Chapter 2

236 5 1
                                    

Napapairap ako dahil dito sa babaeng hila hila ako, gusto niya daw magsaya muna at baka ibabad niya nanaman ang sarili sa trabaho.

"Maica, come on! Mas magandang trabaho nalang kaysa inom." Reklamo ni Selena na isa pang hila hila ni Maica sa kanang braso.

"Wag mo na pigilan baliwala din naman." Bored na sabi ko, once na naisip na niyang gawin hindi na nagbabago ang isip niya. Yan ang ugali niya.

Tutal pare parehas naman na day off namin bukas, pagtapos na pagtapos ng trabaho namin ngayon nagyaya si Maica na uminom kasama ang barkada pero bawal sila dahil ang dalawa ay may anak na at ang isa sa kanila ay nasa hospital pa. At ang apat naman ay naka night shift kaya kaming dalawa lang ang naiwan ni Sel.

Pumasok kami sa bar at bumungad sa amin ang amoy ng alak at sigarilyo, ayaw ko ang amoy ng sigarilyo pero titiisin ko para lang masamahan itong isang ito.

"Ano sa inyo?" Tanong niya sa amin ni Sel, nagkatinginan pa kami tsaka sabay na nagsalita.

"Martini." Sigaw namin dahil maingay na dito sa loob.

"Three martini please." Sabi niya sa bar tender, umupo kami sa mga stool doon. Nakakangalay kaya tumayo.

"Ano bang problema?" Simula ni Sel, hindi naman nag aaya uminom to pag walang problema.

"Wala..."

"Tsk! Lalake nanaman yan no?" Taas kilay na tanong ko, halata naman.

"Wala hayaan mo na..." tumingin siya sa bar tender ng inilapag na nito ang inumin namin. Inisang tungga ko iyon tsaka humirit pa ng isa.

"Sinabi ko naman kasi sayo, wag ka na lang magseryoso. Ikaw din nasasaktan sa hule sa pinaggagawa mo." I rolled my eyes to her after I say that. Hindi ko alam kung nakailang punta na kami dito sa bar ngayong month, lagi nalang siyang nag-aaya every week! hindi na nadala deba?!

"Huwag mo siyang igaya sayo, hindi yan play girl kagaya mo!" Sinamaan ko ng tingin si Selena. Playgirl bang matatawag ang sitwasyon ko? Nakakaloka!

"Lakas mo Sel, ikaw nga hahalik halik kahit walang kayo eh." Sabi ko, napanguso siya sa sinabi ko tsaka tinungga ang kanya. Tagal inumin ang daldal kasi!

"Wag na kayo mag away, dito nga tayo para malasing eh." Awat sa amin ni Maica, inirapan ko siya. Puro irap lang ata ako dito, hindi ko kasi mapigilan.

Isang oras kaming uminom doon at ang dalawa nagsasayaw na sa dance floor, medyo hilo na din ako dahil nakailang inom na din ako. I currently drinking a vodka dahil gusto ko lang.

"One whisky please."

Rinig kong sabi ng isang lalaki, naramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

Fuck! Ang nagdadalawa na ang paningin ko, tinatamaan na talaga ako.

"Are you alone miss?" Rinig kong sabi ng katabi ko, malamig iyon na hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya kaya binalingan ko siya ng tingin at bakas ang pagkakakilanlan sa mukha niya. Kilala niya ba ako?

Well his face looks familiar to me but I don't know kung saan ko siya nakita. Baka nakasalunong ko lang kung saan saan.

"Nope, I'm with my friends." Diretso kong sagot, buti nga maayos pa ang pagkakasalita ko eh.

"I see..." malamig pa din niyang sabi, his eyes are like hypnotising you. At pipiliin mo nalang na titigan siya ng matagalan. My sight stayed at his face memorizing every bit of it, then memory hit me.

Shit! He's the guy I bumped at the hospital, bakit siya nandito? Kaya pala parang kilala niya ako.

"Looks like you remember me already, should I be glad about it?" Sabi niya, napangisi na.

Love Game (Doctor Series #3)Where stories live. Discover now