Chapitre 3
Pathetic
Nagsimula na agad ako kinabukasan. Every weekends talaga ang sinabi ni Ma'am Donna sa akin dahil daw sa nag-aaral ako. Sumang-ayon naman ako roon pero tinanong ko kung pwedeng tuwing weekdays din.
"Sigurado ka ba? Hindi ba maaapektuhan ang pag-aaral mo, anak?" si Ma'am Donna.
Umiling ako. "Hindi naman po, Ma'am."
Kung weekends ako laging pupunta, malaki ang posibilidad na makahalata si Tatay. Pero kung weekdays at idadahilan ko na na kina Gera lang ako, gumagawa ng assignment o kung ano, siguradong walang siyang mahahalata.
Wala akong pinagsabihan sa kanilang lahat. Maliban lang kay Ate Joy. Sa kanila kasing mga kapatid ko, sa kanya ako pinakamalapit.
"Nababaliw ka na ba?!" Nagulat si Ate nang sabihin ko. "Malalagot ka kay Tatay kapag nalaman niya, Janus!"
"Malalagot kung sasabihin mo, Ate," sabi ko.
Namilog ang mata niya roon. "Ano? Magsisinungaling ka kay Tatay? Alam mong ayaw na ayaw niya sa sinungaling!"
Napabuntung hininga ako roon. Kumalabog ang puso ko sa kaba.
Anak ng tokwa, ano ba 'tong ginawa ko?
Sa huli ay nanaig sa akin ang tunay na dahilan kung para saan ang lahat ng ito. Hindi naman ito para sa akin lang. Para ito kay Nanay. Para kay Ate Joy at Ate Juliana. Para kay Tatay. Para sa amin.
Kaya kahit pa mabuking ako na sana naman ay matagalan para makaipon man lang ako, ayos lang. Ayos lang kahit magalit si Tatay.
Napangiwi ako nang maimagine kung paano si Tatay magalit. Yikes!
"Kailan ang start mo?" Tanong ni Ram.
Nandito na kami sa Food Park. Kakatapos ko lang sa kanilang ikwento.
"Mamaya," simple kong sinabi bago ininuman ang hawak na drink.
"Mamaya agad?" Si Java, nakataas ang dalawang kilay.
"Ulit-ulit?" I joked. "Oo, mamaya na agad. Sayang ang araw."
"Hindi mo sinabi kina Tita at Tito," ani Hannah. Hindi iyon tanong.
Nagkibit lang ako ng balikat.
"Alam mo, papalakpakan ka talaga naming lahat kapag isang araw na pagpasok mo, dila lang ang walang latay sa'yo," biro ni Daniel.
Natawa silang lahat. Tinawanan niya lang ako kahit nang inirapan ko siya.
"Araw-araw ka ro'n?" Elle asked.
Umiling ako. "Hindi naman. Actually, tuwing weekends talaga. Pero ipupush ko ang weekdays para hindi mahalata ni Tatay. Sasabihin ko na na kina Gera lang ako."
"Nice strategy," puri ni Java bago ako nginisihan. "Oo nga pala," umayos siya ng upo, mukhang may biglang naalala. "Start na ng practice natin sa susunod na linggo."
Kumunot ang noo ko roon. "Practice? Saan?"
"Interpretatibo," sagot niya bago kumuha sa tsitsiryang nasa gitna ng lamesa namin.
Hinampas ni Candle ang kamay ni Java dahil halos siya na ang kumakain ng lahat ng iyon mula pa kanina.
"Agad?" Nagulat ako. "Sa August pa 'yun 'diba?"
Interpretatibong Pagbasa. Isa ang contest na iyon sa buwan ng wika na mula Grade 7, parati naming sinasalihan. Nag-eensayo talaga kami para roon. Bukod sa kailangan talaga, iba kasi ang feeling kapag naipapanalo namin.
BINABASA MO ANG
When the Sky Reaches the Land
Teen FictionNang dahil sa hindi inaasahang pangyayari, kinailangan ni Janus na magtrabaho sa Mansion ng mga Chavez. Walang modo, masama ang ugali, mabisyo --- walang kuwentang lalaki. That's what Janus' description about Frazer Myles Chavez, ang nag-iisang anak...