Solari’s POV
Gumising ako kanina ng napaka putanginang aga dahil na rin sa entrance ceremony namin bilang Senior High. Napaka putanginang sama ng panaginip ko hayop, nauulit na lang ng nauulit yung kuha kung paano namatay ang magulang namin. Isang bangungot na paulit ulit na lang tuwing hindi ako nakakainom ng gamot. Pumunta ako sa baba para gisingin si Sol na hindi ko ba alam bakit gustong gusto matulog sa sofa.
“Hey Bro, Oblobloblob Motherfvcker” Sigaw ko sabay buhos ng malamig na tubig sa kanya na kinagising naman nya. “Ohayo sekai good morning world” pakanta niyang sambit habang nakapikit pa ang isang mata. “Yow you know it’s 3:19 am right? And the ceremony won’t start until 7 am you prick ginising mo lang ako kasi wala kang magawa sa buhay e…osha laro tayo ng Oblivious para naman di ka ma buryong hayp ka istorbo sa pag tulog” banggit niya habang nagkukusot ng mata. Ginugol namin ang oras sa pag lalaro hanggang di namin namalayang alas singko na at hindi pa kami nakakapag handa ng gamit o hilamos manlang.
“Yow lemme fix myself then ikaw naman pagkatapos, then magluluto ako habang naliligo ka” banggit ko sa kanya. Ngumiti lang si Sol na halatang excited dahil nahinog yung kamatis na binili ko kahapon tanda na gumana ang arcana nya. Matapos ang aking 30 mins. Routine ng paliligo at paghahanda ng gamit ay pumunta na ako sa kusina para mag handa ng umagahan. “Toast and bacon tapos jasmine tea lang sakin ngayon bro, ayaw ko muna ng poached egg ha” sabi niya bago pumasok sa cr. Habang nagluluto ako ay rinig ang mahinang humming ni Sol ng kantang Shape of You ni Ed Sheeran. Oo isa nang classic song ang kantang ito. Fan sya ni Ed Sheeran, Shawn, Charlie, at ni Brendon Urie ng Panic! At The Disco na ngayon ay mga pangalan na katabi ng bandang Queen.
Habang naghihintay na maluto ang bacon ay sinubukan ko ulit kung healing din ba ang epekto ng Arcana of the Fool. Naghiwa ako ng apat na medyo malalim na sugat sa braso ko, maya maya lang din ay naghilom ito at kahit bakas ng peklat ay wala. Hindi ko napansin na nakatingin pala ng masama sakin si Sol. “Tanga tanga kang suicidal maniac ka, Hindi ka mamamatay hanggang malapit ako mwhahahahah” banggit nito sabay angat ng nakatapis na tuwalya at pinakita ang pwet. “Apaka gago talaga nahahawa ka na din ba kay Shin? Hanapan kita ng girlfriend na kagaya ng sa kanya? Mahiya ka nga kala mo naman may pwet e” pabiro ko namang sagot. “magbibihis lang ako ha, kung gusto mo mamatay lipat ka ng bahay tapos balik mo sa gobyerno yung 3.4M $ na nagastos sayo hayp nato” saad ni Sol habang papunta sa kwarto ko para kumuha ng damit nya at mag bihis.
Bumaba si tanga at umupo para kumain, binuksan ko naman ang tv para makinig ng balita. “Isa nanamang pagsabog sa maliit na bayan sa Moscow ang naganap dahil sa mga teroristang ayaw sa pamamalakad ng gobyerno, tatlo ang nasawi habang labing lima naman ang malubhang sugatan, nahuli ang salarin na gumagamit ng Arcana of Vulcanis para magpasabog. Sa kabi-“ pinatay ni Sol ang tv at napatingin sakin. “Puro gulo parin mabuting wag na manood ng balita lalo na’t biased channel yang pinapanood mo. Hindi nila binabalita yung ilang masasamang taong kasama sa Global Government” saad ni Sol. Natahimik na lang ako at kumain at pagkatapos ay sabay kaming nag linis ng pinagkainan at nag toothbrush.
Papalabas na kami ng bahay nang may narinig kaming ingay sa labas. “ Cyka Blyat!!!!( sooka blayat)” nakita namin si Marko na parang baliw sa kalsada sa tapat ng bahay namin. “Blyat!!! Blyat! Good morning sa inyo Blyat!!!” Bati nito na parang tangang sigaw ng sigaw. Nasanay na kaming magkakaibigan sa paboritong phrase nayan ni Marko. Walang naglalakas loob na kausapin sya dahil na rin sa nakakatakot nyang aura at naglalakihang muscles. Hindi lang halata pero malambot ang puso ni Marko, kapag wala siyang ginagawa ay tumutulong siya magpakain at mag alaga sa cat shelter.
“Ayyy Igor” mapang asar na sabi niya habang nakatingin sakin. “Good morning Igor, how’s your sleep? Made your homeland proud in your dreams again? Destroyed me and my Panzer yet? Come on Igor fight back” patuloy nitong pang aasar dahil na rin nga hindi ko matalo talo sa Oblivious ang Lvl. 745 nyang Tank/Bruiser character na may napakataas na defense stats. “Hayop ka Marko pag nakuha ko yung Blade of Infinite Burning magdasal kana sa lahat ng diyos na alam mo susunugin ko pati health bar nyang Panzer mo urur” sagot ko naman na patawa. “ Nice one Russia needs more guys like you, strong willed, hard working, and undying because of your brother Ha Ha” sambit niya sabay hampas sa braso ko.
“Napaka gago mo talagang kalbo ka, pag umiyak yan si Sister Sol bahala ka” dagdag ko naman habang nakatingin kami kay Sol. “sige pagpatuloy nyo yan bwiset ka atheist susej di ka makakaranas magka girlfriend” sambit naman ng asar na si Sol. Matapos ang asaran ay nagumpisa kaming maglakad papasok dahil malapit lang naman ang Univ. sa bahay namin. Kwentuhan, tawanan at kung ano anong kabaliwan ang ginawa namin hanggang makarating kami sa gate.
Naka abang naman sa gate si Shin, si Kanna ang girlfriend nya at si Kimmy na naglalandi ng buhangin. “Yo white sand for your mental health” pabirong sabi ni Kim sabay hagis samin ng buhangin. “apaka bad mo talaga Kim, hindi ka gumaya sakin mabait na may girlfriend pa” sambit ni Shin sabay hawak sa boobs ng girlfriend nya. Bakas ang gulat sa mukha ni Kanna kaya’t hindi na kami nag taka sa sumunod na nangyari. Hinalikan nya ang noo ni Shin sabay sabing “Abusado ka Love di pa tayo kasal e” nang nakangiti. Ngumiti din si Shin nang isang malaking kamay ang dumapo sa pisngi nya na ibinaon sya sa pavement ng kalsada. “ Apaka putangina mo naman ang aga aga wala ako sa mood” gigil na sambit ni Kanna habang sinisipa ang duguang katawan ni Shin. “ Oyyy Atheist Jesus paki heal nyo nga tong gago nato” may tono nyang sabi kay Marko at Sol. “pasalamat ka yan lang ginawa ko sayo, sa susunod puputulin ko yang kaligayahan mo” Pagbabanta ni Kanna kay Shin sabay tumawa ng malakas. Si Kanna ay may simpleng arcana at ito ay ang Arcana of the Stone walls. Nagagawa nitong palakihin ang ano mang parte ng katawan nya at nagagawa rin nitong gawin siyang sing tigas ng diamond. Luging lugi si Shin pagdating sa away kay Kanna pero mahal na mahal naman nila ang isa’t isa.
Pumasok kami sa gym ng school at naupo sa bleachers. Tumabi kami sa nag aabang na si Rowe na may hawak pang kape at nagbabasa ng libro. Ilang minuto lang ay nagsimula na din ang ceremony. “ To all our freshmen, teachers, school council, boa-“ yan lang ang narinig ko sa speech ng speaker at nsinuot ko na ang headphone kong kulay black at purple. Nakakaantok makinig wala namang nagbabago sa speech content at sa monotonous na boses. Nakinig na lang ako sa kanta ng Haunting Ground na anak ng mga myembro ng One Ok Rock. “as we start our story you’ve already ended it....” nag doze off utak ko habang nag uumpisa ang unang mga linya ng kanta. Lumalim yung pagiging lutang ko at kung ano ano na lang tinititigan ko mapa ceiling ng gym hanggang sa screw ng inuupuan ko.
Naglalakbay yung tingin ko nang biglang nabalik ako sa realidad. Putangina nakangiti sa akin si Luna “AaAAaAAaAaAAaAAAaAAaaAAAaa yawaaaaaa” sigaw ko sa isip ko. Kumaway sya at lumingon naman muna ako sa paligid ko kung ako nga yung kinakawayan nya. Ako nga dahil ako lang ang nakatingin sa kanya. Maliit na kaway lamang ang naging tugon ko sa kaway nya at ngiti. Ang awkward man ay ngumiti ako sa kanya, hindi lang basta ngiti, abot tenga at walang matang ngiting aso ko. Kumaway ulit siya sabay bulong sa hangin ng “Bye”. Hindi ko napansin natapos na pala ang ceremony na hindi manlang ako nakinig, tumayo o pumalakpak pero nakalandi ako ahaahahah. Uwian na at sabay sabay kaming lumabas nung lima kasama si Kanna.
Hinanap ko si Luna kung makikita ko ngunit mukang nauna na sila umalis ng mga kaibigan nya. Unang araw ko pa lamang ay magiging memorable na, paano pa kaya ang mga araw hanggang makapagtapos kami at kung sakali maging asawa ko si Luna. Magkakaroon din ako ng lakas ng loob na magtapat sa kanya at manligaw pero hindi pa ngayon yon.
Nagkahiwahiwalay kami ng daan dahil sinundo na si Rowe, Naglakad ng magkasama sila Shin at Kanna at si Kimmy naman ay naiwan sa shed upang mag hintay ng Shuttle. Nang makarating sa tapat namin ay pumasok kaming tatlo nila Sol, at Marko. Sa sobrang lalim ng pag iisip ko ng nangyari kanina hindi ko napansin bakit nga namin pinapasok si Marko. “Oyy Igor, Get your head out of the clouds I’ll sleep here for the tonight so cook me a big fat Mother Russia worthy feast” malakas na pagkakasabi ni Marko. Nawala ang pagkalutang ko at napansin na nakapag alis na si gago ng sapatos at jacket at nakasuot na ng VR gear at huli na bago nag paalam “Lemme Log in and Win a round, in exchange I’ll tell you where you can find the secondary mythic shield Beast Breath deal?” sambit niya. Napapayag na lang ako dahil na rin sa gusto kong makuha ang secondary shield at dahil na rin sa nasa kanya ang primary mythic shield na Global Shard. Matapos mag laro at kumain ay nagpahinga kami ng konte at nagpasyang umakyat na sa kwarto habang si Sol at naiwang naglalaro at naghahanap ng Staff of Randuu na primary legendary staff para sa mga support/ mage class gaya ng character niyang pinangalanan niyang Vulcan. Umakyat kami ni Marko at putanginang to inunahan ako sa kama ko. Hayop nakita ko nga si Luna tutulog naman ako sa sahig. Yawa ka Marko.
BINABASA MO ANG
Waiting for Luna(Stopped, Will Rewrite Properly Soon)
Science FictionAfter the massive decrease in human population in 2039 due to ZX91-V or Singed Virus which causes humans it infects to die within 3 days if not treated. The virus "burns" the corpse after a person dies hence the name Singed Virus. Earth survived los...