4: Chingu

3 1 0
                                    

· —🌙— ·

"Done drooling at me?" malamig niyang wika habang nakatingin pa rin sa libro niya.

Jusko, kailan po ba ako nag-drool?

Inoobserbahan ko lang kung ano ang suot niya, drool na agad.

Like the other girls said in their POVs...

LUPA KAININ MO NA AKO, NOW NA PLEASE!

Kumunot ang noo ko, kunwari hindi siya ang tinitignan ko. Nilingon niya ako saka tumingin sa mga mata ko.

Well, I'm a good liar. Pero minsan lang ako nagsinungaling.

"Excuse me? Drooling at you? I'm not like your fangirls. Look oh." wika ko sabay lingon sa mga fangirls niya sa kabilang desk. Napaiwas ng tingin ang mga chismosa.

Hindi siya umimik. Kinuha ko ang mga gamit ko saka tumayo. "Assuming." bulong ko.

Sumunod si Jinyeon sa akin dala ang mga libro. Kinuha ko yung papel na hawak niya para di sya mahirapan sa pagbubuhat.

"Saan ka?" tanong nito.

"Going at my dorm. Doon na lang ako magrereview since pinayagan naman kami ni headmistress na magreview this time lang. Kaya tatapusin ko muna ang reviewer para makahabol ako sa klase bukas."

Tumango siya. Nilabas niya ang wand niya saka ikinumpas iyon. Naglulutangan na ang mga librong kanina ay hawak nya. Grabe, ibang klase ang mga bagay dito.

This isn't called Magic World for nothing.

Where anything is possible.

Hindi pa rin ako makapaniwala na wizard ako. Isang apprentice. Pero alam kong hindi ito magiging madali. Hindi mapapadali ng mahika ang lahat ng bagay. Pero kung pwede man ay siguradong may kapalit. Maaaring buhay mo o ang kamatayan ng iba.

Nang makarating na kami sa dorm at pinalagay ko na lang kay Jinyeon ang mga libro sa study table.

"Uh, i gotta go na." wika niya. May klase pa kasi dapat ako ngayon pero pinagreview kaming anim kaya excuse kami.

"Uh... Jinyeon. Thanks for helping me. Don't worry I will treat you tomorrow! Sama ka sa amin ni Myunghee."

Tumango siya sa ngumiti sa akin. He waved and bid a goodbye. Isinara ko ang pinto saka bumalik sa kama. Hinubad ko ang blazer. Ang natitira na lang ay ang longsleeve, necktie at ang mini-skirt ko. Naka-white rubber shoes pa rin ako.

Napabuntong hininga ako. Mabuti na lang at mabilis na natapos ni Jinyeon ang iba. Tatlong libro na lang ang kailangan kong ihighlight para matapos ang reviewer ko.

Makaraan ang isang oras, natapos ko rin ang napakakapal na libro ng Croissantres. Napahilamos ako sa mukha.

Buti na lang!!! Tapos na ako!

Ang dalawang libro na lang ang gagawin ko bukas. Sa ngayon babasahin ko muna ang isang libro ngayon. Napagdesisyonan ko na bumalik sa classroom kaya lumabas na ako ng dorm at nilock iyon. Dala ang bag at libro. Di na ako nagblazer dahil medyo mainit ang klima.

Pagpasok ko sa room, napatingin na naman sila sa akin. Ano bang issue nila't bakit sila tingin ng tingin sa akin?

Si Myunghee ay nakaupo sa tabi ng upuan ko. Walang prof kaya pumasok na ako. Ako na lang pala at si Kangdae ang wala. "Eunkyung! Wait! Sabay tayo pumasok!!" sigaw ni Kangdae mula sa pasilyo. Papasok palang ako pero sumigaw na siya. Tumatabo siya papalapit sa akin.

Silverlight Academy: School of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon