Kakagising ko lang at wala na sila Danica at Kaden sa aking tabi. Nagtatabi kaming tatlo dahil sa kwarto ko muna tumutuloy si Levi.
Ilang araw na rin ang lumilipas simula nang palayasin si Levi sa kanilang bahay at naging maayos naman ito sa aming tirahan.
Inihahatid muna namin si Danica sa kaniyang eskwelahan bago kami magtungo sa aming paaralan.
Wala pang nakakaalam ng lagay ni Levi sa ngayon ngunit wala naman daw itong balak itago sa lahat ang kaniyang pagbubuntis.
Sa araw-araw naman na dumadaan nagiging maasikaso si Danica. Hindi lang sa anak at mama nito kundi maging sa akin na rin. Naaappreciate ko naman ang mga bagay na iyon at ginagantihan ko rin naman tuwing may pagkakataon.
Nagtungo ako sa banyo upang maligo. Wala akong pasok ngayon ngunit kailangan kong magaral dahil sa papalapit na exam. Ilang buwan na lang ay bakasyon na rin naman.
Pagkatapos kong maligo ay nagayos lang ako sandali at lumabas na.
"Gising ka na pala. Nauna na pala kaming kumain dahil hindi naman pwedeng mahuli sa pagkain si Levi pero pinaghanda kita. Gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita?" Tanong agad ni Danica ng makita ako. Nagaaral din ito pero ako pa rin ang iniisip.
Naguguilty na nga ako dahil hindi ko man lang maibalik ang pagmamahal na inaalay niya.
"Kaya ko na 'yon magisa. Mabuti pa't ipagpatuloy mo nalang iyang ginagawa mo. Malapit na rin ang exam mo hindi ba?" Tumango naman ito.
"Ilang minuto lang naman ang pagtitimpla ng kape. Sige na. Maupo ka nalang diyan at ipagtitimpla kita." Umalis na ito kaagad at di na nagpapigil pa.
Bigla namang may nagdoorbell kaya agad ko iyong tinignan.
"Ma'am sulat po para kay Miss Guerrero." Anang isang lalaki.
"Ako po iyon." May inabot ito sa aking puting maliit na envelope.
"Pasign nalang po ako rito." Sabay turo nito sa bahagi ng papel. Agad ko naman iyong pinirmahan at pumasok na.
Ang letter ay galing sa doctor na pinuntahan namin ni Danica kamakailan lang. I assumed, ito na yung result ng test.
"Dan, come her for a second." Sigaw ko mula sa living room.
Bitbit na rin nito ang kape nang magtungo sa gawi ko.
"Ano yan?" Tanong agad nito at umupo sa tabi ko.
"Siguro ito na yung result." Tila kinabahan naman ang hitsura nito.
Humigop muna ako sa kapeng tinimpla nito bago ko buksan ang envelope at kunin ang laman nito.
Ilang minuto ko rin itong tinignan at binasa. Nanlaki bigla ang mata ko at sobrang bilis ng kabog ng puso ko.
Positive
Iyon ang tumatak sa isipan ko at napatingin ako kay Danica. Gusto kong maluha sa sobrang saya at sa sobrang kasiyahan ko rin nayakap ko si Danica.
"Hoy! Nawala lang ako sandali nagyayakapan na kayo." Istorbo naman sa amin ni Levi kaya napaayos ako muli ng upo.
"Sorry." Paumanhin ko kay Danica.
BINABASA MO ANG
Aster: Finding the Half of Me
RomanceThere are a lot of definitions of 'Love' but what is the real meaning of Love? Someone says, Love is full of sacrifices. Well, it is. Someone says, Love is a strong affection towards somebody. But, can you consider Love has no gender? Everybody...