman sa ganun, diba nga ikaw na yung unang nakaalam? Ayaw mo pa ba nun? Nagtatampo ka pa eh. Kaya ko lang naman gusto tanungin si Aly tungkol dun kasi babae siya, eh tayo parehas na lalaki. Kaya pareho pa rin yung perspective natin. Iba pa rin pag napakinggan natin yung side ng babae.”
“Oh, tama na yan! Mas maganda pa…” hindi pa man ako tapos magsalita ay sumingit na si Aivan.
“Ako.” natawa kaming pare-pareho at tumango na lang para sap ag sang-ayon sa kanya.
“Totoo na ‘to, wala ng halong biro. Mas maganda siguro kung ikaw mismo yung magkwento sa amin ng lahat ng napag-usapan at naramdaman mo kay Alleannah. Para alam namin kung paano ka matutulungan. At nang sa ganun, pati yung side ni Aivan maririnig mo. Makikinig naman kami sayo.”
Hindi naman siguro sa kauna-unahang pagkakataon lang natin narinig yung salitang “love at first sight”, pero nung marinig ko kasi yung kwento ni Em tungkol sa minute love affair nila ni Alleannah, iba na yung naging dating sa akin. Para bang may spark, parang iba siya kumpara sa usual na ganun. Hindi ko rin alam ang sagot sa mga tanong niya sa akin na: “Paano kung ma-inlove ako tapos wala lang pala sa kanya? Paano kung hindi siya maniwala na sincere ako? Paano kung magalit yung ibang fans at readers ko dahil bigla akong nahulog sa kanya?”. Palagay ko, siya lang din mismo yung makakasagot niyan eh. Siya rin mismo yung makakaalam ng lahat. Kasi siya naman yung magdedesisyon para sa takbo ng lovestory nila. Ewan ko ba naman kay Em, ngayon ko lang talaga siya nakita na naging ganyan sa pag-ibig. Hindi kasi siya yung tipo ng tao na showy, masyado siyang torpe at dahil dun yung mga characters na nagagawa niya nagiging torpe din. Pero sana makayanan niya, sana kung totoo man yung love na yun magtagal sila, sana makaya din ni Allea dahil mahirap makipagrelasyon kapag yung isa sa inyo walang tiwala sa sarili at hindi kayang panindigan yung totoong nararamdaman.
