Claim
"Hi architect, good morning!" bati ni Ivan pag pasok ko palang sa Firm.
"Uh. Hi, morning." Medyo gulat kong bati kay Ivan. Ivan just smiled at me and walked away. Wow ang saya niya, sana everyone. Buntong hininga akong nag patuloy sa paglalakad.
Ang aga aga nalipad ang utak ko habang naglalakad sa hallway ng Firm. I'm so sleepy. Hindi ako gaanong nakatulog kahapon, masyadong ganado ang utak ko sa pagiisip ng mga walang kwentang bagay kagabi. Inabot pa ako ng madaling araw sa pagiisip hanggang sa napagod din siya.
Bago ako dumiretso sa upuan ko ay pumunta muna ako sa cafeteria para bumili ng kape. Kape nalang ang pagasa ko para hindi ko tulugan lahat ng gawain ko.
After buying a coffee, my eyes roamed around the cafeteria. I saw Dina miserably seating alone in one of the vacant tables beside the window. Naglakad ako papalapit sa kanya, at kahit papalapit na ako ay parang wala siyang nakikita.
"Mukhang may kasama akong maging lutang ngayong umaga a." Bulong bulong ko sa sarili bago umupo sa harap ni Dina. Dina glanced at me with a dagger look. Napaigtad naman ako sa sama ng tingin niya
What the fuck did I do? Kararating ko lang a.
"Uhm...What's up?" Dahan dahan at hindi siguradong tanong ko sa kanya. Mahirap na baka bigla ako nitong sapakin e, hindi naman malabong isipin dahil mukhang ganun siya ka badtrip na kaya niyang manapak.
Bumuntong hininga na lang siya at yumuko habang sinasabutan ang sarili.
Luh, Baliw.
Tinitigan ko lang siya habang naweweirduhan sa ginagawa niya. I put my coffee down and crossed my arms at my chest, patiently waiting for Dina to finish torturing herself so I can ask.
Tumagal ng ilang minuto ang pag sabunot niya sa sarili niya hanggang sa tumingin siya sakin na parang may ginawa siyang kasisisi. She looked like she had done something so regretful.
Nginisihan ko siya.
"Don't worry, I wont judge, just tell me what it is." Sigurado na ako ngayon na talagang may ginawa siyang pinagsisihan niya. I'm curious what it is.
"No. I don't want to share it." Nahahapo niyang sagot. Mas lalo ko pang nilakihan ang ngisi ko.
"Hmm... Sige hulaan ko nalang... Gumawa ka ng bagay na pinagsisihan mo ng sobra ano?" Tanong ko. Not giving a specific action or what just a pure statement of prediction.
Lalong nalukot ang mukha ni Dina dahil sa sinabi ko. I think I'm right. Natawa ako sa reaksyon niya kaya naman sinamaan niya ako lalo ng tingin.
YOU ARE READING
Sailing To You
RomanceAcantha Zannia Ruiz is finding her way to reach her dreams, until something happen and it includes meeting the cold and mysterious guy who happens to know everything about her. Skylar Pharrell Zade Gomez. Everything seems wrong since the day she met...