"Maraming salamat po sa pagpunta niyo sa Concert ko. Maraming salamat po sa pagsuporta sa akin at sa banda kong Conan. Sobrang maraming salamat po talaga" pagkatapos kong mag salita sa stage ay narinig kong naghiyawan ang mga tao sa paligid at nagpapalakpakan.
Ang galing Ran. Successful yung first concert ng banda ^_^ muling nabalik ang aking katinuan ng may narinig akong nagsalita . Si Renjie pala oo nga Renjie eh. Akala ko mabibigo tayo sabi ko sa kaniya sabay ngiti pano ba yan Ran una na ko sayo. Kailangan ko pa bumalik ng Japan. Haist oo nga pala ngayon ang araw ng alis niya ahh sige mag iingat ka :) yan nalang ang nasabi ko sa kaniya at umalis na siya.Hello sa inyo. Ako si Ran Serene Aranda ang main vocalist ng Conan. At band leader din. Kilala ako sa pagiging bihasang singer, sikat ako oo pero normal na tao parin naman ako. Simpleng babaeng may normal na buhay. Kilala rin ako sa public as Detective Ran. Nakakatuwa nga kasi kahit di naman ako totoong detective eh yun parin ang tawag ng mga tao sakin. Kasi daw ang galing ko daw magsolve ng problem . Ang tingin nga ng iba sakin eh perpekto dahin wala daw akong problema.Na kung magkakaproblema man ako eh masosolusyunan ko agad, na pati yung problema ng iba eh nagagawa kong solusyunan kapag kinailangan nila ng tulong ko. Pero tingin lang nila sakin yun. Ang totoo kasi niyan marami talaga akong problema,, hindi lang nila nakikita kasi iba yung Ran na nasa harap ng publiko at Ran na nasa harap ng pamilya ko.
Ang Ran na nakaharap sa publiko ay masiyahin,matatag at higit sa lahat mapagmahal . Mahal ko lahat ng sumusuporta sa akin. Masaya ako kapag kaharap sila dahil sa kanila ko nararamdaman yung pagmamahal.
Pero ang Ran na kaharap ng pamilya ko..
Laging malungkot, nasasaktan at bigo. Kasi pakiramdam ko wala akong halaga sa kanila. Na kaya lang nila ako pinapahalagahan dahil sa hiling ng namatay kong ina.
Pero tuloy parin ang buhay . Dalawa man ang pagkatao ko . ang mahalaga may mga tao paring nagmamahal at pinapahalagahan ako . Di ko man sila kadugo , anjan parin sila para suportahan ako .
-Ran.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sinipag mag update ! Woooosh. Heyow ! Haha *kaway kaway* magandang Author here ! Haha .
Vote.comment.
Love love ^_^
BINABASA MO ANG
RockStar or a Gangster
Acakstorya ng buhay ng isang babae kung paano niya nalagpasan lahat ng problema niya sa buhay .na kahit hirap na hirap na siya eh nasusulusyunan niya parin lahat ng pagsubok sa buhay na dumadating sa kanya. pero problema nga lang ba talga ang laman ng...