Unang Kabanata

0 0 0
                                    

Pamilya

The shrieking of my mother's voice, awoke me from my dreams. "Audri! Ikaw bata ka! Tanghali na tulog ka padin. Aba'y balak mo bang palitan si Sleeping beauty ha?! Gumising ka na dyan." Sunod-sunod na sigaw niya at pumasok sa kwarto ko. She then open the windows of my room.

I groaned in annoyance and pull the blanket up to my head, to cover my face from the raise of the sun.

"Audri! Isa pa bubuhusan na talaga kita ng tubig." Pananakot pa niya at inagaw sa'kin ang kumot.

Napailing na lang ako at bumangon. "Si mama talaga istorbo." Nakangusong sabi ko at kakamot-kamot na tumayo at inayos ang higaan.

"Ako, istorbo? Anong oras ba dapat kita gigisingin ha, senyorita?" Sarkastikong sabi niya at inilagay ang kamay sa bewang.

"Mama, hindi mo naman ako kailangan gisingin. Ako na lang magkukusa dapat." ani ko at tumingin sa kanya.

Nakakunot ang noo at nakapameywang.

"Asa pa! Ikaw magkukusa? Eh halos palitan mo na nga si Sleeping Beauty sa pagtulog." Sabi niya at inikotan ako ng mata, "Buti sana kung maganda ka pero hindi naman. Sleeping ka lang hindi beauty." Dagdag niya pa.

Kunwaring humawak ako sa dibdib ko at tumingin sa kanya na parang nasasaktan. "Grabe ka sa'kin, mama ha. Ginaganyan mo na ko. Hindi mo na ko mahal." Malungkot na sabi ko at umupo sa kama.

Naiiling na natawa naman si mama sa sinabi ko. Kinuha niya ang suklay sa mesa ko bago siya naupo sa tabi ko at sinuklay ang buhok ko. "Syempre biro lang yun anak. Ang ganda mo kaya. Syempre dahil anak kita, mana ka sa'kin." ang gaan ng kamay niya sa buhok ko. Ang sarap sa pakiramdam.

"Ang hangin ma." Natatawang sabi ko kapagkuwan.

Natatawang tumigil siya sa pagsuklay sa 'kin at niyakap ako. "Good morning, baby ko." Bati niya at humalik sa pisnge ko.

"Good morning din po mama." Sagot ko at ginantihan siya ng yakap.

Ganito kami lagi, ito na nga yata ang naging bonding naming dalawa. Palagi ba naman akong inaasar. I love her so much. Hindi man siya perpekto pero busilak naman ang puso niya. She's my mother but she acts like she's just my friend.


"Oh, anong nangyari dito?" Sabay kaming napatingin kay papa na kakapasok lang sa kwarto ko.

May dala pa itong sandok at madungis ang mukha. Tumutulo pa ang pawid sa noo.  Halatang kagagaling lang sa pagluluto. Sa amin, si papa talaga ang taga luto.

Kahit na ang sabi nila ay ang babae dapat ang taga-luto at ito ang dapat na magsilbi sa asawa. Si papa pa din ang nagluluto. He wants to treat my mom just like a queen. I admire and idolize him for that. They love each other so much at ako ang saksi don.


"Tapos ka na magluto?" Tanong ni mama at kumalas sa yakap ko.

"Opo, mahal ko." Napangiti na lang ako sa sagot ni papa. Niyakap pa nito si mama at hinalikan sa noo. Nakita ko pa ang pagpula ng pisnge ni mama. Natawa ako, palaging ginagawa 'yun ni papa, pero hanggang ngayon namumula pa din ang pisnge ni mama at ako naman ay palaging kinikilig.

"Pa, si mama oh. Namumula, kinikilig na naman." Natawa ako ng malakas nang nilingon ako ni mama at sinamaan ng tingin.

"Halos dalawampu't- dalawang taon na tayong kasal, hanggang ngayon kinikilig ka pa din. Mahal na mahal mo talaga 'ko no?" Pang-aasar ni papa.

"Ikaw kasi e. Ang gwapo mo mahal ko." Parang batang sabi ni mama. Nakanguso pa at nakayakap kay papa.

“Mahal kita." sagot ni papa na namumula ang tenga dahil sa kilig. Gano'n si papa 'pag kinikilig namumula ang tenga.

“Mahal din kita.”

"Ew, pabebe." Sabi ko at nagkunwaring diring-diri.

"Inggit ka lang e." Ganti ni mama at bumelat pa.

Napailing na lang ako, parang bata talaga.

"Tama na. Bumaba na tayo at kumain." Saway ni papa at naunang naglakad palabas kasama si mama.

Nangingiting tumayo ako at pumunta sa banyo para maghilamos bago bumaba. Mula sa sala ay rinig-rinig ko ang hagikhik ni mama na parang kinikilig, tapos ang mga sweet words ni papa.

Nakakainggit, 21 na'ko pero hanggang ngayon wala pa ding akong boyfriend. Wala ngang nanliligaw e. Hindi ko alam kung bakit, madami namang nagsasabi na maganda ako, at totoo naman 'yun. Nagmana ako kay mama, mahaba at itim na itim na buhok, mapungay na mata, mahabang pilikmata, matangos na ilong at manipis na mamula-mulang labi. Matangkad at morena.

Napailing na lang ako, Bakit ba ko nag-iisip ng mga ganito? Hindi ko kailangan ng lalaki para mabuhay no!

Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng mga magulang ko na nakalimutan yatang may anak sila. Nagsusubuan pa habang kumakain.

"Oh, anak, maupo ka na at kumain." Nakangiting anyaya ni papa. Tumango ako at umupo sa tabi ni papa.

“Akala ko nakalimutan niyo na naman ako.”kunwaring pagtatampo ko.

“Tampo naman agad ang baby ko. Kain ka na prinsesa ni papa.” Napailing na lang ako at kumuha ng pagkain.

Pahaba ang lamesa namin at tatlo lang ang silya. Si papa ang nasa gitna tapos si mama naman sa kanan at ako sa kaliwa. Simple lang ang buhay namin. Katamtaman lang ang laki ng bahay,  pero malaki naman at punong-puno ng pagmamahal ang bahay namin.

Napailing na lang ako at nagsimulang kumain. Si mama at papa naman bumalik sa pagsusubuan. Nakatingin lang ako sa kanila at nangingiti, matagal na silang nagsasama pero hindi nabawasan ng kahit konti ang pagmamahal nila sa isa't-isa, habang tumatagal ay mas lalopa yatang nadadagdagan.

Pagkatapos kumain ay umalis na si papa para sumama sa mga kaibigan niya na maghunt. Habang kami naman ni mama ay nagsimulang nagligpit. Naghuhugas ako ng pinggan nang may kumatok sa pinto.

"Ako na ang magbubukas." Sabi ni mama at naglakad papunta sa sala. Pagkatapos kong maghugas ay nagpunas na'ko ng kamay at pumasok sa sala. Nakita ko si mama at ang mga kapit-bahay namin na nag-uusap. Maglalakad na sana ako paakyat nang marinig ko ang usapan nila.

"Grabe ang nangyari sa kabilang bayan. Nakakakilabot." Nagtatakang napalingon ako at nagpatuloy sa pakikinig.

"Lahat namatay, walang natira, kahit isa. Pati ang mga bantay, napatay." Bigla akong kinabahan sa narinig.

"Nakakatakot, baka tayo na ang isunod ng mga grupong iyon."

"Ano bang dahilan nila, bakit sila nagpapatay?" Tanong ni mama.

"Walang nakakaalam. Wala ding nakakakilala sa kanila. Nakakatakot talaga."

"Oo, tapos grabe daw sila 'pag pumatay, lahat ng pinatay nila ay minamarkahan ng ekis sa mukha. At ang mga bantay ay pinagsasaksak."

"Ay jusko, ano bang nangyayari ngayon?"

"Gabayan mo po kami."

Napayakap ako sasarili ko at napalunok, nagtataasan ang balahibo ko sa takot sa mga narinig. Napalingon ako kay mama at nakitang nakatingin siya sa'kin. She then smiled and motion me to go upstairs. Tumango ako at umakyat. Pakiramdam ko nakalutang ako at walang ibang pumapasok sa isip ko kundi ang mga nakakatakot na grupo at ang mga mukha ng mga biktima nila. Nakakakilabot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lady WarriorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon