Venise POV.
"Ang b-bigat naman neto warren, bat di mo ko tulungan dito bakla ka ba?"
Ops! Wrong move ka venise. Nagalet ata? Kaya naman kumilos agad ako ng maayos at binitbit iyon ng sabay sabay. Argh! Humanda ka talaga warren. Nakaakyat na kame sa condo thingy nya. At akala mo mansion sa sobrang lake.
"Ipasok mo lahat yan"
Grabe as in lahat toh?! Wala talagang patawad.
Binitbit ko yung isa tapos papasok na sana ako ng pigilan nanaman nya ko. Tsk! Sakit na ng paa ko eh.
"Ng sabay sabay,"
"Are you insane?! Tingin mo ba kaya ko toh? Mapapasok naman lahat yan ah? Bat kailangan sabay sabay pa? Bahala ka na nga dyan!"
Aalis na sana ako ng hilahin nya ko sa likod ng damet ko. Awts! Nasasakal ako tae,
"Bat ka aalis? May sinabe ba kong gawen mo?"
"Eh bat naman kase ipapabitbit mo saken lahat yan? Bakulaw ka talaga!."
Medyo tinulak nya ko at binitbit yung mga gamet ng isang kamay lang -_- tignan mo sya isang kamay lang samantalang ako dalawang kamay tapos meron pa sa bibig. Ang ganda diba? Kaya naman pala nyang gawen pinapahirapan pa ko. Pumasok na ko sa pinto ng makita ko si ingrid. 0_0 anong ginagawa ng malandi na yan dito?.mukang nagulat den ata sya.
"Warren? Bat nag dala ka ng basura dito?"
Nakatingin lang sya saken with matching taas kilay -_-. Umiwas nalang ako ng tingin ayoko ng gulo.
"She's my slave. Ingrid and don't judge her"
"Wag mo nga syang kampihan warren, i'm your ex may past tayo so dapat mas kampihan moko!"
Naupo nalang ako sa isang tabe tinignan ko yung phone ko tumatawag si mama.
"Yes ma?."
(Nasaan kang bata ka? Andito sila yuri tsaka yung boyfriend nya, dba dapat kasama ka nya?---ah tita may pinuntahan si venise kaya ganyan dba best?)
"Opo ma m-may pinuntahan po ako eh cge. Later uuwe na den ako"
Tsaka na inend yung call. Nakita ko naman si warren nakaupo lang tapos si ingrid nakayakap sakanya. -_- akala ko ba ang gusto ni ingrid si jacob? Pero kung makayakap sya kay warren akala mo mag jowa. So ibig sabihen palabas lang nya na may gusto sya kay jacob para saktan si yuri? Aba! Magaleng tong impaktang malandi na toh ah.
Bumangon si ingrid pero nakaupo lang sya at nilingon ako.
"Yaya! Kuha mo nga ako ng apple. Balatan mo na den!"
Aba amo sya? Ano nakakuha sya ng katulong? Bahala ka jan manigas ka! Di ko sya pinapansin nakaupo lang ako.
"Aba hindi ka pa kikilos?! ANO BA INUUTUSAN KITA!!".
Tumayo ako tapos hinarap ko sya.
"Ang alam ko ang amo ko si warren, kaya si warren lang ang susundin ko! Kung gusto mo ng katulong maghanap ka!"
Tumayo si warren tapos hinawakan ako sa braso. Aray masaket.
"Sundin mo sya!."
Nainis ako sa sinabe nya para lang akong alila dito na dapat sa isang salita lang nila susunod ako
"Teka nga lang ah! Kung makapag utos ka naman. Tandaan mo warren hindi moko binabayaran tapos iaako mo pa saken yung utos ng iba? Ikaw ang amo ko kaya ikaw LANG ang susundin ko. pero yung iuutos ng iba wag mong iako saken! Aba eh kung ganun lang naman magreresign na ko!!"
*Pak*
Sinampal ako ni ingrid putya pasalamat ka nasa teritoryo mo ikaw.
"Ang kapal naman ng muka mong magsalita ng ganyan sa ex ko? Then fine! Lumayas ka! Pero eto tatandaan mo venise. Hinding hindi mo na makikita si warren bukas!"
Nag smirk naman ako tapos tumayo ako at kinuha yung mga gamet ko huminto ako sa harap ni ingrid tsaka ni warren.
"Wala akong pake! Tandaan mo den ex ka lang nya past ka nya. Baket sa tingin nyo ba papansinin ko kayo after what happen right now! ASA! Eto din tatandaan mo ingrid. Mahirap maging buntot ng aso kung may buto na ang aso!"
Tinignan ko naman si warren. Wala no emosyon. Pakeelam ko ba sakanya basta magreresign ako tapos!
"This time i'm not your slave warren! Kaya wag mo na akong kakausapin by tomorrow or until forever. Dahil mapapanis lang laway mo!"
Tsaka na ako umalis na may luha. Baket ka iiyak ah venise? Hindi iniiyakan ang hindi importanteng tao. Kaya dali dali akong sumakay ng elevator may nakasabay akong gwapo tsaka parang may kalahating hawig kay warren. At mukang mayaman.
"Excuse me miss. Anong ginawa mo dun sa room na yun?"
"Wala."
"Ahhh, sa susunod wag ka ng pupunta dun ah delikado."
Tsaka sya ngumiti, teka nga sino ba toh? Tsaka kung makapagsalita akala mo kung sino.
"Teka nga eh sino ka ba ah?"
"Ow sorry btw i'm julius emelem pinsan nung pinuntahan mo sa room."
Julius? Sounds familiar ah! Magtatanong pa sana ako ng bumukas na yung elevator sa groud floor. Ahhmp! Nakakainis! Bat ba kase nakilala ko yung warren na yun?
---------
Sinipag mag update kaya ayan :) meron akong isang story na there's no forever. Hope ypu read that guys, naiinis na ba kayo kay ingrid? Ako ren eh.
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
My Gangster Cold Prince.
Teen Fictionnapakacold. walang iniimikan walang kinakausap walang KINAKATAKUTAN. dahil isa pala syang GANGSTER. wala sa bokabularyo nya ang maging isang sikat at kilala. dahil sa maamo nitong muka. maganda ang pangangatawan. at MARUNONG PALANG MAGMAHAL. sab...