Chapter 25

207 9 5
                                    

Nandito ako ngayon sa Dragon Village at hanggang ngayon hindi ko pa din nahahanap si Destiny. Ilang araw na akong naghahanap sa kaniya pero ni bakas wala

Sinusundan ko pa din ang necklace na parang compass at nagbabakasakaling alam nito kung nasaan siya

Hanggang ngayon bindi ko pa din alam kung bakit ganon na lamang ang paggalang nila kay Zeandra

Pero alam kong may kinalaman siya sa nangyayari dito. Siya ang nagpasimula kaya tatapusin ko ang laban na sinimulan niya

Napatingin ako sa kalangitan at pwrang ngayon ko lang ito ulit nakita dahil masyado akong naging busy nitong mga araw

Ang ganda

Yan lang ang masasabi ko dahil magkaiba ang mga ulap dito at sa Mortal World

Dito kasi ang mga ulap ay maaring tapakan na hindi ka nahuhulog samantalang sa Mortal World naman ay mahuhulog ka sa lupa

Tulad mo na nahulog sa maling tao

Nagulat na lang ako nang biglang umilaw ang necklace na hawak hawak ko at nakakasilaw ito kaya napilitan akong ipikit ang mata ko

Nakaramdam ako ng lamig, init at iba pa hindi ko na alam kung ano to dahil naghahalo halo sila

Unti unti nang nawala ang nakaksilaw na liwanag kaya binuksan ko na ang mata ko

Nakita ko ang isang scroll kaya nilapitan ko ito at nagulat na lang ako sa nabasa ko

Wag mo muna akong hanapin, dahil mas lalong mapapahamak ka lang

'Light will reign, Darness will fade. I am the chosen one, wishing all will be the same as before.'

Bigkasin mo iyan kung talagang kailangan at babalik sa lahat

Itago mo itong scroll na ito upang magsilbing ala-ala mo sakin

Hindi ko alam kung makakabalik pa ako pero sana ibalik mo ang lahat

Paalam

Alam kong nanggaling sa kaniya ito, pero bakit pinapatigil niya ako sa paghahanap sa kaniya?

Unti unting nawala ang scroll pero nagulat ako nang bigla itong naging necklace ulit

Bumalik na ako sa Academy at nagulat ako sa nakita ko

Puno nang dugo... Marami na ding naglalahong estudyante

Pero naalala ko ang sinabi niya...

Hindi kita bibiguin

Nakita kong maraming papalapit na Darkanian sakin kaya gumawa ako ng invisible fire ball sa likod nila at pinatama sa kanila

Tumakbo ako dahil nakarinig ako ng pagsabog sa likod ng academy at doon ko nakita ang mga kaibigan ko na kinakalaban si Zeandra

Lumapit na ako sa kanila dahil nanghihina na din sila at alam kong hindi nila kaya ang Dark Princess

Gumawa ako ng Fire Barrier dahil alam kong hindi na nila kayang lumaban pa at ubos na din ang mga enerhiya nila

"Sambitin mo na"bulong ng isang tinig

Sambitin?

"Scroll"bulong ulit ng tinig

Doon ko naalala ang nasa scroll marahil yun ang sinasabi niya

Nagulat naman ako ng bigla akong umangat

Sinong nagpapalipad sakin?

Pero alam kong iyon na ang tamang panahon para sambihin ang nasa scroll

"Light will reign, Darness will fade. I am the chosen one, wishing all will be the same as before."sabi ko at biglang umilaw ang kamay ko

Iba ibang kulay ang nakikita ko at nagulat ako ng bigla itong bumuo ng sword pero hindi ito ordinaryong sword lang

Ito ang sword nang mga naunang chosen pero nagtataka ako bakit kaya nagpakita ito kung wala ang isang chosen?

Unti unti na ding nagiiba ang suot ko at nagulat ako nang natapos ang pagpapalit dahil ito ang armor nang pangatlong chosen

Unti unti nang nawawala ang mga Darkanian at si Zeandra naman ay pinatay ko na

Pero nagulat ako nang bigla na lang akong nahilo at nawalan nang malay

Ang alam ko lang ay... nagawa ko

Unti unti akong nagmulat at nakita ko silang lahat pero hindi ko siya

"Asan siya?"

"Sinong siya?"tanong naman ni Lance

"Si Destiny"

"Destiny? Wala akong kilala Destiny kahit na sila"sabay turo sa tropa

Ibig sabihin ito ang sinasabi niya...

Sinasabi niya na babalik sa lahat sa dati

Kung saan wala pa siya....
__________________________________________________________________________________
Edited Chapter

You're my DestinyWhere stories live. Discover now