Ep 5

2 0 0
                                    




Nagising ako dahil may kumakatok ng malakas sa pinto. Kaya pumunta ako dun at tumigin sa peephole si Nick pala akay-akay si Jake.

"Oh anong oras na bakit ngayon lang kayo?" Nagtataka kong tanong. "Paano ayaw mag paawat ng isang to" turo ni Nick kay Jake.

Nagpatulong ako dalihin si Jake sa kwarto niya tapos nagpaalam na ako a kay Nick. Ilang oras na lang kailangan ko na pumasok para mag final exam.

Bakit ngayon pa to nag lasing ng ganito palibahasa wala na silang pasok eh. 

"Tagay pa tayo pare!" Paghatak niya sa wrist ko at mukhang party na party pa.

Inis ko yung inalis yung kamay niya para kumuha ng palanggana na may maligamgam na tubig. Hirap na hirap ko siyang pinunasan dahil mas mabigat siya saakin.

"Nasuklakndm" Naka taas pa yung kamay niya. hindi ko maintindihan yung pinagsasabi niya. Pinupunasan ko yung braso niya ng sumandal siya sa may dibdib ko.

Bigla naramdaman ko na basa na maligamgam yung damit ko. Tinulak ko siya kaya bumagsak yung ulo niya sa may headboard.

Sinukahan pa ko, siya na ang tong inaasikaso.Napa buntong hininga na lang ako at tinapos ko na siyang punasan at pinatay na yung ilaw ng kwarto niya para makatulog na siya.

Bumalik ako sa kwarto ko para kumuha ng bagong damit. Nilabahan ko din yung nasukahan niyang damit ko. Hindi ko alam kung matutulog pa ko dahill 5 am na tapos may exam ako ng 7.

Pagtapos ko maglaba naka iglip ako ng konti. Pero bumaba ako para bumili ng pandesal, wala ako sa mood magluto kaya pandesal at kape na lang ang agahan.

Nagtimpla ako ng madaming kape para naman hindi ako antukin mamaya. Nag rereview review ako habang nagpapalipas ng oras. Hindi ako makafocus dahil parang inaantok ako na hindi ko maiintindihan.

Naligo na lang ako ng malamig para magising yung diwa ko tapos bumalik na lang ako ulit sa pag re-review. Sa dami ng hindi ko pa nababasa, palipat lipat ako ng pages at mabilisan na binabasa yung highlighted notes sakaling may matantandaan ako kahit konti.

Inilabas ko na yung gamit ko sa kwarto dahil naghahanda na ko umalis pero narinig ko na dumuwal ng malakas si Jake kaya Dali Dali kong binuksan yung kwarto niya.

Bumugad sakin ang comforter at mga unan niyang punong puno ng suka pati rin yung sahig punong puno. Ano bang ininom ng lalakeng ito at ganito kalala ang hangover. 

Nandoon siya sa banyo patuloy para suka ng suka. Wala na kong time dahil bawal ako malate kung di hindi ko matatake yung exam na ang laking part ng grade ko.

"Iniumin mo to para mawala yung sakit ng ulo mo tapos uminom ka ng madaming tubig, ako na bahala sa nasukahan mo. Dun ka na lang muna sa sala o pag gusto mo matulog sa kwarto ko na lang. Mamaya ko pa maliligpit yan kailagan ko ng umalis"biliin ko sa kanya.

"Sige kaya ko na to bye babe I love you!" sambit niya pero inignore ko lang. May kaya kaya ka pang sinasabi, eh hindi mo nga nakayanan pumunta ng banyo para sumuka. Napairap ang mata ko.

"Wait, babe galit ka ba? Hindi naman ako na pahamak eh, sorry hindi na mauulit" niyakap niya ko patalikod pero inalis ko yun. "Kaya ko naman yun ligpitin, hindi ko naman sinabi na alagaan mo ko ha, hindi ko naman sinabi na ikaw yung gumawa nun para sakin" sigaw niya at napahawak pa sa ulo niya.

"Huwag mo kong simulan, may exam pa kong kailagan atupagin" walang emosyon kong sabe. Iniwan ko siya na nakatayo lang dun at hindi ko na siya niligon.

Ayaw ko na maapektuhan yung pag aaral ko dahil sa kanya. Ang dami ko gustong sabihin pero nanahimik ako baka kung saan pa mapunta at wala akong maisagot sa exam.

Lockdown with Ex (BOOK 1: Lockdown series)Where stories live. Discover now