Never Been

5 0 0
                                    

"Anak, I'm sorry. Alam mo namang kailangan ako sa trabaho, right?" I just nod my head and smiled to dad. He has work, he needs to work. And I need to understand that we can't celebrate my birthday together.

I went to the kitchen and called yaya. She looks at me at smiled sadly which I return to her.

"Let's go, yaya? Dad is busy," I smiled again and look at my dad but he's talking to someone on the phone. "Always busy," I whispered.

"Dad, I was bullied," sumbong ko sa kaniya habang may kausap siya sa phone, na naman.

"Really, baby? Sino naman ang nang bully sa'yo, you want daddy to punish that person?" I nodded and smiled to him but the person on the line spoke and with that, dad left me, again.

"Dad, my Lulu died," I told my dad while I was crying. Lulu was my favorite dog.

"Oh, that was sad baby. I'll just buy you a new one. Hmm?" I shake my head multiple times.

"No! No! I want my Lulu!"

"Baby, dad will buy a new Lulu, okay?"

"But-" nahinto ako sa sasabihin ko nang mag ring ang phone niya. And he left again.

"Dad, 'wag kang mawawala sa graduation ko, okay?" I happily kissed my dad's cheeks.

"Of course, baby. I'll be there," I hugged him tight which he return and kissed the top of my head.

"I'm so proud of you, baby," I closed my eyes and smiled. He said, he will came but no, he didn't. Tapos na akong sabitan ng medalya dahil summa cum laude ako, pero ni anino ni dad ay wala.

I was working now on a publishing company as a proof reader. It was a hard work but I want to start with this then I'll aim for higher.

"Hindi ka pa ba uuwi, Kezely?" Tumingin ako sa isang ka work mate ko na si Krypt at ngumiti.

"Uuwi na rin, tinatapos ko lang 'to. Mauna na kayo," sagot ko na tinanguan niya lang.

"Sige, una na kami. Ingat," kumaway lang ako bilang sagot bago tapusin ang trabaho ko. Alas diyes na rin nang matapos ko lahat. Nag ayos ako ng gamit bago lumabas.

Isang jeep ang dumaan na agad ko namang pinara dahil bihira lang ang dumadaan ditong mga sasakyan pag ganitong oras kaya mabuti ng may mapagtyagaan.

I texted dad na pauwi na ako nang mapansin kong iba ang dinadaanan namin.

"Ah, para po," saad ko subalit parang walang naririnig ang driver.

"Manong, para po!" Sigaw ko at kinalampag na ang bubong ng jeep pero wala pa ring imik ang driver. Kinakabahan na ako at ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Manong, para po! Para po! Itigil niyo ang sasakyan, manong!" Nakahinga naman ako ng maluwag nang itigil niya ang sasakyan pero nangunot ang noo ko nang siya ang bumaba.

Napausod ako ng upuan nang pumasok siya sa loob ng jeep at may ngisi sa mukha.

"Huling sakay talaga ang pinaka masarap sa lahat," saad niya at tumawa na parang nababaliw na.

"Manong, maawa po kayo," but he never heard me. I asked for help, I begged him to stop but he still continued to harassed me. Until I saw a big rock and pound it to his head. It was too close- I almost died in his hand but I managed to escape.

Umuwi akong parang wala sa sarili. Sira sira ang damit, bugbog, at magulo ang buhok. Hindi ko na nakuhang ayusin ang sarili ko, basta ang gusto ko lang ay makauwi ng buhay.

But when I got home, there, I saw my dad. Sitting on the sofa with two ladies and a young boy.

"Anak, what happened to you?" Gulat na tanong ni dad nang makita niya ako. But I just smiled and shake my head.

"Baka nakipag landian sa daan tapos kakamadali 'di na nakuhang ayusin sarili," sabat nung isang babaeng kaedaran ko na siyang mas ikinalawak ng ngiti ko, ngiting mapait.

"Sino sila?" I asked my dad.

"Ah, anak. Kasi ano eh, kuwan," napakamot si dad sa batok at tiningnan ang tatlo bago muling tumingin sa akin.

"We are his family, and you are?" Muling sabat nung babaeng kaedaran ko.

"I'm his daughter," I answered.

"His only legitimate daughter," I continued, then smiled to the girl. She just rolled her eyes and looks at me before she 'tsk'.

"So what? I'm still his daughter, too!" Giit nito na parang nanggigigil.

"Anak sa labas? Yeah," humarap ako kay dad at ngumiti.

"May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko kay dad.

"Ah, anak. Sila kasi yung pinupuntahan ko dati. Si Kirschen, siya yung palagi kong kausap sa phone. Mama siya ni Khalil. Si Khalil, siya naman yung kapatid mo at yung isa pa ay si Kyst,"

"Anak, kasi ano. Alam naman na 'to ng mommy mo. Ikaw nalang hindi pa and since you're old enough to understand things, we decided na sabihin na sa'yo lahat," tumawa ako ng mapakla at tumingin sa kanila ng pabalik balik.

"Sila?" Tumawa ulit ako.

"Sila pala," ang mga tawa ko ay unti unting nauwi sa paghikbi.

"So sila pala ang dahilan kaya sa tuwing birthday ko, hindi kita nakakasama?"

"Anak, pasensya na. Magkaparehas kasi kayo ng birthday ni Khalil. Alam ko namang maiintindihan mo ako. Tsaka palagi naman tayong magkasama sa bahay, siya tuwing birthday niya lang," tumango tango ako at ngumiting muli.

"Ah, hulaan ko. Since magka birthday kami, parehas din ba ang araw ng graduation namin?" Tumango naman si dad at yumuko na siyang ikinatawa ko.

"I knew it," huminga ako ng malalim bago tumingin kay dad.

"Alam mo dad? I shouldn't call you dad. And yes," huminto ako at tumingin naman kay sa kapatid ko daw na babae which is Khalil. "Nakipaglandian nga ako sa labas kaya ganito ang hitsura ko. Alam mo kasi sa sobrang ganda ko pati yung driver ng jeep naakit ko kaya ayun, muntik lang naman akong ma rape at mamatay,"

Muli akong tumingin kay dad na ngayon ay may nanlalaki ng mata.

"What-" hindi ko pinatapos si dad at tinaas ang kamay ko para pahintuin siya.

"Nang mamatay si mom, nasaan ka? Nasa kabet mo rin ba?" Hindi nakasagot si dad.

"Tama rin ako nang nakita kona si Lulu ay hindi talaga namatay kun'di binigay mo kay Khalil dahil nakita niya 'yon at nagustuhan, tama?" Nanatiling nakayuko lang si dad.

"Wala ka rin nung muntik na akong mamatay dahil nagkasakit ako," patuloy ko.

"Pinabayaan mo ako nung na bully ako. Wala ka nung bumaba ang grades ko dahil sa pagpupumilit na makuha ang atensyon mo. Wala ka nung pinilit kong magsumikap sa pag aaral, nagbabakasakaling baka doon, mapansin mo na ako. Wala ka nung mga panahong masaya ako kahit nung mga panahong malungkot ako. Wala ka sa mga espesyal na araw ng buhay ko,"

"Wala ka nung muntik na akong malunod. Wala ka nung hinarang ako ng mga tambay doon malapit sa school dahil hindi mo ako sinundo. Wala ka nung pinagka isahan ako ng classmates ko at ikinulong ako sa cr the whole day. Wala ka nung umalis si yaya Fe at pumalit ang isang yaya na palagi akong binubugbog at pinapaso ng sigarilyo, wala ka," napahikbi ako at ngumiti kay dad.

"Kasi lagi mong kasama 'yang pangalawa mong pamilya! Mag papami-pamilya ka pero tanga ka naman sa responsibilidad!" Napabaling ang ulo ko nang makatanggap ako ng sampal kay dad.

"A-anak I'm sorry-"

"Sorry? Sorry na naman dad? Ilang milyong beses ko na bang narinig 'yang tang inang sorry na 'yan? Mababalik ba niyan ang lahat?"

"Sana ikaw nalang ang nawala at hindi na si mom! I shouldn't have call you dad, 'cause you've never been a father to me,"

WORK OF FICTION.

Always pay attention to your children because they have difficulties, too. As parents or an elder, you have the responsibility to guide them to take the right path.

Maikling Istorya Ni SiningWhere stories live. Discover now