1: Library

5 3 0
                                    


· —🌙— ·

"Hoy Eunkyung! Bumangon kana dyan... umaga na at may klase pa kayo." wika ni Mama Odi sa likod ng pinto ng kuwarto ko.

Agad naman akong bumangon at nag-asikaso sa mga dapat kong gawin. Ito ang unang klase namin sa bagong school year sa Luciana National Highschool. May kaya kami at sapat lamang ang kinikita ni Mama Odi sa shop nya para buhayin kami ng kapatid kong sina Jiyoo at Riyo.

A

ko ang panganay kaya medyo kailanang ko ring kumita para makatulong kay Mama Odi. Kahit na sampid ako sa pamilyang ito hindi nila ako tinatrato na iba at parang hampaslupa. Mabait si Mama Odi at masipag. Kahit patay na si Papa Rey ay nakakayanan nya.

Isang taon na lang sa highschool ang tatapusin ko at sa susunod na taon na iyon. Ngayon ay nasa third year pa ako kaya tiis tiis.

"Anak, Eunkyung... bilisan mo at kakain na tayo ng agahan."

"Opo Mama Odi! Saglit na lang po!" sigaw ko mula sa loob ng kwartong ito habang nagbibihis ng uniporme.

Tumingin ako sa whole body mirror para pagmasdan ang itsura ko kung may dumi o kung ano ba. Nag apply ako ng pulbo at liptint lang saka inayos ng konti ang bangs ko.

Sabi ni Mama Odi mukha daw akong prinsesa. Hindi naman ako naniniwala dahil mukha namang hindi.

Kinuha ko ang bag ko saka bumaba sa kusina para mag-agahan. "Anak, ikaw muna ang maghatid kay Riyo kila Auntie Mae mo. May mga dumating ng mga order sa shop kaya mauuna na kami ni Jiyoo."

Tumango naman ako at ngumiti. Nagmamadaling inayos ni Mama ang buhok nya kaya inasikaso ko muna ang pagkain namin.

"Ako na po ang bahala, ito po yung baon nyong agahan ma... mukhang nagmamadali kayo kaya doon na kayo kumain sa shop. Sige po, at mukhang dadagsa ang mga costumer nyo."

"Oh sige... Ang kapatid mo ha."

"Opo."

Nang makaalis na sila Mama at si Jiyoo ay bumalik ako sa kusina para pakainin si Riyo.

"Oh... Riyo, huwag kang magpapasaway kay Auntie Mae ha... Bibilhan kita ng pasalubong." wika ko at ngumiti sa kanya habang pinapanood ko siyang kumain. Ang cute nya lang kasi. Medyo gumagaling na syang humawak ng kutsara at tinidor.

Nagliwanag ang mukha nya dahil sa sinabi ko. "Talaga po? Promishe magpapakabait po ako kay Ontie Mae."

Napangiti ako dahil sa kacute-an nya. Bulol pa kasi sya at minsan lang din sya makipag-usap. Feeling snober to pag laki. Parehas nung mga nababasa ko sa mga libro na binibigay at binibili ni Mama Odi para sa akin.

Huwehehehe.

· —🌙— ·

Naihatid ko na si Riyo sa bahay nila Auntie Mae. Malapit lang rin ang bahay nila sa school kaya nilalakad ko na lang.

Nang makapasok sa school ay agad akong pumunta sa bulletin board kung saan makikita ang section at room ko.

Maraming estudyante ang nagsisiksikan kaya hindi na lang akong nakigulo. Inisa-isa ko na lang ang classrooms dahil may nakalagay naman ng list ng mga estudyante at kung anong section.

Silverlight Academy: School of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon