1. Feelingerang Tindera

103 8 3
                                    

Naglalakad lang ako pero nang mahulog ang ballpen ko ay agad pinulot ng lalake para iabot saken. Kinuha ko ang ballpen at hindi ko na tinignan ang mukha ng lalake. "Thanks." sabi ako at naglakad papalayo. Ano siya siniswerte? Yung mas gwapo nga sa kaniya hindi ko pinapansin eh.

After that, i'm going to canteen. I was a loner. Hindi ko trip makisama sa mga kaibigan kong may mga boyfriend tapos ako ang gusto. Maigi na yung nag iisa ako para cool. Coolang nga lang sa tangkad.

Nakita ko ang isang varsity player na pogi. Umiwas ako, ayokong mapansin niya na nagpapapansin ako. Nagdatingan ang ibang classmate ko. "Sharmaine, nag iisa kana naman?" sabi agad sakin ni Kim.

"Hay naku, lagi naman eh." sagot ko at nakita ko na kinikilig sila dahil kay Jayson. Si Jayson ay ang sikat na varsity player.

"Ang gwapo ni Jayson. Swerte naman ng magiging girlfriend niya." sabi ni Jenifer. Kung alam lang nila na ako ang dahilan kaya nandito yang si Jayson.

"Magsitigil nga kayo. Hindi niyo alam, baka maraming babae ngayon yan." sabi ko at nagtinginan sakin. Sumagot si Jenifer, "Ewan sayo Shar, kj ka talaga." umirap lang ako.

Matapos kumaen ni Jayson ay dumaan siya sa harap namin para umalis na. "Hi Jayson." bati nila nang sabay sabay. Apat kaming magkakasama. Isa na si Nicole na cool din pero kinikilig pag nakita si Jayson.

Nagtataka lang ako sa kanila, lahat sila may boyfriend pero kinikilig pa sila sa ibang lalake. Ang buhay nga naman. Pag dating nang uwian ay wala akong balak sumabay sa kanila. Gusto kong mapag-isa.

"Shar! Saan ka pupunta?" tanong ni Jenifer. Kasama na naman nila ang mga boyfriend nila. "Uuwi na, ano sa tingin niyo?" sagot ko.

"Ikaw naman Shar. Ikaw lang ang laging wala pag may lakad kami." sagot niya. Hindi na nila ako napigilan kaya umuwi nalang ako.

Nakapambahay na ako at bibili sa tindahan. Nakasabay kong bumili si Erwin na malapit samin nakatira. Panay na naman ang pacute sakin. Bakit ba ganiyan ang mga lalake? Alam kasi nilang bibili ako kaya bibili din sila. Alam ko walang girlfriend itong si Erwin, nahihiya lang sigurong ligawan ako. Okay lang. Marami pa naman diyan. Ayoko naman sabihin na crush ko din siya, babae ako no. "Magpapaload ako." sabi ni Erwin sa tindera. umirap ang tindera. Napaka feelingera naman niya. Feeling niya crush yata siya ni Erwin. "Ang taray!" sabi ni Erwin at ngumiti. Naghihintay lang ako dahil naunang bumili si Erwin. Isa lang ang tindera. Ang tagal, nakakainis.

"Dial mo number mo diyan." binigay ng tindera ang phone niya kay Erwin at tinanong ako. "Miss, ano sayo?" sasagot sana ako nang magsalita si Erwin, "Saulado mo na number ko eh." feelingero din si Erwin pero hindi imposible ang sinabi niya. "Hoy hindi ah!!" tanggi ng tindera. "Kunyari ka pa eh. Katext kita diba?" sabi ni Erwin at tumawa.

Ano ba tong mga to. Naiinis na ako.

"Ano naman ngayon? Hindi ibig sabihin saulado ko number mo." sabi uli ng tindera sabay tingin sakin, "Ano sayo?" sabi niya.

"Sige, i can wait naman eh. Mag usap muna kayo." sabi ko at yumuko ako para basahin ang text ng tropa.

"Sorry Miss." sabi ni Erwin.

Sorry Miss? Kinyari pa siya na hindi niya ako kilala. "Okay lang." sagot ko. Sabay nod.

Hindi nagsalita ang dalawa pero nagkatitigan sila na makahulugan. Lalo akong napikon. "Tapos na kayo mag-usap?" tanong ko. "Ano ba sayo?" tanong ng tindera. "Isang cream silk blue." sagot ko sabay padabog kong binaba ang barya.

Umuwi ako naaasar sa dalawang yun. Sa tema ng pagtititigan nila ay kahit hindi sila tumatawa ay parang pinagtatawanan nila ako. Nakakainis lang.

Tomorrow came and i woke up and i just read some messages on my phone.

***

Jenifer
Good morning guys.
Nakakatamad pumasok. Yung isa diyan
Siya pa may ganang magalit
Eh ako nga dapat diba? Kung talagang
Mahal mo ako, ipakita mo.

GM.Jen

***

Puro kalandian na naman ang mababasa ko kaya hindi ko na binasa ang iba. Delete all agad.

Pagpasok ko sa school ay wala sana akong balak na makihalubilo kila Jenifer pero sila na ang lumapit sakin.

"Shar, may irereto kami sayo!" sabi Kim. What?

"Ano? Ako pa manliligaw?" pataray kong sagot.

"Para magkaboyfriend kana. Ikaw syempre ang liligawan." sabi naman ni Nicole.

"Bakit ba gusto niyo akong magboyfriend agad agad?" tanong ko.

"Kasi naman, tinatamad kang kasama kami, ikaw lang kasi ang single." sabi naman ni Jenifer.

"Hindi na kailangan pang mag boyfriend." sabi ko.

"Nakakainis naman to." sabi ni Nicole.

"Kung darating ang boyfriend, darating yan." sabi ko lang at umupo.

"Ewan sayo. Palibhasa virgin kapa kaya bitter ka." sabi ni Jenifer sabay nagtawanan sila.

"Hoy! Hindi ko hanap makipag sex. Kayo kasi ang lalandi niyo." mahinang sabi ko para walang makarinig.

"Biro lang naman Shar." sabi ni Jenifer at nakatawa parin.

"Wag niyo na akong isama sa mga lakad niyo. Kayo nalang." sabi ko.

Pagtapos nun ay hindi na nila ako kinulit. Sila kasi ang lagi kong kasama mula grade 7 pa. Namiss nila ako kasi ngayon grade 10 na kami, may boyfriend na sila at ako nalang ang wala. Nakakainis lang. Mga malalandi kasi sila, puro sila pacute, hindi katulad ko, unpredictable ako kaya walang mangahas na manligaw sakin.

Pag uwi ko ay nasalubong ko si Erwin. Hindi niya ako pinansin. Inisip niya siguro na masungit ako. Ganiyan naman ang mga lalake eh. Pero sayang si Erwin. Gwapo pa naman siya. Wala nang pag asa na ligawan niya ako kasi sino ba namang lalake ang gusto sa masungit. Bumili ako sa tindahan at sumalubong na naman sakin ang tinderang Feelingera. Nakakapikon sa kalandian. Habang nagbibilang siya sa perang isusukli niya ay panay ang bati sa kaniya ng mga lalake na suki niya. Tawa lang siya ng tawa. Akala naman niya maganda siya pero sa ugali palang halatang hindi na siya virgin.

Kaya ayokong magboyfriend eh. Sex lang ang habol ng lalake. May lalake pabang okay lang kahit walang sex? Kung meron man, sana sakin nalang siya. Ayokong masaktan eh. I'm sure pag naghiwalay kami ng magiging boyfriend ko, iiyak ako. At isa lang ang magiging dahilan

Ang sex.....

To be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 10, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FeelingeraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon