33 : Thought
"Hello? Buhay ka pa ba?" pag-agaw ni April ng atensyon ko, pabalik sa realidad.
"Huh? Ano ulit 'yon?" umayos ako ng upo at tumingin sa kanya. Sumimangot naman ito at humalukipkip.
"Honestly, if you weren't my friend, I would've skinned you alive. I've been talking here for who knows how long, and you weren't listening at all?" nanggigigil niyang saad sabay lukot nito sa kanyang hawak na papel. Napayuko ako.
"Sorry, I just can't concentrate."
"Dahil ba kay Travis?" dinig kong hula niya na kinalingon ko naman nang mabanggit nito ang pangalan ni Travis. Hindi naman nakaligtas kay April ang saglit kong paglingon kaya napabugha na lamang siya ng hangin.
"So, what's going on between you two that you can't pay attention to me? Kanina ko pa kayong napapansin ah, hindi nag-iimikan pero nagnanakawan naman ng mga tingin," bagot niyang sambit habang may kinukutkot sa kanyang mga kuko. Nanlaki naman ang mga mata ko.
She caught me secretly looking at Travis. Nakakahiya.
Napabuntong-hininga na lamang ako at nahihiyang inamin ang mga nangyari noong nakaraan. I told her everything that happened between us from the past days up to yesterday's revelation.
Nang matapos ko ang pagkwento sa kanya ay halos hindi naman ito mapirmi sa kanyang kinauupuan, marahil hindi ito makapaniwalang nasabi ko kay Travis ang lihim kong nararamdaman para sa kanya.
April had known about my feelings for Travis since high school. Alam ko naman kasing mapagkakatiwalaan ko siya dahil mabait na tao si April at may alam din akong mga sikretong tinatago nito upang maging patas kami.
Maski rin si Andrei ay alam nitong may feelings ako para kay Travis. When I mentioned it to him, I was surprised at how deeply it hurt him, not knowing how strong his feelings were for me.
Naikwento ko kasi iyon noong oras na palagi kaming magkasama dati no'ng high school. Hindi ko nga alam kung bakit ko iyon bigla nabanggit sa kanya kahit na hindi pa naman kami lubos na magkakilala. Basta'y kutob ko lamang na dapat kong sabihin iyon kay Andrei.
"O.M.G. Is this legit?! Mamaya pala nag-iimbento ka lang ng mga chismis!" taas-kilay pa niyang tanong sa akin kaya naman inilingan ko siya.
"Ba't naman ako mag-iimbento tungkol sa 'min?"
"No wonder you’re daydreaming so much! Nasa ibang planeta na pala 'yang utak mo," naiiling nitong wika kaya naman napakamot ako sa ulo.
"Sorry, hindi ko lang kasi maiwasan."
***
Tila kisapmatang natapos ang lahat ng aming klase ngayong araw. Matiwasay itong natapos, at hindi na kami nagkausap pa ni Travis hanggang dismissal.
Habang naglalakad pauwi, bigla kong naalala ang huling pag-uusap namin. Malaki ang pasasalamat ko nang malamang hindi ako masusundo ni Travis pauwi, pero syempre ay hindi ko pinakita na masaya ako.
Hindi kasi natuloy ang balak ng basketball team nila na kainan dahil sa biglaang pag-alis ni Travis pagkatapos ng laban nila. They were not able to celebrate that night kasi nga... hinabol niya ako noong gabing 'yon.
Ang pangit naman daw kung mag-cecelebrate silang lahat na wala ang MVP kaya napag-isipan ng buong team na ngayong araw nila i-celebrate ang panalo sa basketball. Ang sabi ni Travis, sa isang restaurant lang sila magkakainan at kaunting inuman dahil pinayagan sila ng coach nila. Hindi ko nga alam kung bakit nagpapaalam pa siya eh hindi naman niya kailangan. He can do whatever he wants for all I care.
Inalok pa niya ako noong una kung gusto ko raw sumama, pero mabilis akong tumanggi sa alok. Celebration nila 'yon bilang isang team. Ayoko namang makisingit pa. Baka masira ko lang yung mood na mayroon sila at wala akong makakahalubilo ro'n bukod kay Travis at Andrei. Wala naman siyang nagawa nang tumanggi ako at sumunod na sa mga ka-teammates niya.
Si April naman ay hindi ko rin makakasabay sa pag-uwi dahil kabilang ruta ang daan patungo sa bahay nila.
Tahimik akong naglakad sa gilid ng daanan. Pero bago pa man ako makauwi sa bahay, may isang boses na tumawag sa aking pangalan na nakaagaw sa aking atensyon
"Avery?" Boses ng isang lalaki. Lumingon naman ako sa pinanggalingan ng tumawag sa 'kin at nanlaki ang mata.
"Harry?"
BINABASA MO ANG
How To Tame A Demon
Dla nastolatkówYears have passed since Avery lost touch with his closest friend, Travis. Five long years filled with unanswered questions and lingering what-ifs. The void left by Travis' sudden departure weighed heavily on Avery, and each passing day deepened his...