Chapter 5
"'Uy, Kurt, salamat ha," paalam ko nang makababa sa kotse. Hinatid niya talaga ako sa tapat ng bahay namin. Buti medyo tumila na 'yong ulan.
"No, problem." Nag salute pa siya kaya natawa ako.
"Hindi ka ba papasok muna? Gusto mo bang dito na mag dinner?" alok ko sa kaniya dahil gabi na rin naman.
Tuloy-tuloy siyang umiling. "Hindi na, I'll go ahead. Thank you for inviting."
"Hala, hindi nga? Sure ka?" tanong ko kasi nakakahiya naman. Ako na nga 'tong nakisabay, ano ba naman 'yong dinner, 'di ba?
"Yeah. Have a good night, Joy." Ngumiti siya ng pagkatamis-tamis bago nag-maniobra.
Huminga ako ng malalim saka tinanaw ang pag-alis ni Kurt. Naalala ko tuloy 'yong sinabi niya kanina.
"Maybe... maybe I have a crush on you."
Natawa ako sabay napailing, lakas mantrip no'n!
Nang makapasok sa loob ay naroon si mama habang naghahanda ng hapunan, humalik ako sa pisngi niya. Pansin ko ang pangiti-ngiti niya habang kumakain.
"Anong meron, Ma? Bakit mukhang masaya ka po?" tanong ko. Umangat siya ng tingin sa'kin at ngumiti.
"Umamin ka nga anak, sino 'yong naghatid sa'yo? Boyfriend mo?"
Natigilan ako sa tanong niya dahil mukhang hinihintay niya lang akong magsalita. Sa tono ng boses niya ay parang kanina niya pa iyon gustong itanong.
"Luh, Mama?" hindi makapaniwalang anas ko saka nagpatuloy sa pagkain. "Okay ka lang?"
"Eh 'di ano pala? Manliligaw mo? Bakit hindi mo pinapasok? Sana pinakilala mo sa'kin," sambit niya nang may nakakalokong tono.
"Hinatid lang ako galing company. Intern din siya roon, umuulan kanina e mabait na tao kaya ayon, nag-offer sa'kin. Ka-blockmate ko."
"Sus! Blockmate, blockmate," hindi naniniwalang tugon niya. "Pinalusot ko na rin 'yan dati sa lola mo."
Ewan ko rito kay mama, kung ano-anong sinasabi. Pakiramdam ko nga gusto niya na akong makahanap ng iba para makalimutan ko na talaga 'yong nararamdaman ko para kay Oli. Alam ko nahihirapan na rin si mama sa sitwasyon ko pero gaya nga ng sabi ko, okay lang at masaya naman ako. 'Yon ang mahalaga.
Matapos kumain ay naligo ako bago humiga sa kama.
Hayyy! Nakakapagod!
Napansin kong mas naging busy nga ako nitong first quarter ng sem namin dahil bukod sa nagsisimula na ako sa internship ko ay marami pa ring pinapapasa sa ibang subjects. Siyempre, ganap ko every morning ay ang maghabol sa prof para magpasa ng deadline. Feeling ko naman nabawasan na 'yong pagiging procrastinator ko this past few days dahil grabe naman talaga ang fourth year! It's either you make it or you break it, kaloka!
Matutulog na sana ako nang tumunog 'yong cellphone ko. Excited ko itong binuksan, malay ko ba kung si Oliver pala 'to!
From: +63990248782
Just got home. Good night, Joy.
-Kurt :)Napakunot ang noo ko, wala naman akong maalala na binigay ko sa kaniya 'yong number ko. Hala siya! Stalker ba 'tong si Kurt?! Jusko.
To: Kurt
Good night, Kurt. Salamat ulit ;P
Dahan-dahan akong napangiti, cute talaga no'n! Naipadyak ko ang paa ko.
May bago yata akong crush.
Char.
Oliver pa rin.
BINABASA MO ANG
A Walk With Joy
ChickLitTrilogy # 1 Joy is in love with her best friend, Oliver, ever since their high school days. Nine years have passed, but not once did he reciprocate Joy's love.