Sol and Solari.Origin

18 4 3
                                    

Alam nyo bang hindi dapat ako nabubuhay? Oo isa akong produkto ng eksperimento nila. Ang alam ng mga magulang ko iisa lang ang magiging anak nila at si Sol yon. Siya ang inaasahan ng lahat na magiging supling ng Arcana of The World at Arcana of The Star.

Napaka ganda talaga ng kung anong nagagawa ng Arcana nila mama at papa. Sa videos ng training nila sa space station na nakatayo sa India, naipakita kung bakit sila ang ipinadala sa Pluto mission. Sa dami ba naman ng videos ng pag “synchronize” ng arcana maniniwala ka talagang itinadhana sila. Itinadhana na masyadong maagang nawala.

Arcana of The World or El Mondo ay isang Arcana of the Cards. Si papa ang my hawak nito. Nagagawa nitong patigilin ang pagtanda, pagkasira, at pagkamatay ng lahat ng uri ng bagay, nabubuhay man o hindi, ito ang first effect ng “The World” na “Za Warudo” at oo JoJo reference dahil na din isang massive JoJo fan ang papa naming buang. Ang pangalawang epekto ng The World ay ang “polarity reversal”, nagagawa nitong taasan o alisin ang bigat ng kahit ano basta’t ito ay carbon-based material or creature. Isa ito sa hinangaan ko sa kanya dahil na rin sa kung paano nya madaling nailigtas ang 3,647 na tao mula sa hindi inaasahang pagkasira ng Eiffel tower dahil sa isang lindol na inaasahang mahina lang. Pinawala ni papa yung bigat ng tower at ibinalik sa ayos na para bang naglalaro lang sya ng lego. Napaka gandang arcana, napakabilis ring nawala.
Sunod naman ay ang Arcana ni mama, ang Arcana of The Star. Isa lang ang epekto nito at ito ay ang “Rigolus Haze”. Nagagawa nitong maglabas ng ectoplasm na maaaring lumaki na kasing laki ng bituing Rigel at maaari nyang bgiyan ng mga katangian ng isang bituin. Paano namin nalaman? Dahil ang araw na nakikita ng mga tao ngayon ay ang araw na gawa ni mama. Unlimited daw ang kayang ilabas na ectoplasm ni mama at nakakamangha talaga. Iniwanan nya pa nga kami ng Little Betelgeuse naming ni Sol bago sila umalis para daw hindi kami masyadong malungkot. Hindi naman sinabi samin na tuluyang pag alis na pala yon.

Silang dalawa ay nagkakilala ng napunta si papa sa Africa para tumulong sa pag pigil ng wild fire sa isa na ngayong napakalaking rain forest. Oo, rainforest na ang Africa at ito’y dahil kay Awhim, ang daga na nagkaroon ng Arcana of the Grassy Plains na nakakapag bigay buhay sa lahat ng halaman ano man ang kundisyon ng lugar. Itinuring na Global Animal si Awhim dahil na rin sa nagawa niya. Namatay siyang bayani ng Africa kahit isa siyang hayop. Mabalik tayo sa meet up nila mama, Tumulong si papa non sa pag apula sa sunog na dahil sa iisang tao, si mama. OO si mama yung dahilan ng sunog. Dahil sa depresyon, pagkamatay ng buo niyang pamilya at iniwan na malaking utang ng kanyang tatay ay nawala sa sarili si mama. 16 sya nung nakilala nya si papa. Si papa lang yung taong nakapasok sa loob ng bolang nag aapoy na kasing init ng araw ni mama. Nakakagulat nga at hindi kami makapaniwala na niyakap daw ni papa si mama non kahit hindi nya alam ang dahilan. Ang tumatak lang sa amin ni Sol ay ang sinabi ni papa kay mama. “Oo masyadong mahirap, mabigat, at nakakapanghina, pero andito na ako ngayon, tulungan tayo sa problema ha. Hinding hindi ka na luluha ng mag isa. Kung ayaw mong maniwala sunugin mo nalang din ako, kaso hindi mangyayari yon kasi I’m already hot” napaka landi ng papa ko putangina hahaha. Napangiti nya si mama non at pinanindigan nya lahat ng sinabi nya, nagpakasal sila 3 years after at sa sumunod na dalawang taon naman ay nabuo kami ni Sol, or si Sol lang.

Ako ang hindi inaasahang anak nila mama. Pinanganak daw ako ni mama na parang isang nag aapoy na ectoplasam lang. matapos ko daw lumabas, nang itatapon n asana ng nurse ay unti unting humulma ito na isang baby, magiging baby ni Luna awit.  Ang iyak ko ay agad na pumatay sa nurse na my hawak sa akin. Mabuti na lang ay nasa radius ng Za Warudo ni papa sila mama. Mula noon pinalaki nila kami hanggang umalis sila na hindi nakakaranas ng sakit at problema.

Ako nga pala ang nakapatay sa lola ko. Nung umalis sila papa, imbis na kausapin ay pinalo nya si Sol at pinag mumura. Masama talaga ang ugali ng mga magulang at kapatid ni papa, dala na rin siguro ng inggit sa Arcana. Sa galit at lungkot ko na rin siguro kahit na musmos pa ako ay nahawakan ko sya at naging abo. RIP Lola wag mo papaluin yung mga nasa impyerno break it down.
Mula noon isang tita lang naming ang tumulong sa amin at gumabay. Lumaki kami ni Sol na isang tao lang ang nagmamahal. Nakakatawa ngang isipin na kung sino pa kaming kulang ng pagmamahal ay sobra sobrang tumulong sa iba.

Mabuti na lang talaga at napunta kami sa tamang tiya at sa tama pero may tamang mga kaibigan. Hinding hindi nakakapag sisi na mabuhay at itigil ang aking pagsubok mamatay, pero ang 20 suicides ko ay kwento naman para sa ibang araw.

______________________________________

Brrt brrrt Updates

Waiting for Luna(Stopped, Will Rewrite Properly Soon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon