chapter 2

40 5 2
                                    


Maxyne POV;






Its been 11 years nang umalis si Troy para mag-aral sa Maynila,at turning 21 years old this April 27, btw graduate ako sa kursong Nursing.

Nagtatampo ako kay Troy kasi naman sa loob ng labing-isang taon nakakatatlong summer vacation lang siya dito sa probinsya.

Seguro nga nakalimutan na niya ako,Hm! promise pa siyang hindi niya ako kalilimutan pero ano na ngayon ?

Ni text o tawag nga wala,hay! Bat ba ako nagkaka-ganito? kung umasta ako parang jowa i bestfriend lang naman kami.

Tsaka nga pala nandito ako ngayon sa tambayan namin ni Troy,
nakahiga sa duyang sinabit ko sa dalawang sanga ng puno malapit sa may bayabas,pumikit ako habang nakikinig ng music.

May narinig akong kaluskos ng dahon malapit sakin pero hindi ko pinansin,hangin lang seguro.

May naramdam akong tumilapon sa tiyan ko kaya dinilat ko ang mga mata ko,napasigaw nalang ako ng makitang palaka ang nakapatong sa tiyan ko.

"Aaa!"

Sigaw ko at tumayo mula sa pagkakahiga ko sa duyan at tumalon-talon.

"Hahahahaa..!!" tawa ng lalaki yun a?

"Muka kang haha!.amp kabayo!" si Troy?!

Halos mangiyak-iyak na siya kakatawa habang ako hindi makapaniwala na nandito siya sa harap ko.Parang kanina lang iniisip ko siya.

Mas gumwapo siya ngayon ,matangkad,maputi at medyo mahaba ang buhok hinati pa ito sa gitna kaya nagmukang bangs, kpop lang.

Hindi ko siya pinansin at pinulot ang cellphone kong nahulog sa lupa,aalis na sana ako pero tinawag niya ako kaya napahinto ako saglit at lumakad ulit.

Akala niya seuro nakalimutan ko ang atraso niya sakin.

Naiinis ako hindi dahil sa palaka kung di ang hindi man lang pagpaparamdam  sakin.


"Hoy!Max sorry na hindi ko sinasadya!" Pahabol nito habang sinusundan ako.


"Max! ano ba, Sorry na nga" sabi ni Troy at hinawakan ang kamay ko kaya nabinat ako at napahinto.

Hinawakan niya ang dalawang braso ko at Pinaharap sa kanya.

"Ano ba!" Irita kong sabi at hinawi ang kamay niya sa braso ko

"O! anong ginagawa mo dito?diba gusto muna sa Maynila at ayaw munang bumisita man lang dito?" 

Tuloy-tuloy na sabi ko sa kanya, nagulat seguro siya sa sinabe ko kaya hindi makapag-salita.


"Sorry Max naging busy lang ako the past years kaya hindi kona makayang maka-uwi man lang dito" saad ni Troy habang hinahabol ang mata ko, iniiwas ko kasi ang tingin ko sa kanya.

"Anong klaseng busy bayan at ni text o tawag man lang hindi mo magawa? Sabi ko pero naiinis parin.

"Ano kasi"kinamot niya ang batok niya" nawala ko yung number mo sa phonebook ko eh kaya hindi na kita macontact,wala rin naman akong number ni Teta staka hindi ka naman mahilig sa social media kaya hindi kita ma chat sa fb."

Paliwanag niya na parang pinaparating na wala siyang kasalanan.

"Talaga? Hindi  ka nagsisinungaling? Paniniguro ko.

"Oo nga alam mo na medicine ang kurso ko kaya kailangan palagi akong nag-aaral staka malapit na akong magsimula sa trainee .

Matapos ang mahabang pagpapaliwanag ayun, ayos na kami at nagsimula nang magkulitan at tawanan.

Kakalabas lang namin ng harden ng may narinig akong boses ng babae na tinatawag ang pangalan ni Troy.



"Troy! where have you been?kanina pa kita hinanap?"

Bungad samin nung babae.Maganda siya maputi hanggang leeg ang buhok  pero kasing tangkad ko lang.
Nakasuot siya ng jeans at crop top ,naka high heel kaya nagmukang medyo matangkad sakin.

Tinignan ko ang sarili ko,naka simpleng black jogging pants lang ako na tinirnuhan ng plane gray shirt

Tinignan ako ng babae at mukhang nagtataka.

"Who is she? Is she the girl you told me na kababata mo? Tanong niya.

" right! Oo nga pala" humarap sakin si Troy.

"Max nakalimutan kong sabihin na may sinama akong mga kaklase ko dito para bumisita." Pagapaliwanag niya.

"Max si Allexa nga pala kablockmate ko! Allexa, Maxyne the girl  I told you." Papakilala niya samin sa isa't-isa ,at may sininyas sa babae halatang may tinatago.

Nag-ngitian lang kami sa isa't-isa.

"Halika na Troy! The others are looking for us na" maarte nitong sabi at hinila si Troy sa bahay nila.

"Sama ka Max pakilala kita sa mga kaibigan ko." Pahabol ni Troy habang hinihila ni Allexa.

"Okay" ngumiti lang ako at sumunod sa kanila,baka kapag hindi ako pumunta isipin nilang kj ako.

.
.
.
.
.
.
.
.

.
.

Hi! sa nagbabasa nito if ever nagustuhan mo please follow me for more....

Comment also.

Ikaw lang Sapat na(on Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon