Chapter 20
Naiinis ako sa ginawa kanina ni Zeandra kasi pinahiya niya ako sa buong klase
Paanong pahiya edi pinagkalat lang naman niya na kami na ulit tapos ang malala ay naniwala agad sila at agad akong pumunta kay tita(Lance Mother) para i-announce niya sa buong school na walang kami at never na kaming magkakabalikan
Hangang ngayon iniisip ko pa din ngayon kung re-replyan ko siya dahil baka scammer yun eh o walang magawa sa buhay at isa pa pwede namang letters yung i-send niya hindi Morse Code pero baka naman trip niya lang na ganun ang i-text niya?
Pero....ay ewan ko
Kasalukuyan akong nandito sa kwarto ko at nagwa-wattpad pero dahil sa lutang ako ay wala akong maintindihan tuloy
Nakakainis
Bakit na lang ba palagi ko siyang naiisip eh kaibigan lang naman ako
Sinubukan ko ding pumunta sa bahay nila pero palaging walang tao
Try ko kayang maging akyat-bahay?Joke lang
Pinatay ko na lang yung laptop ko dahil wala namang pumapasok sa utak ko pag nagpatuloy akong magbasa pa. At isa pa ay marami namang pwedeng gawin ditto sa bahay like matulog, kumain, matulog, kumain and etc.
Dahan-dahang bumangon ang kama ko at bumaba patungo sa kusina at kumuha nang tubig at ininom pagkatapos kong uminom ay may biglang nag-door bell kaya lumabas ako para tignan kung sino ito at laking gulat ko dahil si Ryz ito at dahil ngayon ko lang siya nakita ay dali dali akong lumapit sa gate para buksan ito at papasukin ko siya
Ang gulat ko ay napawi nang makita kong may sugat ag kanang kamay niya at muntikan na siyang tumama sa isang bato pero nasalo ko siya agad
Dinala ko siya sa kwarto ko at agadkong kinuha ang First Aid Kit para gamutin ang sugat niya
Nang matapos kong gamutin ang sugat niya ay para akong hinehele dahil sahindi malamang dahilan at doon ako nawalan nang malay....
Nagising ako dahil sa hindi malamang dahilan at alam ko na kung sino ako dahil nagpakita ang mga goddess sakin
Oo sila lang dahil busy daw ang mga Gods, kung busy nga ba
Napatingin ako kay Ryz or should I say Destiny or Diamond na nananatiling tulog. Tinitigan ko siya dahil ngayon alam kona ang dahilan kung bakit palagi siyang wala
Masaya ako dahil doon at napadako naman ang tingin ko sa kamay niya na may sugat.Itinapat o ang kamay ko para pagalingin ito at nagawa ko dahil nakita kong nawawala na ang sugat niya
Alam ko na din kung sino ang may gawa nito sa kaniya pero alam kong tagumpay siya
Nagulat ako nang makita kong siya sa harap ko at sobrang lapit niya I mean yung mukha niya sobrang lapit sa mukha ko
"Baka matunaw ako?" mapang –asar na sabi niya
"Ayos ka naba?"
"Oo ayos na ako..."magkaroon nang sandaling katahimikan bago ulit siya nagsalita"...pasensiya ka na"
"Ayos lang basta huwag mo na ulit gagawin iyon makakasama sa inyo yun"
Imbes na sagutin niya ay nginitian na lang niya ako
"Ano nga pala ang nangyari sayo matapos ang war?"
END OF HIS POV
___________________________________________________________________
Edited Chapter