Waters

358 12 7
                                    

// At the water realm..

"Uy kuya, tama na nga ang katititig mo dyan. Matutunaw na nyan si ate Cyan." Lumingon ako sa kapatid ko na kapapasok lang sa silid at nakita ko siya nakangiting mapang-asar. Pinaglalaruan niya rin ang tubig sa kanyang mga palad na korteng bilog.

"Alam mo namang hanggang ganito na lang ang magagawa ko para masilayan siya, Aqua." Bumuntong hininga ako sabay tumingin ulit sa sydra--isang malaking pabilog na parang kawang puno ng tubig. Dito ko siya tinitingnan mula sa mundo naming ito araw-araw.

"Oo nga. Ngunit 'di ba malapit na rin naman ang pagtatapos ng---" Pinutol ko siya sa pagsasalita at tumingin sa kanya.

"Alam ko. Hindi na nga ako makapaghintay sa araw na iyon. Gusto ko na ulit siyang masilayan sa per---" Tumikhim ako. "Ang ibig kong sabihin ay nais ko na ulit makapasyal sa ilog.. at makamusta ang mga diwata."

Ngumisi siya at hiniling ko na lang na hindi niya nababasa ang iniisip ko.

"O sige kuya. Gusto ka na rin daw nilang makita muli. Sina diwata Elihya at diwata Marilux nga ay nasasabik na rin sa pagbabalik mo doon sa ilog." Masiglang sambit ni Rain.

Ngumiti akong bahagya.

"Maging ako rin ay nasasabik ng makita sila muli. Sampung taon na rin ang nakakalipas. Hindi na talaga ako makapaghintay." At ibinalik mo muli ang tingin ko sa mahiwagang tubig. Nakita ko ang kanyang maamong mukha at may kung anong kumalabog sa dibdib ko.

Cyan, makikita na rin kitang muli sa wakas.

***

A/N: Please read!

Blue's picture on the multimedia section! I decided to just make the characters anime since fantasy naman ito.

Also, please excuse kung waley man ang aking malalim na tagalog. Ganyan talaga kasi sila magsalita. Basta..pwera spoiler. Haha!

Please do leave a comment or vote and make my day!

Laters :*



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Blue Magic [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon