Shane point of view
Ginising ako ng maaga ni mama upang ako ay pumasok sa skwelahan "Shane gumising kana kukulo na yung ininit kong tubig pangligo mo"ani ni mama alas kwatro palang kase kaya kailangan maligamgam ang aking ipang ligo, uminat inat muna ako bago bumangon "pag kumulo ilagay mo nalang sa palanggana ha bibili lang ako ng almusal mo"ani ni mama at tumango naman ako.
Ilang minuto pa ay kumulo na ang tubig at inilagay ko na ang init tubig sa palanggana at nilagyan ng malamig na tubig, nang matapos akong maligo mag uuniform nako nang bumukas ang pinto, nadatnan ko si mama at may dalang sopas na naka plastick "oh lagay mo sa pinggan at kumain kana tatalian pa kita"ani ni mama agad akong nag bihis at inilagay na ang sopas sa pinggan at nilagyan ng kanin.
Pagtapos kong kumain ay tinalian nako ni mam.
Time check 5:05 na 5:30 ay umpisa na ng flag ceremony kaya naman pumasok nako nang matapos akong talian, nang makarating ako sa skwelahan ay nadatanan ko ang mga studyanteng magaganda ang pananamit, wala akong kilala niisa dahil bago lang ako sa skwelahan na iyon at unang araw lang den ng pasukan ngayon.
Si tito franko ang nag pasok saken sa skwelahan na ito ang "CORAZON UNIVERSITY" boto kase sakin si tita aniyapa'y masipag daw ako at karapat dapat sa skwelahan na ito.
Hinanap ko agad ang principal office upang tingnan roon kung anong room ako at kung sinong teacher ko.
Napalingon ako ng may tumawag saken na tatlong babae "hey bebe girl, what's your room?"agad akong napalingon at tumingin sa kanila "ahm titingnan ko pa kase eh diko pa alam" ani ko na kumamot kamot sa ulo "ow? Come here, sasamahan kita sa principal office" ani niya at lumiko sa likuan roon, ngunit ang pag kakaalam ko ay hindi roon ang paliko "ahm dito ang alam ko eh kase dito itinuro saken ni tito" ani ko "hahaha meron pang isang principal office at doon nakalagay yung mga section at teacher naten"ani niya at ma matamis na ngiti, agad naman akong ngumiti at sumunod sakanya, nakarating kame sa isang room na nakasara "here, dyan pasok ka diyan andyan si miss principal"ani niya saken, umatras na sila at lumakad binuksan ko ang pinto, nagulat ako nang bumungad saken ang mga lalaking naka hubad at nag eexercise "hey baby girl come in"ani nung isa na pawis na pawis "huh ahhh hinde!!"sigaw ko at isinara ang pinto "hahahahahaha bye bebe girl"sigaw nung babaeng nagturo saken kanina "hayst kainis!"bulong ko sa sarili ko.
Pumunta nako sa room na nakalagay sa principal office, pag pasok ko sa room ay nagtuturo na ang isang teacher, at halos lahat ng kaklase ko ay nakatingin saken na parang artista ako dzuh "miss?"tanong saken ng isang teacher "ahm miss raneses po"ani ko "miss raneses why are you late?"tanong nya ulit "sorry mam"ani ko at yumuko "ok sit down!!"sigaw niya agad akong umupo sa libreng bakante na upuan.
Habang nagtuturo si mam ay parang may nararamdaman kong may kakaiba sa puwetan ko na hinde mapaliwanag, sinubukan kong tumayo para tingnan ito ngunit hinde ako nakatayo dahil nakadikit ang pwet ko sa upuan "ihh"bulong ko at pilit tumatayo pero hinde matayo harsh!! "Hahahaha"rinig kong tawa ng mga lalakeng nasa likuran ko, tingin ko ginawa nila ito kanina habang pinapagalitan ako ni mam, kabago bago ko palang.
Nang matapos na ang lecturer kay mam aimee ay iniisip ko kung paano ako makakatayo sa pisteng upuan na ito kabanas.
Habang nagiisip ay may lumapit saking isang lalaki at nag pakilala "hi i'm angelo your new here?"ani nya mukang ma nonoseblid pako don ah "ahm yes"sinusubukan kong makipag shake hands sakanya pero diko magawa kase nakadikit yung pwet ko sa upuan, gulat ako ng nilapit niya ang muka niya sa muko at pilit pinaliit ang height nya at inilabas ang kanyang kamay upang makipag shakehands, ngumiti ako at nakipag shakehands "i'm shane but you can call me sha for short hehe"ani ko na nahiya hiya pa "nice to meet you sha"ani niya, tinanggal na niya ang kamay niya at bumalik sa pwesto niya nang makaalis siya, ay may naamoy akong kakaiba something... glue.. napansin koding basa ang aking kamay, nakita kong tumatawa ang lalaking nakipagkilala saken, tiningnan ko ng dahan dahan ang aking kamay at tiningnan ito, nadatnan ko na may glue ito at basa eww!! "Ahhhhhhhhh ano bang ginagawa ko sainyo tanggalin nyo na ako sa upuan!!"sigaw ko sakanila pero tumawa lang sila, at nagbabalak pang aalis na sa classroom "bye baby girl"ani nung isa "no! Wait tanggalin nyo muna to wait!!!"sigaw ko pero nakaalis na sila, inintay ko nalang na matapos ang lunchbreak at mag sumbong sa sunod na lecturer.
BINABASA MO ANG
IYAK NG BUHAY
Action"Kelan ba ako bibigyan ng mundo ng kasiyahan" Ayan ang laging tumatakbo sa isipan ni shane, lage nalang kase na malungkot ang kanyang buhay at ang dahilan nito ay pera, sa bawat takbo ng buhay nya ay lagi nalang syang malungkot. Ang pamilya ni shane...