5: Side dish

2 1 0
                                    


· —🌙— ·

"Yah!, Eunkyung!"

Napabitaw ako sa pagkahawak kay Myunghee, at na-out of balance ako. I fell into the ground... hindi pala kay Jihoon.

Bakit kaya ganoon, ang ganda ng mata niya... Malambot na buhok. Mala-kpop star ang dating niya. Bagay na bagay sa kanya ang uniform niya. Hindi ko alam kung bakit ito ang iniisip ko ngayon. He has perfect face.

Wait, what?

Bakit siya nakahawak sa kamay at bewang ko? Bakit nakadapa ako tapos siya nakahiga sa sahig? Bakit kami nandito?

Napailing ako saka bumalik sa huwisyo.

Nagulat ako kaya agad akong bumitaw sa yakap niya. Nakahiga siya sa sahig. Bakit kasi siya nanghihila? Hay! Jusko! Tumayo ako at pinagpag ang damit ko.

Napahilamos ako sa mukha at saka huminga ng malalim.

"Eunkyung-ah, gwaenchana?" wika ni Myunghee saka hinawakan ang balikat ko.

"Gwaenchanayo..."

Tumayo na si Jihoon mula sa pagkakahiga sa sahig. "Mian..." he coldly said pagkatapos niyang tumayo habang pinapagpagan ang uniform niya. "Bakit?" tanong ko sa kanya, nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Ba't mo ko tinawag?"

"Ahh... dinner mamayang 7:30." he only said and walk away.

Ay? Akala ko naman kung ano. Alam ko naman na 7:30 ang dinner, bakit kailangan niya pang ipaalala? I sighed deeply.

Nang tuluyan ng umalis si Jihoon, napabuga ng hangin si Myunghee... Saka ngumisi haabng nakaharap sa papaalis na si Jihoon. "Alam mo namang 7:30 ang dinner, bakit kailangang sabihin pa? Anong nakain non?" biglang wika ni Myunghee saka nagkibit balikat.

Niyaya ko na lang siya na pumunta sa dorm. Habang naglalakad ay nag-uusap kami ng mga bagay-bagay. Naghahanap daw siya ng boylet, yung mala-Cha Eun Woo daw ang datingan, marunong magjiujitsu tapos matalino daw tapos gwapo, cold-hearted man. Jusko, baka mamaya umiyak siya nang dahil doon.

Mag-aalala ako kapag nangyari iyon. Ayaw ko siyang masaktan, emotionally. Dahil kaibigan ko siya. Siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan. Well, first girl best friend. Kangdae, as my boy best friend. Tapos may dumagdag pa si Shiyo tsaka Jieun. Masaya.

Pumasok na kami sa dorm at nagkanya-kanya ng gawain. Nanood lang siya ng kdrama. Ako naman nagbabasa lang ng libro sa kama habang hinihintay ang dinner. It's already 6 pm. Maya-maya ay umingay ang labas. Rinig dito sa loob ng dorm ang ingay. Mukhang nasa  tapat lang namin. Puro lalaki ata dahil wala namang babae na boses ang maririnig.

Biglang may kumatok saka tumahimik ang tapat ng pinto. Tanging katok lang ang maririnig. Tumayo ako dahil abala siya si Myunghee sa panonood ng asawa daw niya.

Seriously?

Pinihit ko ang doorknob saka hinila ang pinto. Tumambad sa aking harapan ang tatlong lalaki. Si Ujin sa gitna na nakangiti at kumakaway sa akin. Si Yongrae sa kaliwa na seryoso lang ang tingin sa kung saan ganoon din si Jihoon na nasa kanan.

"What... are you doing here?" gulat kong tanong.

"Ahh... sabay na tayong kumain sa cafeteria?" masayang sambit niy Ujin. Halata sa kanya na excited siya. Wala ba siyang naging kaibigan dito, at bakit niya kami kinukulit?

Silverlight Academy: School of WizardsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon