#SaLikodNgRehasM2M
EPISODE 2
Apat na lamang sila na nasa loob ng kulungan. Si Mang Damian, Si Janno, Si Khalil at si Christian. Nakalaya na kasi kaninang umaga sila Miko at Daryll na sinundo pa talaga ng mga magulang dito sa istasyon ng pulis.
Kasalukuyang naliligo sa palikuran si Mang Damian. Si Janno naman ay natutulog sa karton nito.
“Laro tayo.” Sabi ni Khalil kay Christian. Nakaupo ito ng naka-indian sit at nasa harapan niya ang dama board na pinaglalaruan kahapon nila Miko at Daryll.
“Huh?” gulat na tugon ni Christian kay Khalil. Hindi niya kasi akalain na kakausapin siya nito.
Seryosong nakatingin lang si Khalil kay Christian.
Hindi alam ni Christian pero may kakaiba siyang nararamdaman kay Khalil. Ito iyong tipo na kapag tiningnan ka niya, parang hinihigop ka at parang napapasunod ka sa kung anong nais nito. Hindi rin niya maipaliwanag ang kaba na nararamdaman niya habang seryoso ang tingin sa kanya ni Khalil. Ngayon lang niya naramdaman ang ganito sa isang lalaki. Natatakot ba siya kay Khalil?.
Lumapit si Christian kay Khalil. Nang makalapit siya ay nag-indian sit rin siya sa harap nito. Nasa gitna nilang dalawa ang dama board.
“Marunong ka bang maglaro nito?” malamig ang boses na tanong ni Khalil kay Christian. Tumango lamang si Christian bilang sagot.
“Ang matalo ay may parusa.” Sabi ni Khalil.
Nanlaki ang may pagka-chinitong mga mata ni Christian. “P-Parusa?” tanong nito.
Naningkit ang mga mapupungay na mata ni Khalil. “Oo, parusa.” Sabi nito.
“Anong parusa?” tanong ni Christian.
Ngumiti si Khalil. Nakita tuloy ni Christian ang maputi at pantay-pantay nitong mga ngipin. Mukha talagang hindi bilanggo si Khalil kung pagbabasehan mo ang itsura niya.
“Malalaman mo rin.” Sabi lang nito.
Walang nagawa si Christian kundi ang makipaglaro kay Khalil. Nagsimula na ang laro nila ng dama.
Kapwa seryoso ang dalawa sa laro. Focus kung focus at mukhang ayaw magpatalo ng bawat isa.
Ilang sandali pa…
“Paano ba iyan, talo ka.” Ngiting tagumpay si Khalil.
Napakamot ng ulo si Christian.
“Dinaya mo yata ako eh.” Sabi ni Christian na nangingiti pa.
BINABASA MO ANG
SA LIKOD NG REHAS [BOYXBOY SHORT-STORY] [COMPLETED]
Short StorySA LIKOD NG REHAS "Gustuhin ko man na manatili sa loob ng rehas na ito... pero ito na rin siguro ang itinakda, ang maghiwalay tayo ng landas..." [M2M SHORT-STORY] A FRANCIS ALFARO'S ORIGINAL STORY COPYRIGHT (C) 2015 ALL RIGHTS RESERVE, 2015 DATE PUB...