4 : friend or enemy

597 36 0
                                    


typos and errors ahead...

no edit...

jazilynn kaye's pov.

tahimik lang akong nakikinig sa professor namin habang nagtuturo sya sa harap.

alangan naman sa likod tanga lang...

so ayun na nga kanina pa ako naiinis sankatabi kong to. paulit - ulit akong sinusundot sa tagiliran ko kaya't hindi ko mapakali sa inu upuan ko.

putcha pag ako nainis dito clinic ang bagsak nito...

salubong ang kilay kong sumusulat ng mga notes na pinapasulat sa amin ni professor m. next month na daw kasi ang exam namin kaya't heto ako nagsusumikap na huwag bumagsak.

at kanina pa rin ako nangigigil sa punyeta kong katabi.

"jeizer stop that!" dinig kong suway sa kanya.

so jeizer pala ang pangalan ng maligno kong katabi.

halaaa hindi rude ang pagtawag ko sakanya ng maligno ahh...

baka magalit kayo sakin...

tinapunan ko naman ng palihim na tingin ang katabi ko at nakita kong naka nguso na sya ngayon habang nilalaro ang mga daliri nya.

muntikan pa akong humagalpak ng tawa kasi sa itsura nya para syang tuta na pinagalitan ng amo. pero buti na lang napigilan ko.

*kriiiiiiiiinnnggggg* ( lunch break )

pagring ng bell ay agad na nagpaunahan ang mga baliw sa pagtakbo palabas. para naman mauubusan sila ng pagkain.

hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko. dahil hindi ko pa alam ang pasikot-sikot dito at mas lalong hindi ko alam kung nasaan ang cafeteria at—hehe may isa pang at, at hindi ko rin alam kung nasan si kuya yuwence dito huhuhu.

gutom na yung alaga ko...

konti lang naman kasi ang nakain kong agahan kanina dahil. sumubra yung exitement kong pumasok dito.

"jei, let's go.." aya nung lalaking sumuway kay jeizer kanina.

hindi ko pa kasi alam ang pangalan nila. yung pangalan palang ng malignong jeizer ang alam ko na nadinig ko lang rin.

"mauna kana jace..." sambit ni jeizer at—putang*na. tumingin saakin.

tinaasan ko lang ito nang kilay. napailing naman ito saka ngumiti habang papalapit saakin.

problema nito?...

"sama kana saamin."nabigla naman ako sa sinabi nya.

pero nanatili akong nakatitig sa kanyang panget na mukha.

mwehehehe...

"alam kong gwapo ako kaya huwag mong masyadong ipahalata.." maslalo namang sumama ang mukha ko sa pinagsasabi nya."isa pa syempre baguhan ka palang kaya't alam kong hindi mo pa alam kung na san ang cafeteria dito.." nakangiti nyang dagdag.

akmang magsasalita ako ng may biglang sumingit.

"he's right.. sumama ka nalang ng maka kain  tayo.." masungit nitong sabi.

kain lang walang tayo...

hindi na ako nakipagsagutan at kusa na lang tumayo at sumama sa kanila.

hindi man alam ngunit biglang napadapo tingin ko sa likorang bahagi. at doin ko napagtanto na may natira pa akong kaklase dito.

akala ko kasi kaming tatlo na lang talaga ang natitira dito.

The Only Girl Of Section FireWhere stories live. Discover now