Pasilip sa Nakaraan

8 0 0
                                    

Ako ang babaeng isinilang sa hinaharap subalit mamumuhay sa nakaraan, ako si Eleanor Everett, ang babaeng napangasawa ni Maximilliam Everett.”

-Eleanor

/May 23, 2020/

“Taong 1942 hanggang 1945 ay sinakop ng mga hapones ang Pilipinas,”

“Ito ay naganap noon ikalawang digmaang pandaigdig, ang panahon kung kailan nilusob ng mga Hapones ang Pilipinas na dating nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos,”

“Disyembre 8, 1941 naman ang eksaktong araw na binomba ng mga Hapones ang Pilipinas,” basa ko sa librong hawak ko.

Sa iba ay nakakabagot ang pagbabasa ng pero ni minsan ay 'di ko naramdaman yun bagkus ay purong pananabik ang nararamdaman ko dahil sa paraang ito ay para akong  nakakabalik sa nakaraan at nalalaman ang mga kamangha-manghang pangyayari noon.

“Hija, magsasara na kami,” napatingin ako sa librarian namin sa school at nalukot ang mukha.

Tumingin ako sa oras at eksaktong alas sais na ng gabi, ibig sabihin ay mag uuwian na maging ang mga guro. Isinara  ko ang librong binabasa ko at tumungo sa desk ng librarian.

“Maaari po bang hiramin ko ang librong ito? Hindi ko pa kasi tapos basahin,” ngumiti naman ang librarian at tumango. Inilista sa log book ang aking pangalan ang maging ang titulo ng librong aking hiniram pati ang araw at oras ng aking pagkakahiram. Nagpasalamat ako ay nagngitian kaming muli bago ako lumisan at umuwi.

Pagdating sa bahay ay agad kong ginawa ang mga dapat gawin. Gabi na rin ng matapos ako at magpahinga sa aking kwarto. Inilabas ko ang libro na hiniram ko kanina sa library at muli itong binuksan sa pahina kung saan ako nahinto.

“Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga Hapones ang Pearl, Harbor, Hawaii at Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas McArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas,”

“Kung ganoon ang dami palang binomba ng mga Hapones noon? Ibig sabihin marami rin namatay noon na mga inosente?” tanong ko sa sarili.

“Oo, ganun na nga hija,”

“Kung ganoon ay sadyang masasama talaga pala ang mga Hapo-- teka! Sino yun?”

“Ang alin, hija?” napatingin ako sa paligid pero walang ibang tao. Ako lang rin naman mag isa ang naninirahan sa kwartong ito.

“Hija ayos ka lamang ba?” napatingin ako sa libro na ngayon ay umiilaw ng bahagya at gulat itong naitapon ng bigla itong nagkaroon ng mukha.

“Aray!” nanlaki ang mata ko ng muli itong magsalita pero agad rin namang dinampot ito at pinagpagan ng marahan.

“P-pasensya na po,”

“Ayos lamang iyon, batid ko rin na nagulat ka lamang. Ipagpaumanhin mo rin kung nabigla kita,” mangha akong napatingin sa librong nagsasalita. Akala ko'y sa mga palabas sa telebisyon ko lamang ito makikita subalit ngayon ay nangyayari ito mismo sa akin.

“Batid ko ang mga tanong sa isip mo. Batid ko rin na noon pa ma'y nais mong maranasan na makasilip sa nakaraan,” ngumiti ako at tumango rito.

“Gano'n na nga po. Subalit batid kong hindi iyon maaari datapwat iyon ang aking hiling sa bawat taong nagdaraan,”

“Kung gayon ay akin kang pagbibigyan sa pagkakataong ito. Ang iyong hiling ay aking tutuparin. Subalit mayroon akong hihilinging kapalit,” tumango ako ng paulit-ulit dito sa sobrang pananabik.

Maikling Istorya Ni SiningWhere stories live. Discover now