JOURNEY 36

16 1 24
                                    

Chapter 36

Knew

"Why are so stubborn, Narizz? We're talking about life here! I told you I can find a way if we get out of here!" Paggiit muli ni ma'am.

"But ma'am we are not sure about that, if it will work. Ayokong iwan si Vans dito ng walang gaanong kasiguraduhan."

I heard her slightly groan because of frustration. "At tingin mo? Sigurado ka ba na gagana ang iniisip mong idea ngayon? Sinabi ko na sa'yo, mamamatay tayong lahat dito sa loob," mahinahon pero may riin pa rin sa boses niya.

"Ma'am if you are worrying about your life. Alam ko po na kaya niyong iligtas ang sarili niyo. You have powers, right? Pero kami, we are powerless."

"I never care about my own life Narizz. It is my job to protect you that's why I cannot fail on my mission here!"

Hindi ko na pinansin ang sinabi niyang iyon at nagsimula na lang maglakad pero natigilan ako sa pahabol niyang sinabi.

"Tingin mo ba sang-ayon si Ivann sa desisyon mong ito? Tingin mo gusto niyang mamatay kayong magkasama?" She asked. And that hit me.

"You never tell him anything. Hindi pwedeng desisyon mo lang, Narizz." Huling sinabi ni ma'am Elice bago nawala ang boses niya sa isip ko.

I got stunned about what she just said. May punto siya doon kaya bigla akong na guilty sa sarili ko. Yes, I never said anything to him. Oo nga pala, his decision and opinion also matters and it is important too. Dahil may sariling buhay at desisyon din siya.

Napapikit ako ng mariin dahil doon. Ang tanga mo, Riz. Muntik mo na siyang tanggalan ng karapatan sa pagdedesisyon!

Hindi mo nga siya sasaktan pero papatayin mo naman ng hindi niya alam?

Dahil lang nasakop ka na ng takot siyang maiwan dito nagiging padalos dalos yata ang desisyon mo, Riz. And it is not healthy.

But if I didn't try to do that, ano nalang ang mangyayari sa aming dalawa?

The ending is very near... and isang beses ko na lang makakausap si Vans dahil isang scene nalang siya lalabas sa story.

After that, mawawalan na siya ng role. Nalalapit na ang scene na iyon. Hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang harapin.

Magpapanggap pa ba ako? O sasabihin ko na ang totoo? That I already remembered everything that happened in real world and every memories we shared there?

Will I break down and become emotional in front of him? I hope not.

"Narizz, be careful on your school. Pinaghahanap palang ng mga autoridad ang mga Javier." Bilin ng Papa ni Narizz ng palabas na ako ng bahay nila.

"Yes, Pa. Don't worry, Vann is with me." I assured him at nagbigay ng tipid na ngiti. "Be careful too," pahabol ko pa sa kanya bago tuluyang naglakad palabas.

Nag-aabang na si Vann sa labas habang nakasandal sa sasakyan niya kaya ngumiti ako nang makita ko siya.

"Good morning!" Masiglang bati ko at hinalikan pa ang kanang pisngi niya.

I saw him stiffened a bit kaya natawa ako, dahil doon ako na ang nagbukas ng pinto sa passenger seat at mabilis na pumasok.

Ilang minuto pa siyang nakatayo lang doon bago natauhan at sumunod na sa akin papasok sa loob.

"Gulat na gulat ka yata Vann? Para namang hindi tayo," I confidently said habang nanunukso siyang tinignan.

Pero ako naman ang nagulat nang ilapit niya ang mukha niya sa akin. Then suddenly, he gave me a slight smack on my lips. Bahagyang nanlaki pa ang mata ko dahil doon.

Journey Inside (Stand Alone)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon