Chapitre 2

6 3 0
                                    

Chapitre 2

Work

Simula pagkabata, saksi ako sa paghihirap ng aking mga magulang. Nasilayan ko ang lahat ng sakripisyo nila. Natunghayan ko kung paano sila magpakapagod sa mula umaga hanggang gabi na pagtatrabaho para lang may makain kami sa araw-araw.

Mula pagkabata, napanood ko ang lahat ng hirap, sakripisyo at pagod nila para sa akin, para sa amin, para sa aming pamilya.

Malaki ang pamilya Legada. Nagkalat sa lugar namin ang maraming kamag-anak. Tito, Tita, Lolo, Lola at maraming mga pinsan. Karamihan sa kanila ay may kaya sa buhay. Hindi na nila kinakailangang kumayod tulad ng ginagawa nina Nanay at Tatay.

Hindi kami mayaman. Hindi rin naman kami ganoong kahirap na akala mo ay dapat ng manlimos makakain lang.

Bago pa maging labandera si Nanay ng mga Chavez, naging cook muna siya sa canteen sa tabi ng isang pabrika malapit lang sa street namin. Samantala, si Tatay naman ay isang tricycle driver. Nagbubukid din siya minsan dahil sa tabi lamang ng bahay namin ay isang malawak na kabukiran.

Ayaw na sanang pagtrabahuin ni Tatay si Nanay at laging sinasabi na magpahinga na lang at alagaan kami. 

Parehas silang hindi nakatapos ng pag-aaral. Kaya ang sabihin ni Tatay ang mga katagang iyon kay Nanay ay ang mas lalong nagpatindi sa kagustuhan niyang magtrabaho. 

Umayos ako ng tayo at yumuko. Sa hindi ko na mabilang na pag-uulit, napabuntung hininga ako.

Isinugod si Nanay sa ospital nung araw na iyon. Bigla raw siyang nawalan ng malay habang nagsasampay ng mga damit. Hindi ko alam kung anong dapat unang gawin nang makitang si Nanay ang isinasakay sa kotse. Sa huli, kumaripas ako ng takbo pauwi ng bahay para ipaalam kay Tatay ang nangyari. Laking pasasalamat ko dahil naroon siya.

"Ito ang matagal ko na sa'yong sinasabi, Rowena!" Puno ng pag-aalala, galit at frustrasyong sinabi ni Tatay. 

Pumikit lang si Nanay at huminga ng malalim, nakahiga pa rin siya rito sa isa sa mga bed ng emergency room.

"Titigil ka na sa pagtatrabaho," may pinal iyong sinabi ni Tatay.

Antimano ang pagkunot ng noo ni Nanay at nilingon agad ang asawa. "Emilio, hindi ako pwedeng tumigil---"

"Kailan ka titigil?" Sobrang diing sinabi ni Tatay. Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao at paninigas ng kanyang sihang. "Kapag agaw buhay ka na?" Narinig ko ang panginginig ng boses ni Tatay. "Gano'n ba?"

Napatitig si Nanay sa kanyang asawa. Nanatili kami roon na nakatayo nina Ate Jessie, Juliana at Ate Joy na ngayo'y nakayakap sa akin. 

Paglaon ay napapikit na lang si Nanay. Humugot siya ng malalim hininga at ibinuga iyon na tila nagsisimula na ang pag-usbong ng mga problema.

"Kumusta si Tita? Ayos na ba? Nakauwi na ba?" Usisa ni Gera sa akin, papasok na kami ng school.

Tumango ako at hinawakan ang magkabilang strap ng bag. "Oo, over fatigue daw sabi ng Doctor."

"Siguro dapat 'wag na munang magtrabaho si Tita, Janus?" Si Candle.

Ngumuso ako. "Oo, iyon nga 'yung sabi ni Tatay. Pinapatigil na niya si Nanay sa pagtatrabaho."

Tumango si Candle.

"Uhm..." Nilingon ko si Gera. Nagtaka ako nang makita na parang may gusto siyang sabihin.

"Bakit?" Tanong ko.

"May baon ka?" 

Natigilan ako roon. Matagal bago ako natawa at umiling.

When the Sky Reaches the LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon