[untitled]

8 2 0
                                    

Samantha Avery. 17, Gr. 11 student. Consistent honor student. Cheerful. That's how people know me.

But they're wrong, I'm different. VERY DIFFERENT.
----------
Gr. 1: "Uy Shairah! Laro tayo!" aya ko kay Shaira, kaklase ko. "Sorry Avery ha? May kalaro na kasi ako e." pag-iwas nya sakin. Ngumiti na lang ako ng pilit sa kanya.
----------
Gr. 6: "H-hi Gian, c-crush kita" pagcoconfess ko sa crush ko. "Hahahahaha! Wag mo nga akong patawanin Avery! Sa taba mong yan crush mo ko? Sa tingin mo ba gusto din kita?! Hahahaha! Tulungan mo na lang ako dito sa Math." mahabang litanya niya, mapait akong napangiti. 'Oo nga pala, mataba ako kaya hindi mo 'ko gusto.'
----------
Masakit man, ay linili ko na lamang na magtago, walang kinakausap, walang kaibigan. Walang kahit na ano. Pangiti-ngiti lang, pagkatapos ay magtatago at iiyak.
----------
Napatigil ako sa pag-iisip ng tawagin ako ng bestfriend kong si Stevan. "Averyyy! Halika! Kain tayo sa labas!" masayang aya niya sakin. "Sorry 'Van, pero may gagawin pa 'ko e." pag-iwas ko sa kanya, binitbit ko ang aking gamit at akmang lalabas na ng room namin ng bigla niya akong yakapin at hilahin papunta sa lockers' area.

Napapikit ako ng tumama ang likod ko sa locker niya, ng dapat ay aalis na ako, agad niya akong ikinulong sa bisig niya. Ni-corner niya ako sa locker niya. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko ang pamumula ng buo kong mukha. "Bakit ba iniiwasan mo na naman ako? Haa? Nagseselos ka kay Shaira no?" pang-aasar na naman niya sakin 'oo, nagseselos ako, selos na selos na ako.' bulong ko sa aking isip. "H-hindi ah! May gagawin lang talaga ako sa bahay! M-may inutos sakin si..." pag-iisip ko ng dahilan, "...si Mama! Oo may inutos sakin si mama kaya uuwi na 'ko! U-umalis ka nga sa dadaanan ko!" Pagtulak ko sa kanya palayo.

Unti-unting tumulo ang luha mula sa mga mata ko. Agad akong umuwi at tumakbo papunta sa favorite place ko, ang rooftop sa condo na tinutuluyan namin ni 'Van. "Gusto kita Stevan, gustong-gusto- ay mali. Mahal na ata kita." malakas na sigaw ko habang umiiyak. "Bakit ba kasi si Shaira yung gusto mooo!!" "Bakit siya na lang lagi?!" "Bakit ba kasi ang taba-taba koooo?!" "Bakit kahit anong gawin ko, hindi ako makapagpapayat! Bakeeeeettttt?!" humahagulgol na sigaw ko, agad kong kinapa ang bag ko sa aking tabi. W-wala! Yung inhaler ko nandon! Hinihingal na 'ko. Nanghihina na rin, oo may hika ako.

Tumakbo muli ako papunta sa hagdan at dali-daling bumaba kahit na nanghihina, kailangan ko yung inhaler ko! Ng hindi ko mamataan ang bag ko, sa kwarto ko. Naghanap agad ako sa labas, ngunit wala. Nagpunta ako sa pinakamalapit na clinic dito samin at bumili ng inhaler.

Sa wakas ay nakahinga ako ng maayos.

Pabalik na ako sa aking kwarto ng may mga sticky notes akong namataan sa daan.

'Avery, sana basahin mo.' 'Ang ganda mo ngayon.' 'Ang cute mo sa uniform mo Hahahaha!' 'Nasa kwarto ko ang bag mo, naiwan mo sa may locker kanina.' Pagbasa ko sa mga sticky notes na naka dikit sa pader, hindi ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng aking kwarto.

Sino naman kaya ito? Wala naman akong kilala na ganto ang sulat, dahil pati sulat ni Van ay kabisado ko. Nakapagtataka.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto 'bakit naman sobrang dilim dito?' tanong ko sa aking sarili. Kinapa ko ang switch. Pagkabukas ng ilaw ay tumambad sakin si- Stevan?! Waaaahhhh! Naka-white long sleeves polo, nakabukas ang tatlong butones, na nagpapakita sa dibdib niyang sobrang matipuno. Pati ang abs niya ay nakabakat din. Nakablack fitted pants na nagpabakat sa ano niya. Pakiramdam ko ay namula ako sa nakita, napaiwas agad ako at napatingin sa gwapo niyang mukha.

Mula sa hindi kakapalang kilay, magaganda at mapupungay na mga mata, makakapal at mahahabang pilik-mata, matangos na ilong. Mamula-mulang mga pisngi. At ang huli, ang kaniyang manipis at mapulang labi. Hindi ko alam na napatitig ako doon.

Nagulat ako ng makitang nasa harapan ko na siya, nakangisi habang hawak ang bewang ko. Wait what?! Pano siya nakarating sa harap ko? At lalong ano ang ginagawa niya dito?

"A-anong ginagawa mo d-dito sa kwarto k-ko?!" uutal-utal na sigaw ko sa kanya. Lalong lumawak ang ngisi niya, nagmumukha na siyang aso. "Gustong-gusto pala ha? Ay mali, mahal pala, hmmm." Nag-init ang buong mukha ko. N-narinig niya yon?! Naitulak ko siya dahil sa gulat, na siyang nagpatumba sa kaniya sa higaan. Ngunit ay nahawakan niya ang kanang kamay ko at nahila, ang nangyari ay nakahiga siya habang ako'y nakapatong.

Lalo akong nagulat ng pagpalitin niya ang pwesto namin, nasa ibabaw ko na siya ngayon. Sobrang lapit na rin ng mga mukha namin. Nakapatong na siya sakin, WAAAAAAAHHHHH! Katapusan ko na baa!?

Napatitig ako sa mapupulang labi niya, nakakapang-akit. Unti-unti ay naramdaman ko ang napakalambot niyang labi sa akin. Napapikit ako ng dahil doon. Pinaghiwalay niya ang mga labi namin "mahal din kita Avery. Mahal na mahal."

At muli ay naramdaman ko ang labi niya sa'kin ngunit hindi sa labi ko, kundi sa noo ko. Pinupugpog niya ng halik ang noo, pisngi at baba ko. Ngunit wala pang tatlong minuto ay bumaba ang labi niya sa leeg ko. Napasabunot ako sa kaniya. Upang ilayo ang mukha niya ngunit nakapanghihina ang mga halik na iyon.

"Van!" halos napasigaw ako ng punitin niya ang suot kong blouse. Agad kong iniyakap ang aking mga braso sa aking katawan.

"Sabi mo mataba ka? E bakit ang sexy ng nakikita kong babae sa harap ko?" nakangiting tanong niya sa'kin. Kinumutan niya ako pagkatapos sabihin iyon. "V-van, tigilan mo na 'to.  Kung naawa ka sakin, itigil mo na, alam kong gusto mo si Sh---" naputol ang aking sasabihin ng muli niya akong halikan, halik na walang kasin-tamis, ramdam ang pagmamahal. "Ngayon sabihin mong iyong ting-ting na iyon ang mahal ko.," at saka siya umalis sa ibabaw ko, at ikinuha ako ng damit. "Maligo ka na babe, aalis tayo, ipapakita ko sa'yo kung sinong mahal ko." T-tinawag niya ba akong babe? Waaaaaaaaahhh!

Naligo na ako at agad na nagbihis ng dress na ibinigay niya.

Nang makauwi kami galing sa park ay inakap niya akong muli, "pwede bang ganto tayo buong buhay ko?" napahagikgik ako sa sinabi niya, "hindi iyon pwede dahil mahihirapan akong kumain kung nakaakap ka lagi sakin." biro ko sa kaniya "HAHAHAHAHAHAHA" sabay naming tawa. Inihatid ko siya sa kanyang kwarto na, nasa tapat lang ng akin. Tinawagan niya pa ako bago matulog.

[This really short piece just proves that, even what you look and how you dress, still someone will love you unconditionally. So, be who you are, be yourself]

ONE-SHOT STORIESWhere stories live. Discover now