"HOY! Babe kanina Ka pa nakatulala, ano ba inisip mo?" Tanong niya ng binagsak yung takip ng kaldero kaya Nagulat ako at bumalik na sa senses ko."Wala diba mahal mo naman ako?" yun ang unang lumabas sa bibig ko.
"Ano nanaman bang iniisip mo, Oo naman mahal na mahal kita kaya nga may balak ako pakasalan ka eh" sambit niya tapos niyakap ako at niyakap ko din naman siya pabalik at hinalikan.Kung ano ano pa Kasi naiisip ko eh. Malabo naman mangyare yun. Halos imposible na mag hiwalay kami, masdayo naming mahal ang isa't isa.
Nag lilinis lang kami ng condo Habang kumakanta pa, ganto talaga yung ginagawa namin every Sunday. Bonding na nga namin to eh, bebe time is linis Condo time.
Nag pupunas siya ng bintana ng favorite song niya pa yung pinaplay. Inagaw niya bigla sakin yung walis at kumanta, ginawang gitara na mic yung walis. Iba din talaga yung trip nito eh
"Come on, sing with me" sigaw niya habang nag pa tuloy siya sa pag kanta. Nakatitig lang ako sa mga pinag gagawa niya. Hindi ko alam Kung anong dapat reaction.
Medyo nasa beat naman siya kumanta at dahil supportive girlfriend ako. Winawagayway ko yung dalawa kong kamay sa ere at sumigaw "Woh! Babe mahal pa rin kita, kahit ganyan ka".
Tumawa tuloy siya at binalik na yung walis sakin pag tapos nung favorite song niya bumalik na siya mag punas ng bintana. Pinag patuloy ko na din na mag walis at mag lampaso ng sahig. Tuloy tuloy lang din yung music, playlist naming dalawa yun lahat ng kanta dun kami ni mamili.Ang mga kanta na bumubuo sa lovestory namin.
Sumunod naman yung theme song namin With a smile in your heart by Harana. Yun kasi yung kanta nung sinagot ko siya habang sumasayaw kami Nung JS prom.
"Pwede ba kita isayaw?" Tanong niya sakin habang ini-offer yung kamay niya. Tumango naman ako. Kaya nilagay niya yung kamay niya sa bewang ko tapos yung kamay ko sa balikat niya. Sumasayaw kami sa kanta parang kailan lang ganto ganto kami nung JS, nag throwback sakin lahat kung gaano ka awkward pero masaya ako nung araw na yun.
"Mahal na Mahal kita babe" bulong niya sakin at marahang hinalikan ang pisngi ko. Niyakap ko naman siya ng mahigpit at sinabi "I love you so much babe!".
Nakayakap lang kami sa isa't isa kahit matapos na yung kanta. "Babe akalain mo yun three years na tayo, three years mula nung una tayong sumayaw sa kanta na ito" saad ko sakanya. Sana hangang sa madami pang years ng buhay natin.
"Kaya nga! three years na kita pinag titiisan Laira" barumbado niyang sabi na sumira sa mood. Tinulak ko tuloy siya at tinaboy para mag punas na siya ng bintana at tumawa lang tumawa.
Pag tapos namin maglinis naligo na ko at siya naman ang nagluto ng tanghalian namin. "Nood tayo ng movie" pag aya ni Jake habang kumakain kami, tumango naman ako.
Naghuhugas ako ng Plato habang si Jake naka upo na sa sofa naka taas pa ang paa nag hahanap ng movie. "Babe anong gusto mo panoodin?" Sigaw niya. "Hanap ka ng romcom na movie"sigaw ko sa kanya pabalik.
"Babe kakain lang natin nag dala ka pa ng pagkain, kaya pala parang sumisikip yung damit mo"pang aasar niya. Nag dala kasi ako ng chips at sweets. "Oh edi wag ka kakain, akin na lang lahat to" niyakap ko yung Mga pagkain tapos umupo na sa kabilang dulo ng sofa.
"Tampo ka na niyan?" Umiling na lang ako at inagaw yung remote sa kanya para ako yung maghanap ng palabas.
Nakahanap na ko ng palabas tagalog romcom siya. Binuksan ko na yung chips at kumain habang nanood "Hep, Akala ko ba kakain lang bat ka nakikikuha ng chips" pigil ko sa kamay niya, nilayo ko tuloy yung chips sa kanya.
" Ang damot! Kasama ako nung binili yan eh" parang bata niyang sabi. Pinupuna niya yung pag kuha ko ng snacks kasi kakain lang daw ng lunch, eh gusto din naman pala niya. Ang baliw talaga nito.
YOU ARE READING
Lockdown with Ex (BOOK 1: Lockdown series)
General FictionLaira a college student who lives in the same condo with her former boyfriend,Jake but what will happen if the government announce a strict community lockdown and they're stuck together