Tears 1

31 29 0
                                    

"Hoy Sabrina! Ikaw na daw sabi ni Maam" napalingon ako sa katabi ko na si Mariana.

"Ano gagawin ko?" dahan dahan kong nilingon ang professor namin sa Mathematics. Nakatingin siya sa gawi ko kaya umiwas agad ako.

"Sagutan mo daw yung number three. Kailangan ng explanation"

"Tangina naman" bulong ko. Bakit ako pa. Hindi ko alam ang sagot doon. Ginaya ko lang naman ang assignment na ito sa kaklase ko. Nakakainis naman.

"Ms. Sanderson! Ano na?!" galit ang teacher ko at wala akong balak na tumayo. Sa ganda kong ito ayaw ko naman magmukhang tanga sa harap ng mga kaklase ko.

"Ethan, answer number three. And you Sabrina makinig ka kung paano okay. You will answer number four." napapikit na lang ako. Ang tagal naman mag time naiinis na din ako. Nakatitig lang ako sa harapan para kunware ay nakikinig ako.

"Now Sabrina its your turn." nakipagtitigan lang ako kay Maam Sandoval. Hindi kaya ako nakinig kay Ethan kanina. Kahit naman makinig ako wala ako maiintindihan don. Hindi inaalis ni maam ang tingin niya saakin kaya hindi ako nag patalo.

"Sabrina last call. Im warning you" umiwas lang ako ng tingin.

"Scholar ka Sabrina!" She fired. There she is again. Palagi niya na lang ako pinapahiya.

"Nakiusap saakin ang Mama mo na taasan kahit papaano ang grades mo! Pero look at you. Instead of proving us na deserving ka sa mataas na marka e nakaupo ko diyan ngayon at nagmamatigas" I can sense her anger. Whatever. Then be mad.

After that hindi ko alam ang gagawin ko sobrang kahihiyan. Pinahiya na naman ako sa loob ng klase. Urghh. She is getting into my nerves.

"Sabrina T. L. E na ang sunod. Ano G ulit?" tanong saakin ni Faye. Demonyo talaga ang isang ito.

"Sino kasama?"

"Tayo ulit maliban kina Stacy at Cali." Napakunot ako ng noo

"Bakit? Himala ha." sabat naman ni Lyra

"Nadala na siguro ang mga yon. Pano nung last na nagcutting tayo pinatawag daw ang magulang nila" tumatawang sabi ni Thalia.

"Ang strikto naman nga kasi ni Maam Lea. Malas nung dalawa napahiwalay pa sa ating mga sinwerte." natawa ako sa sinabi ni Audrey.

"Tara na! sa kabilang hagdan tayo dumaan, ganun ulit Lyra yung laptop ha" si Faye.

Dala dala ang mga gamit namin ay bumaba na kami ng hagdan. Sa second floor ang room namin pero kapag TLE ay doon kami sa baba kaya sa kabila kami dumaan para hindi kami makita ng iba naming kaklase. Nagpunta agad kami sa Ubato (Upuang Bato) malapit sa  Grade 7 building.

"Anong grade kayo?" masungit na tanong ng isang babae na sa tingin ko ay Grade 7 teacher.

"Grade 9 po." sagot ni Briella

"Anong ginagawa niyo dito?" her brows furrowed. Umiwas na lang ako ng tingin para hindi ako ang sumagot. Nakakatamad kaya na nila yon.

"Pinalabas po kami, pinapatapos po sa amin ang report  hindi po kasi namin nagawa. Wala na  pong ibang space malapit sa building namin kaya dito po kami pumunta" pagsisinungaling ni Bri.

"Huwag kayong magiingay at gagawa ng gulo"

"Okay po" si Bri. Pagkatapos noon ay nakahinga kami ng maluwag nang tumalikod na ang teacher na iyon.

"Dalawang oras tayo dito dapat pala bumili muna tayo ng pagkain, nakakagutom" reklamo ni Mariana.

Sa kanilang lahat si Mariana at Calista ang Bestfriend ko. Una kong naging kaibigan si Mariana kaya mas siya ang nakakasama ko araw araw kapag gagala kami after class. Besides hindi din sumasama si Cali dahil tinatamad daw. Gumagala kami ng buong barkada pero hindi lagi.

"Kayo na bumili baka makita ako! Ayaw ko mahuli ni Maam Zen"

"Mas lalong ayaw ko may kaso pa ako sa guidance dahil sa meme na shinare ko" ani Faye.

"Yan kasi katangahan mo share ka pa ng share nung meme na nakakatakot na teachers kada subjects" halos mamatay katatawa si Bri.

"Ako na. Napaka duduwag niyo" nagpresinta na ako kesa mamatay kami sa init ng araw pati na din sa gutom. Malapit lang sa pwesto namin ang Canteen kaya mabilis akong nakadating.

"Sabrina!" napalingon ako ng may tumawag sa pangalan ko. Luminga linga pa ako nang makita ko si Ethan na tumatakbo papunta sa pwesto ko.

"Cutting na naman kayo. Bumalik na kayo sa klase niyo tatanggapin pa kayo ni Ms. Zen." deretso siyang nakatingin sa mga mata ko. He is wearing our school uniform, cool tho, perfectly suits him. Ethan is taller than me. He had wavy, inky black hair, coffee brown eyes that sparkled when the sun hit them. He had a perfect figure covered in lean muscle, complete with rock-hard abs. Char. Di ko nakikita syempre. His coffee brown eyes bore into me.

"Who are you again?" I shrewishly asked.

"Your class Vice President." my brows furrowed. Damn that confidence.

"So?"

"So Im obeying you and your friends to attend your class" lumalaban din talaga siya ng titigan. Pakiramdam ko anytime matutunaw ako sa mga malalamig na titig niya.

"And why are you doing this again?" nakakatamad makipag talo na naman sa kaniya. Bakit ba palaging ako nakikita ng isang to.

"Because I can, So? I will" he also furrowed his thick damn eyebrows.

"But we don't want to, So? We won't" I fired back. Gotcha Mr. Sungit.

"You're doing silly thing that is against the law of this school Sabrina" he really have the guts to fight!

"So? Will you report me Mr. Vice President?" diniinan ko ang pagkaka sabi ng Vice President tutal mukang proud na proud naman siya doon.

"No." he simply replied.

"Great. Its a No too." tumalikod na ako para bumili ng pagkain pero hinawakan niya ang braso ko. Nilingon ko siya at sinalubong ako ng malalamig na titig niya. Fuck. Parang biglang naging jelly ang mga paa ko. Pakiram ko ay mahuhulog ako anytime. Sa kinatatayuan ko. Hindi sa kaniya. Duh.

"Stay. The. Hell. Away from me." mahinahon pero may diin kong sinabi iyon. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at nakatingin pa din siya sa akin.

"Tigas talaga ng ulo mo ano?" he sarcastically said. Umirap lang ako sa kaniya. Fuck. What the hell is wrong with this guy.

"You need to be tame" napalingon ako sa sinabi niya

"Im not a dog" Ang panget naman ng term niya. Nakakainis.

"I know. But you're acting like one" he glared at me.

"Fuck you" He is unbelievable.

_______________________________________________________

🥀

_angelblues

Tears of Sorrow (Philophobia Series #2) Where stories live. Discover now