Prologue

5.1K 131 11
                                    

"Mom, can I buy an ice cream?" napatingin si Naese sa kaniyang anak na si Timmy. He really loves eating sweet foods.

Hindi niya nga alam kung bakit araw-araw na lang ay gustong-gusto nitong kumakain nang matatamis. Minsan ay hindi niya naman maayawan dahil umiiyak ito. Nakakatakot pa naman ito pag-umiiyak na dahil sa wala itong tigil na humihikbi.

Napapailing na tumingin siya kay Timmy, sa kaniyang bunsong anak.

"No," sagot niya at kumuha nang biscuit habang napanguso naman ito dahil sa sinabi niya.

"How about books, mom?" nakakunot ang noong sabi naman ng isa niya pang anak na kakambal ni Timmy na si Tommy, ang pinakamatanda sa triplets. Nakapamewang pa ang isang kamay nito habang nakatingin sa kaniya.

"Kabibili pa lang natin no'ng isang araw, ah?" nagtatakang sagot niya rito. Huwag mong sabihing..

"Natapos ko na basahin kahapon lang, mom," napapalakpak na lang sa isipan si Naese, sabi na nga ba't hindi siya nagkakamali sa iniisip.

Kung mahilig sa matatamis na pagkain ang kakambal nitong si Timmy ay ibahin niyo si Tommy, he prefers books rather than sweet foods.

"Fine," suko niya dahil alam niyang kukulitin at kukulitin siya nito paghindi niya ito binilhan ng bagong libro. Gusto kasi ng anak niyang si Tommy na araw-araw ay may matutunan kaya pinabayaan niya na dahil mabuti narin iyon.

Sa edad na anim ay matatalino ang kaniyang mga anak, hindi niya alam kung mabuti ba iyon. Sometimes they act like they're grown up man.

"Bibili narin ng ice cream?!" nagniningning ang mga matang sabat naman ni Timmy sa usapan.

"It's a no, Tim," nagsad face ito kaya nahawa naman si Naese sa lungkot ng kaniyang anak but, no,  mabubungi at sasakit ang ngipin nito kung palaging matatamis na lang ang kainin nito araw-araw. "Sasakit ang ngipin mo niyan," Mahinahon niyang turan.

"But mom, toothbrush is the key!" malungkot na sagot nito kaya hindi niya mapigilang mapaismid sa sinabi nito.

"No," nagpacute pa ito kaya mariin siyang napapikit. Huwag kang ganiyan, Timmy, marupok ang ina mo!

"Pretty please?"

"No." pinal na sabi niya at hinila na ang kamay ng anak.

Nagtungo naman sila sa fruits section upang doon naman mamili.

"Tuxedo, mom?" malapad naman na ngumit si Tammy sa kaniya at animo'y nagpapaawa pa; ang pangalawa sa triplets.

Akala naman ata'y ma aapektuhan siya sa mga pagpapaawa nito. Well, sige minsan ay tumatalab ang paawa effect nito. Sino ba kasi ang hindi maaawa kung napakainosente ng mukha nito na parang iiyak na ano mang oras. Wala eh marupok lang.

Huminto siya sa pamimili at tinaasan niya ng kilay si Tammy. Kung sweet foods at books ang dalawa, mga bagay naman ang kay Tammy. Materialistic ang lolo niyo.

"Tuxedo?" tumango-tango ito sa kaniya. "Nagtatrabaho ka na ba para magtuxedo, Tammy?" Taas ang kilay na tanong niya.

Napakamot na lang sa kaniyang noo sabay peace sign ang anak nitong si Tammy.

"I find it cool!" he said. Nagkibit balikat na lang si Naese at itinuloy ang pamimili ng mga prutas.

Nang matapos ay umalis na sila doon para sana magbayad. Habang nakapila ay kinabahan siya dahil hindi niya makita ang anak na si Timmy. Saan nanaman kaya nagsususuot ang batang iyon?

"Nasaan na ang kakambal niyong si Tim?" kinakabahang tanong niya sa dalawa.

Nagpalingon-lingon na siya't lahat sa paligid ngunit hindi niya parin ito makita. Nasaan na ang kaniyang anak, si Timmy?!

✓Chasing Series #1: Kyron Anderssons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon