Chasing 5

2.4K 64 8
                                    

Warning 🔞: Zonrox

Chapter 5: Jealous

Umaga pa lang ay mabilis na agad si Naese nagbihis. Ngayon na ang simula nang trabaho niya bilang isang sekretarya ng halimaw niyang boss, ang dati niyang asawa. At ayaw na ayaw nitong malalate siya kaya hindi magkandaugaga siya ngayon.

Nagluto siya ng pagkain para sa mga anak niya. Para hindi nang mga ito maisiping magluto at pasabugin nanaman ang kusina nila.

Mahirap na at baka sumabog nanaman ang kusina, hindi lang ang kusina kung hindi ang unit mismo ni Macky.

Nakakahiya naman para sa kaibigan niya dahil nakikitira na ngalang sila ay sasabog pa ang ang condo nito.

"Huwag niyong papasabugin itong condo, okay?" paalala niya sa mga anak niya habang itinatali ang buhok upang hindi ito makasagabal sa kanyang pagt-trabaho.

Inosente ang tatlong ngumiti kay Naese. Damn those smiles! Hindi mapagkakatiwalaan! Napailing-iling siya dahil sa mga anak.

"Mamaya ang dating ng Nanny niyo kaya behave kayo, babies?" matamis lang na tumango si Timmy sa kaniya habang nakahalukipkip naman si Tommy at ang isa nilang kakambal ay busy sa pag-aayos ng buhok.

"Am I handsome, mommy?" tanong pa nito. Tumango naman siya ng tatlong beses bilang pagsangayon. "Ha! I'm really handsome compared to them." Turo nito sa dalawa nitong kakambal.

Napairap dito si Tommy dahil sa kahanginan ng kapatid.

"Lol! Don't make me laugh." ani Tommy. Napahagikhik naman sa isang tabi si Timmy habang nakatingin sa dalawa.

Identical ang tatlo. Malamang triplets sila, parehas na parehas ang mukha at height. Ang naiiba nga lang sa mga ito ay ang attitude. Kung hindi mo sila gano'n kakilala ay maguguluhan ang sinuman sa tatlo.

And may time talaga na ginagaya ng triplets ang isa't-isa kaya ang mga taong nakapaligid sa kanila'y madaling naloloko but not Naese. After all she's their mother. She know them very well.

"Okay, stop you two." saway niya dahil nagsamaan na ito ng tingin. "I'm going. Ayukong mag rambulan kayo dito maliwanag?" Natahimik ang kanyang mga anak. "Maliwanag ba?" Ulit niya na tinanguan naman ng tatlo.

"Yes, mommy!" they said in unison.

Napabuntong hininga siya. The last time she checked muntik nang masunog ang bahay ni Macky noong iniwan niya ang tatlo sa loob ng bahay na tinutuluyan nila sa Spain. Jusko naman kasi, ayaw naman niyang maulit iyon lalo na at maiiwan ang mga ito nang walang bantay. Takot niya lang magkapart-two ang nangyari sa Spain.

"Pinky promise?" sabi ni Naese sa mga bata.

"Pinky promise!"

"Bye! Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi. Tommy, ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo." he frowned. Ito lang ang matino sa tatlong magkakapatid at ito lang rin ang maaasahan niya sa kanila. "Tommy?" Seryusong tawag niya sa pangalan ng panganay. Napabuntong hininga nalang ito at marahang tumango.

"Yes, mommy." she smiled and kissed their forehead one by one.

Sumakay agad siya ng taxi. 20 Minutes nalang at malalate na siya sa nakatalagang oras.

She cursed. 15 Minutes ang beyahe papunta sa building ni Kyron at may natitira siyang 5 minutes to fix herself bago magsimula ang trabaho niya bilang sekretarya.

Huminto ang taxi sa malaking building. She fished out her wallet from her pocket at mabilis na nagbayad.

Lakad-takbo ang ginawa niya makarating lang sa office ni Kyron sa iksaktong oras. Doon siya pumwesto sa puwesto noong pinatalsik ni Kyron na sekretarya nito. What's her name again? Aliah? Lex? Rex? Allison? Argh! Whatever!

✓Chasing Series #1: Kyron Anderssons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon