Three

180 4 0
                                    

ATPL: Chapter 3


"Sabi mo hindi mo kilala si Adam?"


Maliit na napangiwi si Reg nang mahina ko siyang hampasin sa balikat. Sumimangot naman ako sa kaniya.


Nasa loob na kami ng room namin. Hinihintay na lamang namin na dumating ang Professor namin sa Graphics 1. Medyo maingay ang iilan sa blockmates kong lalaki na nasa may likod nakaupo. Pinag-uusapan nila ang DOTA. Mukhang galing sila sa compshop na malapit lang sa CEA.


"Hindi ko nga kilala!" aniya, pinindot pa ang ilong ko.


"E, bakit kilala siya ni Rapunzel?"


"Si Rapunzel kilala siya, pero ako hindi. Ako ba si Rapunzel? Diba hindi? Promise! Hindi ko nga alam na blockmate pala niya iyon! Atsaka duh! Si Adam lang ba ang nag-iisang blockmate ni Rapunzel ha?" she arched her right brows.


I pouted and nodded my head, getting her point. Hindi rin naman namin madalas makita ni Regina si Rapunzel dito sa CEA. Dahil na rin siguro ahead ng isang taon sa amin ang pinsan niya. Tapos iba rin ang kurso nila sa amin.


"Pero ang galing," I giggled. "Engineering ang course ni Adam... tapos ako, Architecture. Bagay na bagay. Ano sa tingin mo?"


"Aba, malay ko! Oo siguro," tumawa siya sa'kin.


"Feeling ko, tadhana na talaga naglalapit sa amin. Isipin mo, nakita ko siya sa tawid. Tapos nakita ko siya ulit sa birthday. Tapos nakita ko ulit siya ngayon. What do you think, Reg?" I asked again.


"I think..." she played with her lower lip first, as if thinking. "I think, feeling mo lang?"


Pinanliitan ko siya ng mata bago mahina ulit na hinampas sa balikat. Maliit siyang napangiwi at hinampas din ako.


Naging tahimik lang kami ni Regina nang dumating na ang Professor namin sa Graphics 1. Maganda ang mood ko habang nakikinig sa Prof. Bakit naman hindi? Magandang balita ang nasagap ko ngayong araw.


At the end of our professor's discussion, she told us that we'll be making plates about line exercises sooner. Lalo akong naging excited dahil doon. After that, dinismiss na niya kami for our lunch break.


Sa karinderya malapit sa CEA kami naglunch ni Reg. Maraming customer as usual, dahil lunch break na halos ng lahat. Kaya umalis din kami sa karinderya nang matapos na sa pagkain, para ibigay ang table namin ni Reg sa bagong dating na customer.


"Uwian na ng pinsan ko kanina pa. Kaya hindi mo na makikita 'yun dito," pagsiko sa'kin ni Reg, nang mapansin ang pasimple kong paghahanap sa may hallway.


"Oh? Uwian na pala nila," I frowned a little.


Inalis ko na rin naman agad ang maliit na sumangot. It's fine! Makikita ko pa rin naman siya bukas.


After kami i-dismiss ng last subject namin, dumiretso na kami ni Reg sa Pureza Station. Sa istasyon ng tren din kami nagkahiwalay. Since sa magkaibang platform kami maghihintay ng tren. Train to Recto kasi ang sasakyan niya. Ako naman, Train to Santolan.


"Xy!" I said when my cousin finally answered the call.


"Oh, very obvious na you have good news sa'kin ha," she chuckled.


"Of course! Good news na good news talaga! Guess what? I saw Adam kanina sa PUP! My Gosh! Engineering student!" I bit my lower lip.


"Woah? Engineering? Really? And your course is Architecture..." impit na siyang kinilig sa kabilang linya.


"Diba? Diba? My Gosh! Ang harot ko!" tumawa ako.


Hindi ko alam gaano kami ka-tagal na nag-usap ni Xyriel. Hindi lang din naman umikot kay Adam ang napag-usapan namin. We would usually update each other. Lalo na kapag hindi kami nagkikita. Pero noong malapit na naming ibaba ang tawag, nasama na naman si Adam sa usapan.


"Gaga, matutulog na tayo, may pasok pa tayo bukas," tumatawa-tawa pa rin ako.


"Yieee, makakatulog ka kaya?" she was teasing me.


"Oo naman. Medyo nawawala harot ko kapag gabi. Kaya makakatulog ako," I chuckled.


Kinabukasan, excited akong pumasok. Because why not! It's another day! Another day, means another chance to see Adam! Sana lang magkita kami. Sa dami ba namang ng estudyante sa CEA, baka hindi ko siya makita.


I wore a plain dirty white hanging shirt and high-waisted jeans, paired with my white converse shoes and then my ID. My long wavy hair was still damp, so I didn't tie it. I just let it fall on my shoulder.


Dahil maaga akong umalis ng bahay, maaga rin akong nakarating sa Pureza. Sumakay din kasi ako ng tren. Kaya mabilis lang din ang byahe. At dahil maaga ako, ibig sabihin sabay kaming papasok ni Regina ng CEA.


Muli niya akong hinintay sa labas ng Pureza Station. Magkachat kami noong nasa tren na ako. Kaya nalaman ko na halos magkasunod na tren lamang ang nasakyan namin. Nauna lang 'yung sa kaniya. Kaya nauna siyang nakarating sa Pureza.


Bumili muna kami ng Japanese cake sa may labas ng station, bago kami naglakad na patungo sa CEA. Marami kaming kasabayan ni Regina na naglalakad. Halos estudyante ang mga iyon. Karamihan mga PUPian.


Ang iba sa kanila, mukhang sa Main Campus o di kaya sa College of Communication ang punta. Nag-aabang kasi sila ng tricycle na masasakyan. Ang iba naman, katulad namin ni Regina na naglalakad lang. Nalalakad lang kasi ang CEA mula sa station.


Nakangiti na ako nang matanaw ang CEA. Kahit nang makapasok na kami, hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi ko. Panay din ang pilig ng ulo ko, may kinikilala sa mga nagkalat na estudyante sa may hallway. May mga hawak na pamaypay ang iba.


"Maharot! Ang aga-aga may hinahanap agad?" tukso ni Regina at kinurot ako. "Kaso 'di mo mahahanap 'yun today. Tuesday ngayon. Walang pasok sila Rapunzel."


My mouth formed an 'o' with what she said. Binalingan ko siya agad. Nawala agad ang ngiti ko, napalitan ng simangot. Tumatango-tango si Regina sa'kin.


Sinubukan ko pa ring tignan ang mukha ng mga estudyante. Baka lang naman, pumasok siya para sa'kin kahit wala silang pasok ngayon. Charot. Ano ako, sinusuwerte?


"Bakit hindi mo sinabi sa akin kahapon?" I was frowning.


"Hindi mo naman tinanong," mahina siyang tumawa. "Edi nagmukha akong 'share mo lang' kapag sinabi ko kahit wala namang nagtatanong?"


Oo nga pala! Hindi ko nga tinanong si Regina. Shunga ko naman!


"Bukas nalang, 'te. Papasok din 'yun, 'di lang natin sure kung makikita mo siya," kumindat siya sa'kin. "'Wag ka na malungkot 'te. Makakaharot din tayo."


"Gaga!" hinampas ko siya sa balikat.


May iilan na kaming blockmates ni Regina sa room. Mukhang napaaga ako ng pasok today. Dahil nasa anim pa lang kami sa room namin. Pero ayos lang naman. At least hindi ako late. It's be better to be early than to be late. Ano raw? 


"Baka naman, Reg... penge schedule," siniko ko si Regina.


"Ng?"


"Lah, parang hindi gets," siniko ko siya ulit.


"Schedule ng ano nga?"


"Weh? 'Di mo talaga gets?"


"Kahit hindi ko talaga gets? Schedule ng ano ba?"


"Class schedule ni Rapunzel, ano pa ba?! Parang hindi friends," pabiro akong umirap.


"Ano namang gagawin mo sa class schedule?.... ah," tumango-tango si Reg, mukhang nage-gets ako. "Bakit ha? Liligawan mo? Susunduin mo sa room niya tuwing dismissal nila?"


"Gaga! Hindi no!" I sounded defensive.


"Weh? Sure kang 'di mo liligawan?" she teased.


"Gaga, siya manligaw sa'kin! Bakit ako?" I laughed.


"Bakit ikaw? Kasi 'di niya gagawin," bumelat siya sa'kin.


Agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Mahina siyang humalakhak.


"Oo na, hihingin ko class schedule ni Rapunzel. Ayos na fries at sundae ng Jollibee," umayos siya sa pagkaka-upo.


"Anong fries at sundae? Para saan?" my brows furrowed.


"Suhol malamang! Gaga wala ng free sa panahon na 'to no!"


Napatingin sa amin ang dalawa sa blockmates namin, dahil sa boses ni Regina. Ngumiti ako sa kanila bago ko siniko si Reg. Kaya hininaan na namin ang boses namin. Nagsipagdatingan na rin naman maya-maya ang iilan pa naming blockmates.


We had a lecture for our first subject followed by a seat work. I just had two subjects for that day. After our first sub, lumipat kami ng room for our next subject. And like the first sub, our Professor had a discussion, followed by an assignment that will be passed next meeting.


Hinihintay ko na lamang si Regina na matapos magligpit ng mga gamit niya. Nasa malapit ako sa pintuan at hinihintay siya. Umayos na rin naman ako ng tayo nang makita siyang naglalakad na palapit sa akin. Yakap-yakap niya ang file case niya.


Halos kalalabas palang namin sa room, nang sabay kaming napahinto dahil sa nakasalubong sa hallway. It was Lance, holding a T-square. Napatigil din ito sa paglalakad, he was staring at Regina.


Nilingon ko saglit ang kaibigan, at nakita ko ang malamig niyang tingin kay Lance. She rolled her eyes and walked away. Agad ko namang sinundan si Regina, leaving Lance behind. Noong pasimple kong nilingon si Lance, naabutan ko siyang nakatingin pa rin sa kaibigan ko.


Agad akong kumapit sa braso ni Regina nang maabutan ko na siya. Bakas ang irita sa mukha niya, habang diretso lamang ang tingin.


"Daming epal sa mundo," she murmured.


I pursed my lips, and gave her arm a light squeeze, trying to calm her down. She sighed and shook her head. Nilobo niya ang pisngi at binuga ang hangin, kinakalma niya ang sarili.


"Kainis. Lagi ko nalang nakikita. Abay, 'di tayo makakamove-on nito," she rolled her eyes again.


Pababa na kami ngayon ng hagdan.


"E, syempre parehas kayong nasa CEA. Kaya hindi impossible na hindi kayo magkita," I said.


"Lipat siya school. Siya mag-adjust, total siya naman nagloko," umirap siya ulit.


I bit my lower lip and gave her arm a light squeeze again.


"It takes time. Hindi naman isang araw lang ang pagmomove-on, Reg. One day, you'll get used to seeing him everyday, everywhere, makikita mo siya, pero wala na. Makikita mo nalang, pero maaayos ka na."


"Gusto mo pa ba magkajowa?" she scoffed.


"Basta ba si Adam jowa ko," I joked, to lift her mood up.


"Edi si Adam din mang-iiwan sa'yo, gusto mo 'yun?"


"Hoy, hoy, hoy! Knock on wood 'wag naman sana. Grabe ka! Wala pa nga e," I chuckled.


"Oh diba. Si Lance, gusto ko siya. Gusto ko siya maging jowa and everything noon. Pero si Lance, siya rin ang nanakit sa akin," she said and hugged her file case tightly after a heavy sigh.


"Pero hindi naman lahat, tulad ni Lance," I stated.

Across the Pedestrian Lane (Sintang Paaralan Series # 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon