CHAPTER 1

10 0 0
                                    

Shane point of view

Nakahiga kame ng kapatid ko sa kama ang kapatid ko na lalaki na si jonathan, nag cecellphone siya gamit ang cellphone ni mama habang ako ay nag fe-facebook pa scroll scroll.

Habang nag fe-facebook ako bigla nalang hiniram ni mama ang cellphone niya kay jonathan "jonathan akin na yang cellphone ko chachat ko lang papa mo kanina payun dapat naka uwi hanngang ngayon di pa den umuuwi" ani ni mama, mukang may away nanaman na magaganap.

Napatingin kami nila mama at jonathan sa pinto ng may kumatok, ang nasa isip ko ay si papa na iyon binuksan ni mama ang pinto at si papa nga ang nadatnan niya, lasing ito at namumula ang mata "ano nag inom ka nanaman?!!" galet na ani ni mama "utangin ko muna ung 200 na binigay ko sayo kahapon" ani ni papa, natalo nanaman siya kaya ganon ang sinabe niya "binigay mo tapos babawiin mo, natalo kananaman sa sakla lage kanalang nagsasakla wala na nga tayong makain sige kapa den sakla"sigaw ni mama at na pa upo sa upuan sinundan naman siya ni papa na umupo din sa upuan "natalo yung pinatago ni mam na 15,000"ani ni papa na ikinagulat ko, 15,000 ay natalo niya lang at ipinatago lang iyom hinde binigay "ano bayann carloss!!! Anong kakainin natenn!! Pati pera ng amo mo sinugal mona pano kung tanggalin ka dahil sa ginawa mo maging matino kanaman minsan carloss!!!!"sigaw ni mama kay papa, nagtakip ako ng unan at doon umiyak ng umiyak hanngang sa nakatulog ako.

Pagkamulat ng aking mga mata nakita ko si mama na nakahiga sa upuan at si papa naman ay diko alam kung nasaan, nakita koden ang mga plato at iba pang gamit namin na gulo gulo at sira sira, kumulog na ang tiyan ko kaya nilapitan ko si mama "ma penge pang bentelog nagugutom nako"ani ko "wala akong pera diyan ka manghingi sa ama mong sugalero tangin* di na nagbago lagi nalang ganito!!" Sigaw ni mama at pumikit ang kanyang mata at siya ay natulog, lumabas nalamang ako para hanapin si papa.

Nakita ko si papa na nakaupo sa motor ni kuya joel "pa penge pang bentelog"hingi ko sakanya "walang pera natalo sa sakla tangin*an* buhay to" ani niya alam konang ganoon ang kanyang isasambit, pumunta nalamang ako sa computeran nila kuya james para doon manood ng mga naglalaro "kuya james sa PC 1 po ako" rinig ko na sigaw ng isang bata, aapak na sana ako ng hagdan ng may mag salita mula sa harapan "bawal tambay, bawal hinde maglalaro"ani ni kuya james, kaya bumalik ako sa bahay, ayoko na sanang bumalik dahil ang madadatnan kolang don ang wasak na pamilya at walang ka buhay buhay na bahay namin.

Pag pasok ko nakita ko si papa na nasa likod ni mama habang si mama at nakatalikod sakanya, agad akong nagtago sa pintuan at pinakinggan ang mga sasabihin nila "150 lang pamasahe kolang wala ng natira saakin"ani ni papa "diba binigyan na kita ng 200 kahapon tinalo molang wala nakong pera kung ibibigay kopa tong 150 wala kaming uulamin!!"sigaw ni mama "babalik ko agad mag didiskarte lang ako pang ulam naten"ani ni papa "ohhh!!!! Pag kame walang nilamon dito!!!"hinagis ni mama ang 150 at nagdabog, agad na kinuha ni papa ang pera at sinimangutan si mama "kaya nagkakanda malas malas tayo pati pera hinahagis mo!"ani ni papa "ako pa sisihin mo eh kung hinde ka nag bibisyo edi sana may nilalamon tayo ngayon, tingnan moyang anak mo si jonathan nagugutom na wala akong perang pambili pati pang tanghalian inubos mona wala kanang tini--"napatigil si mama ng ihagis ni papa ang takip ng cabinet na ikinagulat ni mama "ang daldal mo!! Babayaran ko naman ang dami mopang satsat tan*in*moka"agad na binuksan ni papa ang pinto kaya agad akong tumakbo papuntang court, nakita ko si papa na nagmotor at umalis papalayo.

Bumalik ako sa bahay at pumasok "Ano san ka nanaman nanggaling ang aga aga gala ka ng gala wala na nga tayong nilalamon wala pang nag lilinis ng bahay!!"ani ni mama agad akong naglinis at umakyat sa taas.

Bumagsak ang katawan ko sa kama at nagumpisang tumulo ang aking luha "lage nalang ba ganitoo!! Napaka daya ng mundo!! Ako lang ba ang dapat makaranas nitoo! Hinde ko naman ginusto na magkaroon ng ganitong buhay pero bakit ko ito nararamdannnnn!!!"yumuko ako sa salitang aking nabigkas "kung pwede lang sanang humiling na yumaman na ako edi sana mayaman na ako ngayon at hinde na kami nag hihirap ng ganito.."kasabay ng aking pagbigkas ay kasabay ng pagtulo ng aking luha "bata lang din ako, batang gustong mabuhay ng masaya at batang maraming pangarap na matupad sa buhay niya..."ani ko at tumulo ulit ang aking luha agad kong pinunasan ang aking luha at niyakap ang aking unan at doon humagikgik ng sunod sunod na iyak, hinde ko alam kung hanggang kailan ang problemang ganito.

IYAK NG BUHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon