Chapter 09

10K 490 29
                                    

09 : After

I stepped out of the bathroom, wearing the underwear I borrowed from Andrei. Ilang minuto na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin ako sa nangyari.

Who wouldn't be? Kahit kakilala mo pa yung tao, hiramin mo ba naman yung panloob niya, sigurado akong mahihiya ka.

I sighed, glancing at the borrowed underwear. Kasya naman ito sa akin. Mabuti na lang at sinama raw ng mama niya yung pinakamaliit niyang brief sa loob ng bag nito dahil kung hindi ay wala akong masusuot ngayon.

I grabbed the jacket he lent me and wrapped it around my waist. Pagkatali ay humiga na ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.

Not long after, Travis entered the room.

Pumasok siya na may dalang mga tray ng pagkain, at ipinatong ang isa sa aking mga hita nang makita niya akong nakaupo na. Kinuha ko naman ang mga kubyertos at nagsimula nang kumain. Habang ngumunguya, napansin ko na lahat ng pagkain sa tray ay mga paborito ko. I couldn’t help but smile.

Wala lang. Masaya lang akong... naaalala niya pa.

Patuloy akong kumain habang siya ay nag-scroll sa kanyang phone. Bigla na lang tumunog ang phone niya, malakas ang audio kaya dali-dali niyang hininaan ito at kinabit sa headphones.

Tinignan ko naman siya at nakitang tila kinakabahan ang kanyang ekspresyon. Kumunot ang noo ko. Ano bang pinapanood niya?

Tahimik nitong pinanood ang video habang patuloy akong kumakain. His eyes occasionally darted toward me, and I felt a strange tension in the air. Then, without warning, he looked at me with a serious and angry expression. My heart raced.

Luh, anong ginawa ko?

Tumayo siya at naglakad papunta sa akin. Bawat yapak niya ay parang may halong galit at bigat na mas lalo ko namang ikinabahala.

What’s going on? I was utterly confused.

When he reached me, he yanked the blanket off my lower half. Natapon ang pagkain sa aking mga hita.

"Waaah! Ano bang problema mo?!" I started to say, but he abruptly tore the jacket from my waist. Sinubukan ko pang agawin sa kanya iyon pero tumigil siya at binigyan ako ng nakakatakot na tingin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.

Those eyes... those were the eyes I saw that time.

When our friendship…

I shut my eyes tightly, trying to calm myself. Napaupo na lamang ako sa kama at napatingin sa nabasa kong damit. Ginamit ko ang sweater para takpan ang aking ibaba. Mabuti nalang at malaki ang sweater niya at hindi rin ito nabasa ng sabaw.

Hinintay ko na lang siya sa loob at nang lumabas siya, nakita kong normal na ulit ang kanyang typical poker face expression.

"Uhm... yung jacket ko?" pabulong kong tanong nang mapansing wala na siyang hawak na jacket. He glanced at me and thought for a moment.

"In the trash can," he replied flatly. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Trash can?!

Napatayo ako at nagtungo sa CR. Sinubukan niya akong pigilan pero nagmatigas ako at pinilit na makapasok sa loob.

Hinahanap ko ang basurahan at nakita ko nga ang jacket ni Andrei na naroon, sira-sira at tinapunan pa ng conditioner at shampoo.

What... the hell?

Anong sasabihin ko nito kay Andrei?

Anger replaced my earlier fear, and I felt rage boiling inside me. Paglabas ko, nakita ko siyang nakatayo pa rin sa kanyang pwesto. Lumapit naman ako sa kanya, galit na galit.

How To Tame A DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon