A Walk With Joy

226 13 15
                                    

Thank you in advance for making it up until this point! Imma cry,,, jk haha.

Epilogue

Five years later...

"Good day, Joy." Pumasok ako sa office ng boss ko nang ipatawag ako. "I believe that you're from the Philippines."

"Yes, ma'am." I nodded.

Sa limang taon kong nagtatrabaho rito sa Canada, na-earn ko na ang respect ng mga co-workers ko rito sa company. Hindi madali. Hindi madali kasi kailangan kong makipagsabayan sa kanila, sa standards nila, sa way of living nila. I got cultured shock, sobrang laki ng adjustments ko noong mga unang taon.

Luckily, I got my promotion last year as the marketing coordinator.

The past five years feels like yesterday. Para siyang momentum na nangyayari sa harap ko. Mahirap 'yong proseso para makarating ako sa kung nasaan man ako ngayon, ang dami kong iniyak at may mga pagkakataon na gusto ko na lang sumuko. Ilang beses kong ginustong umuwi sa Pilipinas.

But I guess it all made sense. Lahat ng pagsasakripisyo ko, lahat ng mga luhang iniyak ko, lahat ng sakit na tiniis ko.

"I have to send you back to your country." Nagugulat akong napatingin sa boss ko.

"For what reason?" Kalmado kong tanong kahit talbugan na 'yong puso ko.

"As the marketing coordinator, you need to attend the conference that will be held in the Philippines. I'll email you the details."

Umuwi ako sa bahay ng pagod ang katawan, pagod ang isip. Bakit kailangan ko pang bumalik doon?

Isinabit ko ang winter cap at jacket ko sa rack malapit sa pinto. Tinanggal ko ang boots ko at sumalampak ako sa sofa-- naiiyak. Kung may isang bagay na hindi nababago sa'kin, 'yon ang pagiging iyakin ko.

Kinalma ko ang sarili ko dahil kailangan kong mag-isip. Tinignan ko ang email sa phone ko at nakita ang details para sa conference.

International conference siya na magaganap sa Manila. Hindi ko alam kung ma-swerte ba ako na ako ang representative ng company namin o hindi. Kasi kung ako lang? Ayaw ko ng bumalik ro'n.

It's a one-week conference at sila na ang bahala sa lahat ng accomodations ko. Kailangan lang nila ang confirmation ko para maibili nila ako ng plane ticket.

Agad kong tinawagan si Kurt para sabihin 'yon dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako. Isa pa, ayaw kong maiwan mag-isa si mama.

"You'll go here for a one week conference?" tanong niya sa kabilang linya, husky pa ang voice niya. Halatang nagising sa tawag ko.

"Yup. Hindi ko alam kung tatanggapin ko."

"What's holding you back? Come home."

"Parang timang naman 'to."

Narinig ko siyang natawa. "Kidding. Whatever your decision is, just tell me. You know I always got your back."

Matagal kong pinag-isipan ang tungkol sa conference sa Manila. My boss even offered me incentives just to convince me. Kinausap ko rin si Mama tungkol do'n.

"Nak, nakakapunta ka nga ng Korea para sa mga business trips mo ng hindi ako kasama. Iyan pa kaya? Saka okay lang ako rito."

Huminga ako ng malalim bago nag-email sa boss ko na pumapayag na ako. Ano ba naman ang one week, hindi ba? Saka madadagdagan din ang knowledge ko about sa field na pinasok ko.

Itinaas ko ang shades habang naglalakad, hawak ang phone ko sa kaliwang kamay at isang maleta sa kanan. "Hello? Nasa arrival na ko, nasa'n-"

"I'm here." Napatingin ako sa gilid nang marinig ang sobrang pamilyar na boses ni Kurt. Nakangiti akong lumapit sa kaniya. Kinuha niya ang mga gamit ko at saka kami naglakad papunta sa kotse niya.

A Walk With JoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon