Chapter 4: Aivan's POV

1 0 0
                                    

Nakarating na kami sa kwarto na pagpapahingahan namin, naibaba ko na ang gamit ko. Wala naman akong magawa kaya naisipin ko na lang na hanapin si Marcelo para asarin kay Allea na tiyak na tiyak kong hindi mawawala sa event na ito. Naikot na ata ng mga mata ko ang buong kwarto at wala akong nakita na anino ni Em. Kaya dali dali akong sumilip sa labas kung ano ang nagaganap at nakita ko si Em na sinuot ang hood ng kanyang jacket at para siyang may hinahanap na sobrang halagang tao para sa kanya na sa kauna-unahang pagkakataon ay makikita at dadalo sa event na ‘to. At kilala ko kung sino ang hinahanap niya, tiyak na tiyak ko na yun si Allea.

Bumalik na ako sa kwarto, ilang saglit lang ay sumunod na din si Em at malungkot siyang pumasok ng kwarto.

 “Hinahanap mo si Allea ‘no?” pang aasar ko sa kanya.

“Oo eh.”

“Nakita mo ba siya?”

“Oo.”

“Eh bakit malungkot ka? Nakita mo naman pala siya? Dapat masaya ka, kasi mas nauna mo pa siyang makita kaysa sa kanya na hindi ka pa nakikita.”

“Oo, nakita ko siya… na may kasama na lalaki.”

“Ha? Baka kuya niya yun?”

“Hindi eh, hawak nung lalaki yung braso ni Allea at nakita ko kung paano sila magtinginan. Hindi naman kami ganun magtinginan ni Via kahit na magkapatid kami.”

“Eh paano ba?”

“Basta. Hindi ko maipaliwanag, pero may kislap sa mga mata ni Allea nung makita niya yung lalaki.”

Natapos na ang usapan namin dahil tinawag na kami ng manager namin para sabihin na kailangan na naming lumabas para mag-booksign. Mula noong magsimula ang booksigning hanggang sa kalagitnaan ay napasnin ko si Em na hindi mapakali. Oo, kinakausap at inaasikaso niya yung mga readers at fans niya na nagpapapirma at nagpapa-picture sa kanya pero yung mata niya lumilibot ng tingin at sigurado akong si Allea na naman yun. Huling pila na pero hindi pa rin nabibigo si Em na makita si Allea, halos lahat ng naka floral headband ay tinignan niya pero wala ni-isa dun si Allea.

Patapos na sana ang huling pila at may isang bukod tangi na mukhha doon na nakapila ang mukhang pamilyar sa amin ni Em. Binulungan ko siya bilang hudyat na nakita ko na si Allea. Pero akala naming makakarating na siya sa lamesa na pinapiprmahan namin ay hindi pa pala dahil pinauna na naman niya ang mga tao na nasa likod niyang nakapila. Palagay ko gusto talaga niya na magpahuli. Tatlong tao na lang ang natitira sa pila at susunod na si Allea pero ng makarating na sa kanya ibinaba niya lang ang libro niya at pinauna na naman ang mga nasa likuran niya. Natabunan na naman siya ng mga tao at biglang hinahanap ni Em ang maya ari ng libro at sumigaw ang isang babae sa gilid niya.

“Kay Allea po yan kuya.”

“Oy best! Yung libro mo, dito ka na nga. Huwag ka na magpatihuli dyan.” Sabi pa nung babae na yun, nalaman ko na magbestfriend pala sila.

Lumapit na nga si Allea, nakapagpapirma at naka ilang pictures na with Em. Pero mga 5 minuto pa lang ang nakakalipas at eto, bumabalik na naman ang makulit na si Allea para manghingi na naman ng picture ulit. Nagait na nga ang ibang fans na gusto din magpa-picture dahil kanina pa daw pabalik balik at nakakailang picture na si Allea kay kuya Em.

“Wait lang po ah, saglit lang po ito.” Sabi ni Em na ramdam kong naapektuhan din sa sinabi ng mga tao. Hahaha

                                                                        ***

Nakasakay na kaming lahat ngayon sa shuttle bus pero may isa pang kulang, si Em. Inaantay na lang namin siya para makauwi na kami ng Manila.

“Nasaan na kaya yung pasaway na bata na ‘yun?” narinig ko yung sigaw ng guwardya sa kapwa niya guwardya na parang may hinahanap.

Nagulat ako ng lumingon ako sa malapit sa pintuan ng sasakyan dahil may isang pamilyar na mukha ng babae akong nakita na nakaupo. Hindi ito karaniwang pangyayari dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may nagtago sa sasakyan naming at nagpangahas na pumasok. Pero hindi siya katulad ng ibang readers at fans na pumapasok sa sasakyan para magpa-picture o magpapirma, kase sa kaso ni Allea mukhang nagtatago siya at mukhang siya ang hinahanap ng mga guwardya dahil nakatakip pa ang bibig niya ng dalawang kamay sa kadahilanang hindi niya mapigilan ang pagtawa niya.

“Bakit ka nagtatago? Tsaka bakit ka hinahanap ng mga guwardya?” tanong ko kay Allea na sobrang gulat ay parang nakakita ng multo dahil sa panlalki ng mata niya. Palagay ko kasi hindi niya alam na yung pinagtaguan niya na sasakyan ay yung ginagamit namin at hindi rin lingid sa kaalaman niya na nanduon kaming mga writers at may tao pala.

“S-sorry po. Sorry po talaga.” Gulat na gulat niyang sagot. Sa kanyang pagkagulat ay nagmadali siyang umalis at nakalimutan niyang kuhanin ang notebook niya. Nakalapag kasi ito sa tabi ng bag niya pero sa pagmamadali at kaba siguro ay hindi na niya nagawang damputin pa.

Naisipan ko na pulutin at buklatin ang notebook na iyon. Sa unang pahina pa lang, alam na alam ko nang sobrang iniidolo niya si Em dahil bumungad sa akin ang song composition niya na pinamagatang “Fangirl” na tungkol sa isang fan na na-inlove sa kanyang iniidolo. Ang mga sumunod pang pahina ay naglalaman din ng mgasulat na palagay ko ay ibibigay niya kay Em, mayroon din ditong kwento na pinagbibidahan nila ni Em. MAyroon din ditongg mga pahina na nagsilbing diary ni Allea na ang laman lang din naman ay tungkol kay Em, nakasulat kung kailan niya nakilala si Em, kung paano niya nakilala at kung bakit niya ito iniidolo at nagustuhan. Sa likod ng notebook ay may 26 na blangkong papel na may katagang “My Journey as a Die-hard Fan” na may ganto pa (dapat na laman: first picture together, second attempt, third. At madami pang pictures kasama siya, pati ang mga magiging conversation namin ay isusulat dito kahit ang simpleng ‘Hi at ‘Hello lang)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never ever have thought ( A Fandom Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon