Chapter 02

15.5K 638 43
                                    

02 : Returned

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata mula sa mahimbing na pagkatulog.

Ceiling.

Ang kisame ng aking kwarto ang unang bumungad sa paningin ko. Dahan-dahan kong ibinaling ang aking ulo patagilid upang masigurado kung nasa kwarto ko nga ba talaga ako at makalipas ang ilang segundong pagmamatyag, napag-alamang nasa kwarto ko nga ako.

I glanced at the clock on my wall and saw it was only 5:30 AM. I pulled the blanket over my head and closed my eyes again.

Was it just a dream? Was everything just... a dream?

Matapos ang malalim na pag-iisip, napagpasyahan kong bumangon na upang maligo ng maaga.

I grabbed a towel before heading to the bathroom. Before starting to shower, I brushed my teeth and looked at myself in the mirror.

Habang nagsisipilyo, napadako ang aking tingin sa bandang leeg ko. Bahagya akong napatigil sa ginagawa at marahang hinaplos ang parte ng aking leeg na ngayon ay may kapansin-pansing kakaibang kulay. Wait... was it...?

Muling bumalik sa aking isip ang lahat ng mga pangyayaring naganap kagabi.

So... it was all real.

Unti-unting bumagsak ang mga balikat ko at nagpatuloy na lamang sa pag-toothbrush.

Akala ko... panaginip lang.

Pero... paano ako nakauwi? Bakit parang wala naman akong maalalang nangyari na nakauwi ako?

I rinsed my mouth after brushing. Pagkatapos ay nagsimula na akong maghubad ng aking mga saplot sa katawan at lumapit na sa shower upang ito'y buksan.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at naligo na kahit malamig pa ang tubig na lumalabas sa shower.

Habang naliligo, sinimulan ko nang kuskusin ang aking katawan. Nang dumapo ang sabon sa aking leeg, talagang kinuskos ko ito ng mabuti upang mawala na. Subalit kahit anong kuskos ko pa ay hindi ito mawala-wala kaya tumigil na lamang ako at baka mas lumala pa ang itsura.

Nakakainis. Kasalanan ko ang lahat ng ito eh. Kung nagpasabay lang sana ako sa dean, edi sana hindi iyon nangyari. Kung mabilis sana akong tumakbo, edi sana nakatakas pa ako. Kung hindi sana ako nadapa, edi sana wala akong sugat ngayon.

In short, if I weren't so clumsy, I wouldn't be in this situation.

Hindi naman sa sinasabi kong malubha ang lagay ko. Ang ibig ko lang namang iparating ay wala sanang mababaon na ala-alang gano'n sa talambuhay ko kung hindi lang sana ako mahina.

After washing and shampooing, I rinsed off. Hindi na ako nagmadali pa dahil masyadong maaga pa naman at mamayang alas-otso pa ng umaga ang pasukan ko.

I dressed in my uniform and put a band-aid on my knee before leaving my room. Pagkalabas ay sinilip ko muna ang kwarto ni mama upang alamin kung tulog pa ba ito pero nang sumilip ako ay wala na siya sa kanyang kama. Tiningnan ko naman ang kanyang banyo at nang makarinig ng ilang mga wisik ng tubig ay nagpasya na akong bumaba.

Gising na rin pala siya. Napaka-aga naman.

As soon as I walked downstairs, I immediately smelled the food coming from our kitchen. I hurried straight to it to see what kind of food mother cooked but was stunned as soon as I got there.

That scent... This faint scent...

Pagtungo sa aming kusina ay nadatnan ko ang niluto ni mama—adobo.

Hindi ko muna binuksan ang takip ng kaldero at inamoy-amoy ang paligid.

Bakit... bakit may amoy niya? Bakit may amoy ni... Travis dito?

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon