S.L.N.R. EPISODE 1

18.4K 172 5
                                    

  “Gustuhin ko man na manatili sa loob ng rehas na ito… pero ito na rin siguro ang itinakda, ang maghiwalay tayo ng landas.”

- - - - -- - - - - - - - -

 

#SaLikodNgRehasM2M

 

EPISODE 1

 

  “Bitawan niyo ko!!” pilit na pumipiglas si Christian sa paghawak sa kanya ng mga pulis. Simula pa kanina ng damputin siya ng mga ito mula sa kanyang tinutuluyang apartment hanggang sa madala na siya dito sa istasyon ng pulisay pilit na siyang kumakawala sa hawak ng mga pulis. Ang higpit ng hawak ng mga ito sa kanyang braso kaya talaga namang hindi siya makakawala. Dagdagan pa na nakaposas siya.

  Hindi niya alam kung bakit siya dinampot. Ang sabi lang sa kanya ng mga ito ay may nagsabi raw na isang impormante na siya ang salarin sa panggagahasa at pagpatay sa isang katorse anyos na dalagita. Mariin niya iyong itinatanggi. Kahit minsan ay wala siyang ginawang ganun na karumal-dumal na krimen.

  Kahit anong paliwanag niya sa pulis na nag-iimbestiga sa kanya ay wala pa ring iyong nagawa. Pilit man niyang itanggi ang akusasyon laban sa kanya, sa huli ay hindi siya nito pinaniwalaan.

  Ngayon niya napatunayan sa sarili niya na walang kwenta ang batas sa Pilipinas. Porke’t mahirap ka, ikaw na ang ituturo na salarin sa isang krimen na hindi mo naman ginawa? Porke’t ba may nagturo sayo na ikaw ang gumawa ng krimen, pati batas ay ididiin ka kasi wala ka namang laban? Kumbaga, para lang madaling matapos ang pag-iimbestiga sa kaso, magtuturo na lang ng kung sino kahit wala namang kasalanan.

  Sa huli ay ikinulong si Christian sa isang medyo maliit na selda. Wala rin naman siyang magagawa kahit magwala pa siya para lang makalabas ng kulungan. Tinanggap na lang niya sa sarili niya na makukulong siya kahit wala naman siyang kasalanan. Dito ay may lima siyang kasama na pawang mga preso rin. Hindi niya lang alam kung napagbintangan rin ba ang mga ito kagaya niya o sadyang may mga kasalanan talaga. Dito muna siya ikinulong dahil hihintayin pa ang hatol ng korte kung anong parusa ang ibibigay sa kanya.

  Ang isa niyang kasama sa loob ay sa tingin niya nasa 40 years old na ang edad. Matamang nakatingin sa kanya ang mga mata nitong ang lalim ng eyebags. Medyo kulubot na rin ang balat nito. Malaki ang tiyan. Maraming tattoo sa braso at katawan. Nakahubad kasi ito ng pang-itaas na damit. Kalbo. Siguro kaya ito nakatingin sa kanya ay dahil sa bagong pasok siya dito at kinikilatis ang kanyang pagkatao.

  Ang isa naman ay sa tingin niya nasa late-twenties ang edad, katulad ng nauna, marami rin itong tattoo sa katawan. Maganda ang pangangatawan dahil sa medyo bata pa naman ito. Semi-kalbo ang gupit at may pagkamoreno ang balat. Hindi naman ganuN kakinis ang balat.

  Napadako ang tingin ni Christian sa kaliwang bahagi ng selda, doon ay nakita niyang naglalaro ng dama ang dalawang preso. Mga mukhang menor de edad pa ang mga ito dahil hindi pa hubog ang mga katawan katulad ng sa matatanda. Siguro bukas rin ay makakalaya na ang mga ito. Hindi rin naman kasi pinatatagal sa loob ng selda ang mga menor de edad na nagkakasala.

  Pero ang nakapukaw sa atensyon ni Christian ay ang lalaking nakahiga sa karton na nasa kanang bahagi ng selda. Nakahubad ito kaya kitang-kita niya ang maganda nitong pangangatawan na parang nililok ng iskultor. Maumbok ang dibdib, batak ang magkabilang braso at may anim na pandesal sa tiyan. Nakapikit ang mga mata nito kaya malaya niyang napagmasdan ang mukha nito. Matangos ang ilong, may kanipisan ang labi na medyo mapula. Makinis rin ang balat nito sa mukha. Moreno ang kulay ng balat. May kakapalan rin ang kilay ng lalaki. Bagay na bagay rito ang bigote at balbas na kakaahit lamang yata. May kahabaan ang buhok nito na wavy. Rugged kung tingnan ang itsura niya. Para itong isang brazillian model.

SA LIKOD NG REHAS [BOYXBOY SHORT-STORY]  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon