LARAWAN

2 2 0
                                    

I'm always there when he needs me,,

I'm always there to comfort him,,

I'm always there to love him,,,

But, the saddest part is he never love me back.



___________________
JANE P. O. V

~House~

"Jane, samahan mo ako sa mall, hanap tayo ng pang regalo kay Jairah!"
            - aya saakin ni Jerome

"Ano ba naman yan Rome, sinasayang mo lang pera mo eh, alam mo naman na tapos na kayo diba? Nagpapakatanga ka pa!!"
        -sagot ko sakanya

"Mahal ko nga kasi,, hindi Ko siya kayang isuko!"
-sabi niya

Nasaktan ako sa narinig ko, bakit ba naman kasi nagpapakatanga pa siya sa babaeng yun eh niloko na nga siya! Nandito naman ako ah...

"Rome naman! May iba na siya! Ano bang hindi malinaw dun!! Huh?! Please tama na sasaktan mo lang ulit sarili mo."

Tang*na naman kasi eh, bakit niya ba ako pinagpalit huh?May kulang pa ba sakin? Mayaman naman ako ah, at tsaka may itsura din naman ako, at wala pang bisyo. Bakit Jane? Bakit lagi nalang akong niloloko?!!"
    

Nasasaktan ako para kay Jerome, at naiinis ako sa mga babaeng nang iiwan at niloloko siya. HINDI ba nila alam napaka swerte na nila sakanya.Kung ako nalang sana ang minahal niya, hindi na siya masasaktan pa...

"HINDI ikaw ang may pagkukulang Rome, kundi sila kasi di nila pinahalagahan ang taong mahal sila ng buo,,Worth it kang mahalin at sila ang hindi worth para sayo tandaan mo yan!!"

"Salamat talaga Jane, ikaw lang talaga nakapag papagaan ng loob ko.."

"Bakit naman kasi hindi nalang ako ang mahalin mo eh...
  - mahina kong sambit

"Huh? May sinasabi ka ba?"
    Tanong niya.

"Huh? Ano yun? Di naman ako nagsasalita ah!Ano ba yan kung ano-ano nalang naririnig mo Rome umuwi ka na nga sa inyo. Itulog mo nalang yan."

"Loko, akala ko may sinasabi ka eh HAHAH... cge uwi na muna ako."
     - Paalam niya saakin

"Uncle!Auntie! uwi na po muna ako balik nalang po ako bks!"
    - pagpapaalam niya kila papa at mama

"O siya cge iho, mag-iingat ka, ikamusta mo nalang ako kila kumare at kumare ah!"
   -sabi ng Mama ko

"Cge po auntie!asahan niyo po heheh.. Cge Jane uwi na ako, balik nalang ako bks, Salamat ulit ah!"

"Cge mag iingat ka Rome."

At tuluyan na siyang lumisan

~KWARTO~

MATAGAL na kaming magkaibigan ni Jerome simula pa nung bata palang kami, magkaibigan kasi si Mama at Auntie(mama ni Jerome) ganon din si Papa at Uncle. Naalala ko pa noon lagi silang pumupunta dito sa Bahay at nagalalaro kami ni Jerome.Dahil na rin nga sa Bestfriend na kami nun, ay pinagsama nila kaming dalawa sa iisang school para raw mabantayan namin ang isa't-isa.

At totoo nga dahil tuwing May nam-bubully saakin lagi niya akong pinagtatangol, minsan pa nga napaaway siya kasi tinulak ako nung kaklase naming lalaki, ayown maski elementary palang kami, napunta na siyang Guidance office, kasi sinapak niya ung tumulak saakin.

At simula nung dumating kami sa pagiging 1st year High School doon Ko na naramdaman na hindi lang Kaibigan ang turing Ko sakanya, kundi MAHAL ko na siya, pero Nakakalungkot lang na hindi niya ako Mahal tulad ng pagmamahal Ko sakanya.. Haysst ano ba naman tong buhay na ito, akala ko kung may pagtingin din siya saakin pero yun pala umaasa lang ako.


ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now