Ayla's POV
Kanina pa sina Zyl at ang barkada namin sa resthouse at nag-uusap tungkol sa nangyari kay Mimi pero hindi ako lumapit sa kanila. Ilang beses na akong tinawag ni JM at sinabing pinapapunta raw ako ni Zyl doon sa resthouse pero hindi ko pinapansin.
"Ate, ano ba? Kanina ka pa tinatawag ni Kuya Zyl, oh!" reklamo ni JM na ilang beses ng pabalik-balik sa loob ng bahay.
"Huwag ka na ngang lumapit doon sa kanila para hindi ka mautusan ni Zyl! Ayaw ko makipag-usap sa kanya kaya tumahimik ka riyan."
"Bahala ka nga r'yan! May pa LQ LQ pa kayong nalalaman. Hindi naman kayo!" sagot ni JM at nag walk out.
"Aba't..." hindi na ako nakapagsalita dahil lumabas na ng bahay si JM. "Anong LQ ang pinagsasabi no'n?"
Kinuha ko ang isang pocketbook ni JM at binuklat para basahin. Humiga ako sa sofa at nagbasa. Tutok na tutok ako sa binabasa ko nang biglang may tumulak ng pocketbook papunta sa mukha ko.
"Shit!"
Nang alisin ko ang nakatakip na pocketbook sa mukha ko ay bumungad sa akin ang nakakunot-noong mukha ni Zyl.
"Anong ginagawa mo rito?"
"Tsk. Anong inaarte mo r'yan? Kanina pa kita tinatawag, ah!"
"Bakit? Katulong mo ba ako para ipatawag ako kung kailan mo gusto? Eh, sa ayaw kong makipag- usap sa'yo, eh! "
"Nakikipag usap ka na sa akin ngayon kaya huwag ka nang mag suplada riyan."
"Ano?"
"Tsk. Gabi na tapos nagbabasa kang pocketbook. Hindi mo ba alam na nakakasira iyan ng mata?"
"Ano naman ngayon?"
"Tsk. Oo na. Sorry na sa mga tanong ko kanina. Masyado ka namang sensitive. Patawad na po Mahal na Prinsesa!"
"Psh! Mukha mo!"
"Tumayo ka na riyan. Mag-uusap tayo."
Kita mo 'tong lalaking 'to. Makapag utos akala mo kung sinong hari!
"O, ano pang tinitingin-tingin mo r'yan? Tayo na! Kung ayaw mo bubuhatin kita," banta nito.
"Umalis ka nga sa harap ko. Akala mo bahay mo 'to, ah."
"Sumunod ka," bilin ni Zyl bago lumabas ng bahay.
Nilagay ko sa tabi ang pocketbook ni JM at itinali ko ang buhok ko pataas tapos sumunod kay Zyl doon sa resthouse.
"Oh, Ayla. Tapos na ang LQ?" tukso ni Karl. Naupo ako sa tabi niya
"Psh. Shattap!" irap ko kay Karl at binalingan si Francis na pangiti- ngiti lang. "Anong nginingiti mo riyan?"
Napailing si Francis ngunit nakangiti pa rin ang loko. Kailan kaya magseseryoso ang taong 'to.
"Gumaya nga kayo kay Justin na tahimik lang."
"Nice one, Ayl," tanging sagot ni Jus.
"Uy, Ayla. Ano 'tong sinasabi ni Res at Zyl na dahil sa 'yo nakita si Mimi sa ilog?" tanong ni Win.
"Hindi ko nilunod sa ilog si Mimi, Sherwin!"
"Teka, wala naman akong sinabing gano'n. Meron ba?"
"Ayla, bakit naisip mong nandoon si Mimi?" tanong naman ni Jim.
Napabuntong hininga ako. Mabuti pa sigurong sabihin ko na lang sa kanila. Mukhang hindi din naman sila titigil sa pagtatanong, eh. Psh! Kalalaking mga tao ang chismoso! Sinulyapan ko si Zyl at nagkibit- balikat lang siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/30823798-288-k523261.jpg)
BINABASA MO ANG
THIRD EYE II: Ayla and the Seven Men
ParanormalZyl always played Ayla's Knight in shining armour . Kapag kinakailangan niya ng tulong ay laging naroon ang binata sa kaniyang tabi. Si Zyl ang nagtatanggol sa kaniya laban sa taong kinatatakutan niya. Ngunit paano kung matuklasan niyang isa si Zyl...