-††-
"Oy pare ano ba? Nanadya ka ba?" Napalingon ako sa lalaking kalaban namin at ngumiti ng may pagpapaumanhin.
"Hindi, pare. Pasensya na. Masyado yatang malaki ang katawan ko para sa mga lampa. 'Di ko sadya." Baling ko bago talikuran ito pero biglang nagkagulo nang batuhin niya ako ng bola at sumakto iyon sa ulo ko.
Bumaling akong muli sa kalaban namin at sinamaan ito ng tingin.
"Gago ka pala eh! Anong pinagyayabang mo? 'Yang katawan mo na nakuha mo sa pagbubuhat ng mga kargada sa palengke?" Tinawanan niya ako at agad namang nangunot ang noo ko. Patuloy siyang pinapatigil ng mga kasama niya pero nagpupumiglas siyang makawala.
Pinatunog ko ang leeg ko sa pamamagitan ng pagbaling nito sa kaliwa't kanan sabay paikot.
"Kaysa naman sayo? Palamunin lang sa bahay niyo habang naghihirap 'yang mga magulang mo sa pagpapalaki ng walang kwentang anak?" Sagot ko sabay tingin sa kaniya mula sa ulo hanggang paa at muling binalik sa kaniyang mukha ang tingin ko. Napangisi ako at umiling.
"Oh? Lumaki ka nga ba? Kaya ka nga pala nandito kasi 'di ka makasali sa varsity team dahil kulang ang height mo." Pang aalaska ko na lalong nagpa-banas sa kaniya at tuluyan ng nakawala.
Inabot ako ng suntok niya at napa-bulagta ako sa sahig ng court. Agad lumapit sa'kin ang mga kasamahan ko sa'kin at tinulungan akong makatayo.
"Lumabas na kayo. Kaya ko na'to." Bulong ko sa kanila habang tinutulungan nila akong makatayo.
"Sigurado ka ba pare? Baka 'di mo kayanin." Sabi ni Pierce habang nag aalalang nakatingin sa'kin. Ngumisi lang ako sa kaniya at sinilip si Peter, yung kalaban namin na sumuntok sa akin.
"Kaya ko, pre. Ako pa ba?" Napa iling nalang sila at napatawa tsaka nagligpit ng mga gamit nila.
"Oh, ano? Mga duwag! Saan kayo pupunta? Mga bahag pala buntot niyo, mga tarantado!" Lalong nagtawanan ang mga kasama ko dahil sa sinabi ni Peter bago nilisan ang lugar.
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim. Anim silang sumatutal na narito. Bumaling sa'kin si Peter at tatawa tawang pinagmasdan ako.
"Oh, ikaw? Hindi ka pa ba tatakbo Paxton?" Muli siyang humalakhak na nag-echo sa buong court-covered court kasi kaya gano'n.
"Peter, tara na. Pabayaan mo na 'yan, pre." Napatingin ako kay Payton ng sabihin niya 'yon. Si Payton ay kababata ko pero nagkahiwalay kami at nagkalayo ng loob dahil magkaiba kami ng team na napuntahan. Sa iisang team kami sumali-'yong sikat na team na kinabibilangan ko ngayon. Pero 'di siya pinalad na makasama kaya sa kalabang team siya pumasok at natanggap.
"Narinig mo, Peter? Tumakbo na rin daw kayo paalis, kasi 'yon ang gawain ng mga talunan." Ngumisi ako at tumalikod para sana maglakad na palayo pero agad akong napaluhod ng tumama doon ang bola. Gumuhit ang sakit sa mukha ko bago ako napalingon sa gawi nila.
"Tarantado, ikaw ang duwag sa'tin." Natawa ako kahit pa nahihirapan akong tumayo ay kinaya ko.
"Duwag bang matatawag 'yong hinaharap ko kayong mag isa, samantalang anim kayo? Patawa ka Pedro Penduko?" Nagtagis ang bagang niya at nakawala sa mga kasamahan niya. Akmang susuntukin niya ako nang mabilis akong umiwas sabay patid sa paa niya, kaya't natumba siya at napahiga sa sahig.
"Oh ano, Pedro Penduko? Kaya pa?" Inis niya akong tiningnan at agad na tumayo. Tumawa ito ng malakas sabay tingin sa mga kasamahan atsaka ako dinuro.
"Patay na siya, 'di ba? Bakit ba kasi binuhay niyo pa 'yang gago na 'yan? Narinig mo Payton? Bakit binuhay mo pa 'yang kababata mo? Samantalang iniwan ka niya sa ere!" Yumuko si Payton at hindi na rin naman ako nagulat. Oo, kasama nga siya doon nang pinagtangkaan nila ang buhay ko.
YOU ARE READING
Maikling Istorya Ni Sining
DiversosShe who loves a she. He who kills despite of their plea. Everyone in this world have their own story. Everyone, including thee. A compilation of one-shot stories written by Art_Facts. Dare to read?