Chasing 6

2.1K 59 0
                                    

Chapter 6: Suspicion

Iika-ikang naglakad papuntang banyo si Naese para ayusin ang sarili. Kahit medyo masakit pa ang pagkababae niya'y pinilit niya paring maglakad ng tuwid. Iika-ika mang umalis ay hindi niya ito alintana lalo pa't nakatingin sa kaniya si Kyron.

Pagkapasok sa isa sa mga cubicles ay maingat na napaupo siya at doon napahilamos sa mukha. Hindi niya alam kung bakit nagawa niya iyon, kung bakit hinayaan niyang angkinin ulit siya ng lalaki. Kung tutuusin ay kaya naman niyang magpumiglas at umiwas pero hindi maipagkakailang nagustuhan niya ang nangyari sa kanilang dalawa ng kanyang boss.

Kagat labing impit siyang napahagulgol.

"Ang tanga-tanga mo talaga, Naese! Damn it!" pagkausap niya sa sarili habang mahigpit na nakasabunot ang isa niyang kamay sa kanyang buhok. "Ano nanaman ba 'tong kagagahang ginawa mo! Aish! Sobrang tanga talaga!"

Napailing-iling siya habang tumutulo parin ang kanyang mga luha na kanina lang niya pinipigilan, ngunit ngayon ay halos hindi na tumigil sa katutulo ang mga luha.

Mahigpit siyang kumapit sa kanyang laylayan na damit pagkatapos ay napagdesisyunang tumayo't mabilis na binuksan ang pintuan.

Napahinto siya sa harapan ng salamin nang makita ang sariling mukha na halos hindi niya na makilala dahil sa gulo-gulong buhok at mga luhang nagkalat habang ang iba naman ay natuyo na.

Pilit siyang ngumiti ngunit hindi siya nagtagumpay.

Pinahid niya ang luhang tumulo sa kanyang pisngi.

She inhale and exhales slowly while looking at the mirror in front of her.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwalang nagpatira nanaman siya sa bastardo niyang asawa. Paano nalang kaya pagnabuntis nanaman siya? Ano nalang ang sasabihin ng kanyang mga kaibigan lalo na ng kanyang mga anak? Na ang landi-landi niya't nagpabuntis nanaman siya? Ang malaking problema pa doon ay si Kyron nanaman ang ama nito. Sana lang ay hindi siya nito mabuntis. Hindi pa naman siya naka pills kaya there's a big chance na mabuntis siya. Sharp shooter pa naman ang walang hiyang boss niya.

Pero wala na, andoon na eh. Nakipagjugjugan na siya. Huli na. Ipagdadasal nalang niya na sana ay hindi magbunga ang katangahan niyang ginawa.

Napatitig siya sa salamin. Kita sa mga mata niya ang sakit, sakit sa mga pinagsasabi sa kaniya ni Kyron kanina nang maalala niya kung ano-anong masasakit na salita ang sinabi nito.

She want to slap him hard! Gustong-gusto niya talagang pagsasampalin ang lalaki pero pinigilan niya lang ang sarili niya kanina. Baka mas lumala pa ang alitan nilang dalawa at kung ano pang magawa nito sa kaniya. He's strong and rich. Kayang-kaya nitong gawin kung ano mang gustuhin ni Kyron sa kaniya.

Wala siyang laban sa isang Kyron Roman Anderssons.

Mabilis niyang tinakpan ang bibig nang mapahikbi siya dahil sa huling naalala niyang sinabi ng lalaki sa kaniya.

"Don't worry, e dadagdag ko ito sa suhol mo." kingina lang talaga at ginawa pa siyang bayarang babae. Pinagmukha siyang isang puta.

Wala sa sariling nasabunutan niya ang buhok. She hate herself! Nag mukha siyang bayaran sa harapan nito. Hindi manlang niya naipagtanggol ang kanyang sarili sa mga masasakit na salita ng dating asawa.

Umiling-iling siya. Pilit na ipinapamukha sa harapan ng salamin na okay lang siya, kahit na ang totoo ay malapit nanaman siyang mapahikbi.

Ngumiti siya habang may mamula-mulang mga pisngi. Damn, ang ganda ko parin pala pag-umiiyak! Hindi na masama, huhu!

✓Chasing Series #1: Kyron Anderssons Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon