PART 4 (The Cut)

26 2 0
                                    

Al's POV

habang nakaupo ako dito sa isang bench sa park ay may napansin akong pamilyar na mukha.

Di ako pwedeng magkamali, si Franz yun at si..si Chin??

Bakit sila magkasama?

Bakit parang masaya silang dalawa?

May relasyon naba sila?

yan ang mga tanong na unti-unting kumukurot sa puso..

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?

Hindi kaya? Hindi kaya??

Hindi!! Hindi maari!!

Bakit ko ba naisip na mahal ko na soli Chin!!!?? Nakakainis! Nakakabwisit!! Nakakaloko!!

Napatapik nalng ako sa noo ko sa mga naiisip ko.tss!

Nang bumaling ako ulit ng tingin sa lugar nila ay napansin Kong nagiisa na si Chin sa upuan pero nakitang palapit na si Franz sa kanya ay bigla nyang tinakpan ang mata nito dahilan para magulat at mapatayo si chin kaya nalaglag sa damuhan yung ibang hawak ni Franz na pagkain.

Habang magkasama sila ay di ko maiwasang mapatingin sa lugar nil a pero ewan ko kung bakit! tss!

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpaalam na si Franz Kay Chin dahilan para maiwang mag isa si Chin.

Hindi ko alam kung bakit natuwa ako and now I found myself walking towards him, habang papalapit na ako sa kanya ay ewan ko ba kung bakit tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang kamay ko. Una ang akala ay si Franz kaya nanahimik nalang ako hanggang sa siya na Mismo ang nagtanggal ng kamay ko.

Nagulat siya nang lumingon sya dahil siguro Hindi nya inaakalang ako ang makikita niya.

Umupo ako sa tabi niya habang sya ay wala paring imik! Kaya ako na mismo ang nambasag ng katahimikan niya.

"Hi?" - ako pero malayo ang tingin.

"Hello "- sagot naman niya na nakatingin Din sa direksyong aking tinitignan.

"Kumusta kana? " sunod na sabi ko

"Ayos lang naman, kaw ba? Tagal mo ng di nagparamdam ah?" -siya, Pero ngayon nakatingin na sya sakin.

"Ayos lang din kahit papano, madami lang kasi nangyare kaya nag ganun"-sagot ko , wala akong maisip na magandang dahilan.

"Ah ganun ba, di mo pa pala nakalimutan yung nangyare. Pasensya na ulit ha, di ko naman intensyon na mangyare yun ee. Kung pag iiwas mo ang sagot para mapatawad mo ako, sige tatanggapin ko Al" - mahaba at emosyonal niyang sabi.

"Mas mabuti na to siguro Chin, na wag na muna tayong mag usap.Kasalan ko din to siguro kasi sobra akong na attach sayo kaya ganito nangyare" - sagot ko at tumango na lang siya.

"Si Franz pala, siya na ba yung bago mo? Yung pinalit mo sakin?haha" - pabiro kong singgit para naman di siya masyadong maging emosyonal.

"Ahh yun, I started to like him na, masaya ako sa company niya kahit na kakikilala palang namin kanina. Ewan ko ba, OK na rin to siguro para naman makapag move on na ako sayo"- sagot nya at nagbitiw ng ngiti at tumayo.

"Pano ba yan Al , its getting late na baka hanapin na ako sa bahay, I think I should go" -paalam niya at ako naman bigla ko siyang niyakap ng mahigpit . Ramdam kong nagulat siya habang ako naluluha na sa sandaling to. Narinig ko nalang ang paghikbi niya sa dibdib umiiyak na din pala siyA.

"I miss you Chin, at mas mamimiss kita. Pasensya na dahil kelangang magkaganito. I don't want to be unfair, that's why I'm setting you free for you to find that deserving man who can love back because you deserve to be happy" -sabi ko dahilan para bumuhos ng tuluyan ang luha ko kasabay ng biglaang pagbagsak ng ulan.

Puro tango na lamang ang sagot niya sa mga sinabi ko at nakipagkalas na siya sa yakapan namin nagpaalam at dali-daling umalis.

Balak ko pa sana siyang ihatid kaso wala na siya ee, bumalik na ako sa kotse at nagdrive pauwi dahil my pasok pa kinabukasan.

-end of part 4-

#feelers

#bff

#infinity

where is the LOVE? by chin-chanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon