Pagkatapos makalabas ni Levi sa hospital ay agad na akong naghanap ng malilipatan namin nila Danica.
Mabilis naman akong nakahanap dahil na rin sa iba't ibang connections. I already packed few of my things dahil ngayon kami lilipat sa isang condo.
It was big and near our school. Kaya natitiyak kong magugustuhan iyon nila Danica.
I also informed dad about it at pumayag naman ito. I haven't told him yet about Kaden and Danica. Siguro saka na.
Nakwento ko na rin kay Levi na anak ko nga si Kaden. At first she wanted to do a DNA test first pero kailangan pa ba yun?
Pero para matahimik na siya at maiwasang maistress ay sinunod ko nalang siya.
I asked Danica kung may kilala siyang doctor at sinabi naman niyang oo. Hindi ko kasi puwedeng ipa-run ang test sa hospital ni tita Maricel.
Ayoko pang malaman nila. Well, alam nila na may nakaone night stand ako and I am looking for her.
Tumunog ang cellphone ko na nasa ibabaw ng study table ko. Kinuha ko iyon and it was Danica.
From Danica:
We're on our way at your place.Magrereply na sana ako ngunit may nalaglag ako sa nililigpit kong gamit.
It was the box of Danica's necklace. Napangiti naman ako. Binuksan ko iyon at inilabas ang necklace. (Chapter 7-Aurora Borealis Necklace)
"Finally I found you." Bulong ko rito. Nilagay ko na rin ito sa gamit ko. Muntik ko pang makalimutang magreply kay Danica.
Tapos na rin akong magligpit ng gamit at bubuhatin nalang ito sa aking kotse. Pinakain ko muna si Sweet bago ako nagsimulang magbitbit ng gamit.
Malapit na rin ako matapos sa paglalagay ng kahon sa aking sasakyan nang biglang may humintong taxi sa tapat ng bahay. It was Danica with her mom and Kaden.
"Tita Aster!" Masayang tawag sa akin ni Kaden. Napatingin naman ako kay Danica. Nakatingin lang din ito sa akin.
"Hey baby boy!" Binuhat ko naman ito at masayang niyakap.
Ang saya ng pakiramdam ko. Finally, nayayakap ko na ang anak ko. Yes, wala pang DNA but I can feel it.
"Aayusin ko lang mga gamit ko okey? Then, aalis na rin tayo." Ibinaba ko na ito at ginulo ang buhok.
Tatlong boxes nalang naman ang nasa loob at hindi na ako mahihirapan pang ilabas iyon.
Ang mga gamit naman nila Danica ay sinikap na rin ng taxi driver ilagay sa kotse ko. Kasya pa naman dahil kaunti lang naman ang gamit nila kumpara sa gamit ko.
Napansin kong antahimik ni tita Lourdes. Siguro ay mamimiss nito ang kanilang dating tirahan.
"Okey! We're ready to go!" Imporma ko sa kanila habang karga karga ko sa bisig ko si Sweet.
Sumakay na kami sa kotse at agad na akong nagdrive. Sa backseat sila tita Lourdes at Kaden habang si Danica naman ay nasa tabi ko.
Wala ni isa sa amin ang nagsasalita including Kaden dahil tulog na ito. Maaga kasing nagising kaya inaantok.
Pagdating namin sa condo ay agad naman kami inalalayan ng mga empleyado roon na maglipat ng gamit.
Binuhat ko na si Kaden at nilagay muna siya sa master's bedroom.
"Aster, this place is too much for us. Wala bang mas simple?" Tanong sa akin ni Danica nang makabalik ako
"Well, I want you to be comfortable." Tinuro ko naman sa mga kalalakihan na nagbubuhat ng gamit namin kung saan ilalagay ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Aster: Finding the Half of Me
RomanceThere are a lot of definitions of 'Love' but what is the real meaning of Love? Someone says, Love is full of sacrifices. Well, it is. Someone says, Love is a strong affection towards somebody. But, can you consider Love has no gender? Everybody...