Chapter 6

157 5 0
                                    

"Shit dude! I really can't believe it."

Napapantastikuhang saad ni Jade sa tropa, they are having a get together in Selena's condominium since kasal na naman si Aquilla na dati nilang tambayan ang condo ngayon naman back to zero sila at balik sa condo ni Selena na dati na nilang tambayan noon pa.

"Dude baka naman pinagtitripan ka lang? Alam mo naman mga lalaki." Sabi ni Jhaziel sa kanya.

"I know, kaya nga hindi ko sineryoso." Sagot ng huli dito.

"Talaga lang huh, hindi ka naman talaga nagseseryoso." Segunda naman ni Akira na kakagmdating lang galing sa kusina dala ang binake nila ni Mele na cookies.

Inilapag din ni Aquilla ang juice at si Mele ang mga baso, masyado kasing señorita ang mga mga ito. Na kahit ang may ari ng bahay bisita ang pinaghahanda ng pagkain.

"Luh, kasusap ka ba? Boundary, boundary." Sabi pa nito habang iginegesture ang kamay at gumagawa ng linya na humahati sa kanila.

"Sana paiyakin ka!" Ganti naman nito tsaka bumalik na sa kusina. May mga naiwan pa kasing pagkain doon at marami silang binake. Masyadong matakaw at madami sila para magkasya ang isang bowl ng cookies.

"Tanungin mo yung apat.... tatahitahimik oh!" Sabi ni Mele habang nakaturo sa tatlong nakatulala sa kawalan.

"Alam na naman natin yung kay Maica, yung tatlo ang hindi.... masyadong masikreto." Segunda ni Jhaziel dito. Napanguso si Selena dahil sa kanila na napunta ang topic nila.

"Nananahimik kami dito." Sabi niya sabay kuha ng cookies pero nabitawan din agad dahil mainit pa.

"Tanga! Katakawan kase." Sabi ni Jade na siyang dahilan kung bakit nagsisimula nanaman silang magbangayan. Natahimik sila ng inawat sila ni Ella.

"Guys, tahimik muna. Meron ako baka mabuntungan ko kayo ng inis." Tumahimik sila, masama ang babae pag meron. Laging mainit ang ulo at laging galit kahit wala kang ginagawa.

"Oh! Anong papanoorin natin?"

"Horor/Fantacy/Romance" sabay sabay nilang sabi, maraming may gusto pero hindi naman kayang pagsabay sabayin.

"Pag horror naman magtatakip kayo ng mata fantacy nalang." Sabi ni Akira na nahilig na sa fantacy.

"Buti sana kung nilabas na yung season 5 ng Stranger Things eh, kaso wala pa." Sabi naman ni Maica na naghahanap ng mapapanood sa Netflix.

"May bago, ewan ko lang kung magugustuhan nila." Sabi naman nito. Nagsipagayunan nalang ang iba, lahat naman kase ng sinasuggest ni Akira ay magaganda. Siya kasi ang source nila dati ng mga movies lalo na ang horror nung high school pa sila.

"Hanapin mo yung The Umbrella Academy. It already has 3 seasons already." Sabi niya naman.

"Halatang di ka updated ah!" Sabi nila.

"Baket? Manahimik nalang nagsisimula na! Gusto ko talaga si Vanya diyan hehehe."

Napairap nalang sila sa kanya, tumahimik na sila para makapagfocus sa pinapanood. Phones down sila ngayon dahil iyon ang first rule para fair lahat. Pag nakita nilang may hawak na cellphone ang isa magsecellphone na ang lahat.

Nasa kalagitnaan sila ng episode 2 ng may magring na cellphone, tinignan nila iyon. Agad namang tumayo si Jade at sinagot ang tawag.

Pumunta siyang kusina at sumilip sa sala para mapanood pa din ang pinapanood nila kanina.

"Hello?" Sagot niya. Una wala munang sumagot sa kabilang linya pero ng naghello siya sa pangalawang pagkakataon doon na ito sumagot.

"Hello? Yeah sorry." Napakunot ang noo niya tsaka tinignan ang caller's id pero number lang iyon.

Love Game (Doctor Series #3)Where stories live. Discover now