Chapter 1
Naranasan mo na bang magmahal at mag paubaya?
Naranasan mo na bang magmahal kahit alam mong hindi ka niya kayang mahalin pabalik?
Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na napaka-imposibleng maging sa 'yo?
'Yong ang lapit-lapit niya pero ang hirap-hirap niyang abutin.
Kasi ako, oo... nararanasan ko ang mga 'yan ngayon.
Masakit magmahal ng isang tao na hindi kayang ibalik iyong pagmamahal na binibigay mo. Pero siguro nga kasama iyon sa konsepto ng 'pagmamahal'. Ang piliin na magmahal kahit hindi ka mahalin pabalik. Ang piliin na magmahal kahit masakit.
Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na, "Sige, Joy. Mahalin mo siya. Kung hindi ka mahalin pabalik, okay lang. Kung mahalin ka naman, congrats! May lovelife ka na!" Saka ako tatawa habang umiiyak kasi... kasi masakit talaga, eh.
"Joooooy!"
Napahid ko ang luha ko at agad na tinakluban ang journal ko nang makarinig ng sunod sunod na katok sa pinto ng kwarto ko. Napaka lalaking tao ni Oliver pero napaka eskandaloso. Grabe makakatok! Pakiramdam ko masisira 'yong pinto ko e.
"Tara na! Naghihintay na sila Jeia!"
Dali dali kong inayos ang damit ko at nag retouch ng make up. Kinuha ko rin 'yong bag ko, may sleepover kasi kami ngayon kina Jeia dahil birthday niya.
"Oh, Oliver, ikaw mag-uuwi sa anak ko, ha! Ikaw ang sumundo. Ingatan mo ang prinsesa ko." Bilin ni Mama saka binigyan ako ng nakakalokong ngiti na sinimangutan ko lang.
"Yes naman, Tita!" Sumaludo si Oliver saka bumeso kay Mama. "Prinsesa ba 'yang mukhang 'yan? Mukhang shokoy."
Inabot ko si Oli para batukan pero agad siyang naka-iwas saka tatawa-tawang naunang umalis.
"Shokoy, ikaw mukhang shokoy!" pahabol kong sigaw para marinig niya. "Ma naman," panimula ko nang magpapaalam na sa kaniya.
"Ikaw naman, bata ka, may girlfriend iyang si Oliver," bulong niya.
"Ma, alam ko naman. H'wag mo nga akong inaano diyan." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Dudukutin ko 'yang mata mo." Napairap ako lalo. "O siya, sige na at baka naghihimutok na ang mga kaibigan niyo roon. O heto, pakisabi kay Jeialyn happy birthday, ha!" Inabot sa 'kin ni mama 'yong niluto niyang lumpiang shanghai, pa-birthday niya raw. Tumango ako kay mama saka lumabas ng bahay.
Highschool pa lang kami may gusto na ako kay Oliver. Highschool pa lang kami tiklop na ako. Hindi ko kayang sabihin 'yong nararamdaman ko kasi ayaw kong masira 'yong pagkakaibigan na mayroon kami. Ayaw kong sirain 'yong matibay na samahan naming dalawa, solid kami nito, e.
Masaya na ako na nakakausap ko siya, nakakasama. Masaya akong kahit sa maliliit na bagay, napaparamdam kong mahal ko siya nang higit pa sa kaibigan.
Sobra naman kasi sa pagka-manhid ang lalaking 'to! Alam na ng buong barkadahan namin na may gusto ako sa kaniya pero parang wala lang sa kaniya. Gano'n siguro talaga pag walang pagtingin sa'yo, ano? Hindi talaga niya makikita ang halaga mo kasi iba 'yong mahal.
Hindi ako 'yong mahal.
Hindi niya ako kayang mahalin pabalik kasi may girlfriend siya e. Olats ang Ate mo Joy.
Hindi ko rin alam kung paano nangyari 'yon. Nagulat na lang rin kaming mga barkada niya nang isang araw may ipinakilala siya sa'min na babae at 'girlfriend' niya raw.
Dapat matatapos ng masaya 'yong gabi na 'yon e. Siguro sila masaya. Pero ako? Umuwi akong luhaan. Umuwi akong talo at nasasaktan. Isang araw akong absent noon at ayaw magpakita sa mga tao tapos nang sumunod na araw ay pumasok ako sa school na parang walang nangyari... na parang hindi ako nasaktan.
BINABASA MO ANG
A Walk With Joy
ChickLitTrilogy # 1 Joy is in love with her best friend, Oliver, ever since their high school days. Nine years have passed, but not once did he reciprocate Joy's love.