AYLA's POV
"Kamusta ang lola mo?" Tanong ni Res isang umagang mapadaan siya sa bahay. Nakaupo ako ngayon dito sa rest house at tumabi naman sa akin si Res. Siguro ay naikwento na ni Francis ang tungkol sa nangyari kagabi.
"Ayon, mabuti na ang pakiramdam. Ang tapang pa nga eh! Makakatikim daw sa kanya si Goyong kapag nagkita sila ulit."
Napalatak si Res. "Hindi ako makapaniwala. Talagang gusto ng hayop na 'yon ang manakit ng kapwa niya. Hayaan mo aasarin namin 'yon hanggang sa tumigil na."
"Psh! Huwag na nga kayong dumagdag! Lalo lang siyang nagiging desperado eh! Aasarin mo pa edi lalong magagalit 'yon. Hayaan n'yo na!"
Tiningnan ako ni Res ng masama. "Hayaan? Muntik nang mamatay ang Lola mo tapos hahayaan lang? Bah! Ayos ah!"
"Eh, ano naman gusto mong gawin ko? Gatungan din kayo? Mag-iingat na lang kami sa susunod."
"Hindi ko maintindihan kung bakit wala kayong ginagawa, eh. Hindi ba kayo natatakot? Puro kayo babae rito lagi tapos 'yong pinsan mo laging wala rito."
"Psh! Huwag na natin pag- usapan. Teka, bakit ka napadaan dito?"
"Syempre may daan dito," pamimilosopo nito.
Akma ko siyang babatukan nang ilayo niya ang ulo at iharang ang dalawang kamay sa mukha.
"Ikaw, kababae mong tao nambabatok ka. Eh, kung ikaw kaya batukan ko?"
"Subukan mo," sagot ko at inirapan siya.
"Kita mo 'to. Sus, ang maldita. Makaalis na nga!"
"Di umalis ka!"
"Hmmm. Kagatin kita r'yan eh," sabi ni Res at nanggigil na pinisil ang pisngi ko.
Iwinaksi ko naman ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin.
"Alis na'ko."
Pinaikot ko ang mata ko. "Kanina ka pa nagsasabing aalis di ka naman tumatayo riyan sa inuupuan mo!"
"Ikaw, di ka lang maldita, ang suplada mo rin. Sa'yo na lahat."
"Ewan ko sa'yo! Di huwag mo akong kausapin!"
Nakangiti pang tumayo ang loko at humarap sa akin. May pakindat-kindat pa.
"Nasa iyo na ang lahat. Minamahal kita 'pagkat na sa'yo na ang lahat pati ang puso ko," kanta ni Res.
Dinampot ko ang tsinelas ko nang bigla iyong mahulog mula sa paa ko. Nagulat na lang ako nang biglang kumaripas si Res sa pagtakbo. "Anong nangyari sa lalaking iyon?" takang tanong ko sa sarili.
"Ayla, anong nangyari kay Resty at ang bilis tumakbo? Anong ipinanakot mo sa kanya?" nakangiting tanong ni Kuya Eddie at naupo sa tabi ko.
"Di ko po alam, eh. Nagulat na lang ako nang biglang kumaripas ng takbo. Ewan ko ba ro'n sa lalaking iyon."
"Nga pala, kamusta na ang Lola mo?"
"Okay naman na po. Nagpapahinga lang sa higaan niya."
"Sa susunod lahat ng ituro ni Goyong huwag n'yong kukunin ha? Lahat ng ibibigay niya wag n'yong tanggapin."
"Hindi ko naman po alam eh. Isa pa wala naman akong tinatanggap mula sa kanya."
Napabuntong-hininga si Kuya Eddie. "May kakayahan kasi siyang baguhin ang paningin natin sa isang bagay. Tulad na lang ng nangyari sa Lola mo. 'Yong buko ng niyog ginawa niyang kundol, pinulot ng lola mo at niluto, kinain. Tingnan mo kung anong nangyari."
"Nasabi nga po ni Tiya Susan. Hayaan niyo po sa susunod mag- iingat na kami."
"Dapat lang. Mag lock kayo lagi ng pinto at huwag magpapapasok ng tao na hindi mo sigurado kung siya nga."
BINABASA MO ANG
THIRD EYE II: Ayla and the Seven Men
ParanormalZyl always played Ayla's Knight in shining armour . Kapag kinakailangan niya ng tulong ay laging naroon ang binata sa kaniyang tabi. Si Zyl ang nagtatanggol sa kaniya laban sa taong kinatatakutan niya. Ngunit paano kung matuklasan niyang isa si Zyl...